Chapter 17

122 5 0
                                    

NAKAUWI rin ako sa wakas sa condo matapos ang mahabang diskusyon kay Anton. Hapon na ako nakaalis ng bahay dahil ayaw nitong bumalik ako sa condo ngunit di ako nagpatinag. Pati si Manang Fely ay nalungkot din na hindi pa rin ako sa malaking bahay mananatili. Nagpupumilit rin si Anton na siya na ang maghatid sa akin ngunit ininsist ko na si Mang Julian na lang dahil gusto kong bumiyahe nang matiwasay. Iniisip kong marami na namang sasabihin si Anton kapag ito ang nag-drive.

Peace at last!

Humiga ako sa aking queen sized bed at ipinikit saglit ang mga mata. Bukas ay sasabak na naman ako sa trabaho. Naisip kong tawagan si Mira para paalalahanan sa mga dokumentong kailangang ihanda bukas.

"Mira, can you please inform the Accounting and Marketing team na gumawa ulit ng updated reports for the board meeting? I will hold the board meeting this Friday." Turan ko kay Mira sa telepono.

"Okay po, Ma'am. Babalik na po ba kayo bukas, ma'am?" Anito.

"Yes, I'll be present tomorrow. Also, please tell them that I'll be expecting the complete and updated reports tomorrow afternoon."

Marami pa kong ibang iniwan na instructions kay Mira at tinapos din ang tawag nang wala na akong ibang maisip na kailangan rito.

Mira is a reliable secretary. Efficient ito sa trabaho at tunay na mapagkakatiwalaan. Saksi ito sa lahat ng hirap at pagod ko sa pagpapatakbo ng kumpanya. Nung nalaman nito na ikakasal ako, di ko man sinabi ay tila naintindihan din nito bakit ko ginawa yun. Alam nito ang set up namin ni Anton ngunit kailanman ay wala akong narinig na 'chismis' tungkol sa amin ni Anton sa opisina.

Magga-gabi na pala. Tumungo ako ng kusina para tingnan kung ano'ng maihahanda ko para sa hapunan. My fridge is empty and I also don't have anything else in my pantry. Magpapa-deliver na lang ako.

I ordered a spicy one piece chicken meal with pineapple juice sa isang sikat na fastfood restaurant. As much as possible, I try to cook and eat healthy meals only but I don't have the choice right now. Nag-crave din ako ng chicken joy ngayon. Minsan lang naman.

I'm done ordering online at naghihintay na lang sa food delivery nang biglang may sumilip na notification sa cellphone ko. It's an email from my old account. Inilog-in ko rin kasi sa mobile ko ang old email account ko for easy access.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko kung kanino galing ang email. It's from Third!

Agad kong binuksan yon.

Wish I can see you right now. - Third

Dumagundong ang tibok ng puso ko. Is this really him? It's been a while. Oh wait, is he married already? Natuloy kaya yung arrange marriage niya? Is he still in the Philippines?

Hindi ko alam kung rereplyan ko siya o hindi.

Muntik ko nang mahulog ang cellphone nang biglang nag vibrate iyon dahil may tumatawag. Dumating na pala ang food delivery. Agad akong lumabas para kunin iyon at nang makakain na.

NAKATUTOK ako nang mariin sa screen ng aking cellphone habang sinusubo ang pagkain. Hindi ako makapaniwala na nakatanggap ako ng email galing kay Third.

Matapos ang mahabang agam-agam at ilang subo ng pagkain, nagtipa ako ng mensahe. Dahan-dahan, pinindot ko ang 'send' button.

Hey, is this really Third? - Damarah

Abot-abot ang aking kaba habang naghihintay ng reply. Hindi ko namalayan na naging mabilis ang pag-ubos ko sa mga pagkain.

Ano ba to! Para akong timang!

"Damarah! Yes, this is Third. I didn't expect you'd reply! How are you? Nakauwi ka na ba?"- Third

"Oh, wow! Hi Third! It's been a long time. I was able to retrieve this account just recently. Yeah, I'm well and nakauwi na rin ng Pinas. How about you?" - Damarah

"I'm doing fine too. I'm actually asking if nakauwi ka na sa condo mo, but nevermind. I'm just happy that you were able to retrieve your account." - Third

Huh? This is suspicious!

"Wait! How did you know that I'm staying in a condo? And why do you wanna see me? Are you stalking me?!" - Damarah

"Definitely not! I'm not a stalker." - Third

Alam kong naging mabuting kaibigan ko si Third noon but isn't it weird na alam niyang sa isang condo ako tumutuloy? I may have wanted to meet him years ago but I think I have to stop communicating with him this time. Hindi mabuti ang pakiramdam ko sa exchange of emails namin ngayon.

"Hey, Third, I know you helped me with my thesis before and I'm forever grateful for that. I'd be happy to see you but time has just changed. Andaming nangyayari sa buhay ko ngayon. And newsflash! I'm married. So make sure you're not stalking me ha or else I'll let my husband hunt you down. Joke! Nice talking to you, by the way. Bye." - Damarah

Bakit ganun? O baka di talaga si Third ang may hawak ng email address na yun.

Nangilabot ako sa pwedeng masamang mangyari. Pumunta ako sa pinto at siniguradong naka- lock iyon. Pati ang mga bintana ay chineck ko na rin kahit imposible namang may makapasok doon dahil nasa ikalabing limang palapag ako. Mabuti na yung sigurado.

Tumuloy ako sa banyo para mag-shower at nang makapahinga na pagkatapos. Maaga pa ako bukas at maraming aasikasuhin.

Marrying Mr. StrangerWhere stories live. Discover now