Chapter 16

166 5 0
                                    

Hindi ko akalain na magiging mahimbing ang pagtulog ko. It's been years that I've had trouble sleeping. There are times that I take sleeping pills just so I could sleep soundly. I've been to a doctor at ang sabi ay ang pinakamalaking dahilan ng bad sleeping habits ko ay stress sa trabaho.

At paano ko naman maiiwasan ang stress when I've been handling a whole company?

Nakapagtatakang nakatulog ako nang mahimbing kagabi at late nang nakabangon ngayon.

Bigla akong napabalikwas ng higaan nang maalala ang sitwasyon kahapon.

Si Anton! Where is he?

Wala na siya sa kabilang dako ng kama.

Agad akong bumangon at inayos ang sarili. Nakatayo ako sa gilid ng kama nang bumukas ang pinto at bumungad doon si Anton.

"Good morning." Anito nang may ngiti sa labi.

Nakaligo at nakapag-ayos na ito. Nakapambahay lang na khaki shorts at puting t-shirt. Kahit simple lang ang suot nito, nangingibabaw pa rin ang kagandahang lalaki nito.

Agad akong umayos ng tayo. Inalala ko rin na baka may tuyong laway pa sa mukha ko.

Come to think of it, it's our first time sleeping in one bed last night!

Hindi naman siguro ako humilik kagabi di ba?

But enough with these thoughts! Magaling na ba ito?

"Are you feeling alright?" I asked him.

Hinakbang nito ang ilang distansya na nakapagitan sa amin at dumukwang para i-lebel ang mukha sa akin. Maaliwalas na ang mukha nito. Walang bakas na nagkasakit ito kahapon.

Matiim itong nakatitig sa akin na may munting ngiti sa labi. I blushed being this close to him.

"Yup." Anito sabay abot sa aking kamay at inilapat ang aking palad sa noo nito. Sumikdo ang dibdib ko sa ginawa nito. Hawak-hawak pa rin nito ang aking kamay na nakalapat sa noo nito.

"Thanks for taking care of me yesterday and for being with me the whole night. I really appreciate it." Anito. "Sana nga lagi na lang akong may sakit."

"Huh?" Humina ang boses nito sa panghuling sinabi kaya't di ko masyadong narinig. Agad kong binawi ang kamay at lumayo rito.

Isang mahinang tawa ang lumabas sa bibig nito. Nagkasakit lang pero mukhang nasiraan na rin yata ng bait.

"Nakapaghanda na nga pala ng agahan si Manang Fely. Sabay na tayong bumaba at kumain." Anito.

"I'll just go to my room first and fix myself." Hinawi ko siya sa daraanan ko at tinungo ang pinto.

"Alright. I'll wait for you." Nakapamulsa nitong sabi bago ako tuluyang lumabas sa kwarto nito.

MABILIS lang akong naligo at nagbihis. Agad akong bumaba patungong kusina para mag breakfast.

Naabutan ko roon si Manang Fely na inilalagay ang platter ng kanin sa lamesa. Masarap ang mga nilutong ulam ni Manang Fely. May sinabawang isda, nilagang itlog at pritong danggit. Bigla akong natakam. Nakaupo na rin si Anton sa harap ng hapag.

"Good morning, Manang Fely." Bati ko sa matanda. Tumango naman ako nang bahagya kay Anton.

"Magandang umaga, anak. Mabuti naman at andito ka na ulit sa bahay." Masayang sabi nito. 

Akala yata nito ay mananatili na ako for good sa bahay na ito. Maliban sa amin ni Anton, tanging sina Manang Fely, Mang Julian, Mira at Jeric lang ang nakakaalam ng set up namin ni Anton. Sa halos isang taon, kailanman ay walang naging problema dahil mapagkakatiwalaan ang mga ito.

Marrying Mr. StrangerWhere stories live. Discover now