SINUNDAN ko lang ang trail ng rose petals hanggang sa makalabas ng villa. Nagpatuloy iyon hanggang sa medyo secluded na parte ng shoreline. There, a red carpet was also laid on the sand with the rose petals on it.
Nagpatuloy lang ako sa paglakad hanggang sa narating ko ang arko ng mga bulaklak na may nakatabing na mahabang puting tela sa entrance.
Nang mahawi ko iyon, nagsimula ang mabining tugtog mula sa violin at nakita ko roon si Anton nakatayo. Kumabog ang puso ko nang makita ito. Nakaputing long sleeve polo ito na nakatupi hanggang siko at khaki pants. Kahit sa simpleng suot nito ay angat pa rin ang kagandahang lalaki nito.
Sa di kalayuan ay ang romantic dinner set up para sa aming dalawa ng gabing iyon. May wine, steak at iba pang pagkain. Sa kabilang side naman ay ang tatlong lalaking nakapormal na siyang mag-aassist sa amin nang gabing iyon.
Patuloy lang ang romantikong musika sa paghele sa amin mula sa pinapatugtog na violin. Everything looks beautiful and dreamy.
Lumapit sa akin si Anton at inabot sa akin ang bouquet of red roses. Maganda ang mga iyon at mabango.
"Happy wedding anniversary." May ngiti sa labi nitong sambit.
Hindi ko alam kung ano'ng isasagot. Isang awkward na ngiti ang tinugon ko rito.
I did not expect that Anton would prepare something like this. Biglaan ang pagdating namin dito. Isa pa, ang tanging dahilan lang naman ng pagpunta namin dito ay para mai-'celebrate' ang wedding anniversary at para wala nang masabi ang mga tao.
Hindi ko akalain na may ganitong romantic set up pa.
Sabagay, mas magiging kapani-paniwala naman ang 'celebration' kung may pa ganito.
Iginiya niya ako papunta sa lamesa at pinaupo.
Kinuha sa akin ng nag-aassist ang kumpol ng bulaklak sa akin para makaupo ako nang maayos.
"Let's eat." Aya nito.
Tahimik lang kaming kumakain.
If only our relationship was normal. If only we're a true couple. Maybe this could really be romantic. However, everything is just for a show.
Pagkatapos naming kumain ay tumayo si Anton. Lumapit ito sa akin.
"Would you like to dance?" He was asking respectfully.
I don't know how to respond. Pero sabagay, sayaw lang naman.
"Yes." I answered shyly. At inilahad nito ang palad. Nagdalawang-isip pa ako ngunit tinanggap ko rin iyon.
Nagsimulang tumugtog ng panibagong romantikong piyesa ang musician.
Nagtungo kami sa gitna at nang tumigil sa paglakad, iniyakap ni Anton ang kanang braso nito sa aking baywang. Awtomatikong napaliyad ako palapit sa katawan nito at napakapit sa mga balikat nito.
Napasinghap ako sa sobrang lapit ng aming mga katawan. Dahan-dahan nitong inabot ang aking kanang kamay at pinagsalikop ang mga kamay namin.
Ilang saglit pa'y nagsimula kaming sumayaw nang dahan-dahan kasabay sa mabining musika.
"Surprised?" Bulong nito sa tainga ko.
"I didn't know ganito ka mag-effort para lang matapos ang chismis."
"But it's nice, right?" He chuckled.
"For a show? Yeah." I said nonchalantly.
Tumigil ito sa paggalaw at inilayo ang mukha para tingnan ako.
"What?" I mouthed without a sound.
"Nothing..."
At nagpatuloy kami sa pagsayaw.
YOU ARE READING
Marrying Mr. Stranger
RomanceWhat's happening? Di agad nagrehistro sa isip ko kung anong nangyayari habang nakapikit pa rin ang mga mata pero nararamdaman kong maliban sa mga haplos ay may mga mumunting halik sa aking tenga at pisngi. Ang kumot ay unti-unting bumababa sa aking...