BIGLANG bumukas ang pinto ng aking opisina at iniluwa niyon si Anton. Napaangat ako ng tingin mula sa aking computer. Di ko namalayang gabi na pala at naalalang nauna nang umuwi si Mira. Nanatili pa ako sa opisina para tapusin ang ginagawa.
It's the first time that my so-called husband visited me in my own office. May pagkakataon naman na nagkikita kami rito sa building ko especially during board meetings ngunit hindi pa kailanman sa mismong opisina ko. Lagi kasi itong busy sa mga mina-manage din nitong mga kumpanya at umaalis agad after the meetings in the conference room.
Inilapat nito pasara ang pinto.
"Is there anything I can help you with?" Pormal kong bungad dito at tumayo.
"Nothing." Anito. Matikas itong nakatayo malapit sa pinto habang nakapamulsa. Inikot nito ang tingin sa kabuuan ng aking opisina at natigil ito sa naka-vase na Peony flowers. Si Mira ang nag-ayos niyon kanina. Isang ngiti ang namutawi sa labi nito.
"Honestly, I just wanted to check on you and see if you're okay. Naputol kasi ang pag-uusap natin kanina sa phone and you are not answering my calls either."
Can't he understand the signals?
"Well as you can see, I'm okay." Sarkastiko kong sabi. "And I'm not answering your calls because I don't want to talk to you." Direkta kong sagot dito.
"Why?"
"Can you just stop, please?" Sabay irap dito.
Napagtanto kong wala na akong ganang magtrabaho dahil sa presensya ni Anton. Gabi na din naman so I turned off my computer, gathered some of my things, put it in the bag and decided to head off.
Nilagpasan ko si Anton papunta sa pinto at akmang pipihitin ang doorknob nang bigla nitong hawakan ang aking kamay para pigilan akong buksan ang pinto. Nilingon ko siya at nagtama ang aming mga mata.
"So you choose to walk out rather than talk it out?" Seryoso nitong saad.
"Give it up, Anton. We're not even attracted to each other!" At mabilis na binawi ang kamay.
Suddenly, he grabbed me so I could face him and pinned me to the door. Bumagsak ang dala kong bag sa sahig. Hawak nito ang palapulsuhan ko sa magkabilang kamay.
"Oh, really?" He smirked. Inilapit nito ang bibig sa aking tenga. "Liar! How you responded to me last night was telling me otherwise."
Shit! Can I just disappear?
His warm breath against my ear is giving me shivers. Nanindig ang balahibo ko sa batok.
Humarap uli ito sa akin at ngayo'y nakatitig na sa aking mga mata. His cunning smile is still there.
Pilit kong kinakawala ang kamay sa pagkakahawak nito.
"You know too well that I was drunk last night. Even you were drunk too!" Gigil kong sabi habang nagtaas-baba ang aking dibdib sa galit. "What happened last night is definitely just an impulse. A mistake! So stop this nonsense."
Napawi agad ang ngiti sa mga labi nito at unti-unting binitawan ang aking mga kamay. He distanced himself a little from me and brushed his hair back. A deep sigh escaped from his mouth.
"Right." Anito nang makabawi. "I'm sorry if I am being too pushy. I understand that you never wanted a husband in the first place. I should have reminded myself that we ONLY married each other for convenience."
"Anton..." Wala akong masabi.
"Nasa baba si Mang Julian dala ang kotse mo. Siya na ang maghahatid sayo pauwi sa condo." Patuloy nito.
Binuksan nito ang pinto at naunang lumabas.
(Uploading tonight because I might be busy over the weekend. How do you like the story so far? Please vote and comment. :) Thank you. :))
YOU ARE READING
Marrying Mr. Stranger
RomanceWhat's happening? Di agad nagrehistro sa isip ko kung anong nangyayari habang nakapikit pa rin ang mga mata pero nararamdaman kong maliban sa mga haplos ay may mga mumunting halik sa aking tenga at pisngi. Ang kumot ay unti-unting bumababa sa aking...