LINGID sa kaalaman ko, naging kasabwat ni Anton si Mira para ihanda lahat ng gamit ko sa 'bakasyong' ito. Kumpleto lahat ng nadalang gamit mula sa mga damit ko, underwears and other personal necessities na kakailanganin ko sa tatlong araw at dalawang gabi na magpaparito kami.
Sinundo kami ng van ng resort mula sa airport at bumyahe ng tatlumpong minuto patungo sa resort. Nang makarating kami ay bumungad sa amin ang napakagandang boho themed reception nito. Umupo ako saglit sa isa sa mga upuan doon habang si Anton ay inaasikaso ang pag-check in namin. Tumawag ako kay Mira habang naghihintay.
"Mira, ano'ng kalokohan 'to?" hindi ako galit ngunit bakas din sa tono ko na hindi ako natutuwa.
"Ma'am pasensya na po napag-utusan lang. Sorry po talaga." Paulit-ulit nitong hingi ng dispensa. "Isa pa mabuti na rin yan maam para makapagpahinga kayo kasama si Sir Anton. Malay natin may magandang mangyari sa inyong dalawa." Tila panunukso pa nito.
"Mira?!" Wala na akong ibang masabi.
"Enjoy kayo maam. Happy wedding anniversary po!" Anito na paniguradong nakangisi ang mukha sa kabilang linya.
Pinutol ko na ang tawag at bumaling ako kay Anton sa may front desk. Papalapit ito sa akin.
"Let's go." Aya nito.
At naglakad na kami papunta sa villa na tutuluyan namin ng dalawang gabi.
ONE king-sized bed only?!
Nakarating na kami sa private villa. Boho themed din ito. Pagkabukas ng main door ay makikita ang entryway kung saan iniiwan ang footwears bago makapasok sa pinakaloob ng villa. Lagpas ng kaunti ay ang pinto ng malaking bathroom sa kaliwa. Sosyal tingnan ang bathroom at malinis. Kumpleto rin sa towels and toiletries.
Lagpas sa pinto ng bathroom ay bubungad ang living area. Halata na pinag-isipan ang lahat ng mga nakalagay na gamit. The furniture suited the theme of the villa so well. Ang lambot pa ng sofa. At sa kanang bahagi naman ay ang dining area.
Binuksan ng nag-assist samin ang isa pang pinto patungo sa bedroom. Idinirecho niya doon ang dala naming mga gamit. Sinuyod ko ang tingin sa loob ng kwarto. May sarili ring banyo sa loob. Malaki at malinis rin. Pagkatapos ay napagtanto ko na iisa lang ang kwarto ng villa! With a king-sized bed!
No way!
Iniisip ko na agad kung saan ako matutulog mamaya. Di ako makakapayag na sa iisang kama kami matutulog ni Anton!
While thinking about that, I continued checking out the room. The room is spacious, well lit and well-maintained. May bedside tables sa bawat gilid ng kama na may nakapatong na lampara isa-isa.
Sa unahan ay nandoon ang chaise lounge na nakaharap sa wide glass sliding doors. It's strategically placed there so that while sitting, you can see the beautiful view of the outside through the glass doors. From the inside, you can see the bluest color of the sea, the bright sky, the trees, and beautiful small islands spreading throughout the water. If you wish for privacy, the glass doors can be covered with long curtains.
Bawat sulok ng villa ay may nakapaso na aesthetic na mga tanim. Ang bango pa ng paligid. Sa kabuuan, malinis, maganda, mabango at maaliwalas ang villa.
"Enjoy your stay ma'am, sir. Kung may kailangan kayo, please call the front desk. Salamat po." Paalam ng nag-assist sa amin at umalis.
Only the two of us are left. There followed an awkward silence.
"One bed only?" Turan ko.
"What's wrong? Malaki naman kaya kasya tayo diyan." Sagot nito.
YOU ARE READING
Marrying Mr. Stranger
Storie d'amoreWhat's happening? Di agad nagrehistro sa isip ko kung anong nangyayari habang nakapikit pa rin ang mga mata pero nararamdaman kong maliban sa mga haplos ay may mga mumunting halik sa aking tenga at pisngi. Ang kumot ay unti-unting bumababa sa aking...