Chapter 27

147 4 1
                                    

NAABUTAN ko si Anton sa loob ng study na tumutungga ng alak.

He was slouching on the sofa with a bottle in his hand. Nakatupi hanggang siko ang puting long-sleeves nito, walang necktie at bukas ang tatlong butones sa dibdib. His hair is also disheveled at namumula ang mukha nito sa kalasingan.

"Oh, you're here." Anito nang makapasok ako sa loob.

"Tama na 'yan, Anton. Lasing ka na." I immediately went to him and tried to take the bottle away from his hand.

"So concern ka sa'kin ngayon?" A sarcastic smile appeared on his lips. Inilayo nito sa akin ang bote at tumungga ulit doon.

"Sabi ko tumigil ka na!" Inis kong sabi rito.

"Ikaw ang tumigil!" Galit ito.

"What exactly is your problem?!" Tinaasan ko ito ng boses.

Tumayo ito at inilapit ang mukha sa akin. "You! You are my problem!"

It's the first time I saw Anton getting really mad at me. Nag-isang linya ang mga kilay nito sa galit. Ngunit hindi ako magpapaapekto rito.

I rolled my eyes at him at itinulak ito. Hindi ito nagpatinag.

"Why is it me? Ano bang gusto mo?" Matigas kong sabi sa mukha nito.

Hindi agad ito sumagot. Nagtaas-baba ang dibdib nito sa marahas na paghinga.

"Kung wala kang sasabihin, aalis na ako." Inabot ko sa kanya ang bote ng alak at akmang aalis. Ngunit pinigilan ako nito sa kamay nang makatalikod ako.

"Stay with me." Saad nito sa mahinang boses habang mahigpit itong nakahawak sa palapulsuhan ko. "Stay with me, please." Kinuha nito sa akin ang bote ng alak at inilapag sa center table.

I don't know how to respond. He's drunk. Who knows if he's only saying that and does not mean it.

"I can't." Mahina kong sagot rito habang hindi pa rin lumilingon sa direksyon nito.

He pulled me so I could face him.

"Why?!" Kita ang galit at lungkot sa mga mata nito.

"I-I just can't." Hindi ako makatingin dito.

Pilit nitong hinuhuli ang aking tingin at ikinulong ang mukha ko sa mga palad nito.

"Last night, when you gave yourself to me, when you held me, kissed me, touched me, wala lang ba yun sa'yo? Tell me, wala lang ba talaga lahat ng iyon sa'yo?" His eyes are pleading.

I remembered the message I read from his phone this morning.

What if it's from the woman he has feelings for? What if she's finally coming back to his life? Paano ako?

"It's just sex, Anton. Just sex!" Pinikit ko ang mga mata habang binibitawan ang mga salitang iyon. Hindi ko kayang magsinungaling habang nakatitig sa mga mata nito. I'm really falling for him.

"That's bullshit! You can't even tell me in the eyes! Look at me while saying that it's nothing to you!" Marahas nitong sabi habang mariin na nakatitig sa akin.

Pilit kong nilalabanan ang mga titig nito. I can't let him know that it was my most wonderful moment with him. I can't let him know I am falling for him.

Ilang sandali pa'y nangilid ang luha ko sa mga mata. Hindi ko kayang magsinungaling rito.

Biglang nanglambot ang mga titig nito sa akin. Pinahid nito ang butil ng luha na nahulog sa pisngi ko.

"Oh, honey." He softly whispered and pulled me close to him for an embrace.

"Huwag na nating pahirapan ang mga sarili natin, please. Stay with me. I don't want to be separated from you anymore." Anito habang hinahaplos-haplos ang likod ng ulo ko.

Marrying Mr. StrangerWhere stories live. Discover now