Namulat ako sa bango ng pagkain na niluluto sa kusina. Naalala kong di pa pala ako kumain simula kaninang umaga. May pagkain naman sana sa ospital ngunit wala akong gana. Nang makauwi naman ay nakatulog ako ulit.
Nilingon ko ang bedside table kung nasaan ang aking digital clock. Alas siyete na ng gabi. Mahaba-haba rin ang naging pagtulog ko. Umuulan sa labas ngunit di naman kalakasan. Bigla ay narinig ko ang tiyan ko na kumukulo. Gutom na ako.
I put on my white silky robe and tied my hair in a bun. Lumabas ako ng kwarto. Hindi bukas ang ilaw sa living room ngunit maliwanag sa kusina.
Hindi pa pala umuwi si Manang Fely at nag-abala pang magluto ng hapunan. Hinintay pa yata na tumila ang ulan bago umuwi. Sambit ko sa isip.
Humakbang ako papunta roon para sana batiin si manang. Ngunit laking gulat ko nang hindi si Manang Fely ang naabutan ko roon.
"Hey sleepyhead. Glad you're awake." May ngiti sa labi na bungad ni Anton sa akin.
Nanatili lang akong nakatayo roon, naguguluhan ang mukha. Hindi pa rin ako sanay sa 'naglulutong' Anton sa kusina.
"Come, sit. I know gutom ka na kasi buong araw kang di kumain." Anito habang inaayos ang mga pagkain sa lamesa at mga kubyertos.
Nakatitig lang ako sa bawat kilos nito. Mula sa paglalatag ng mga plato at kubyertos, at paglalagay isa-isa ng platter ng kanin at mga ulam sa mesa.
Bigla-bigla ay kumulo ulit ang tiyan ko nang pagkalakas-lakas na narinig din nito iyon. Nasapo ko ang aking tiyan sa gulat habang nagkatitigan kaming dalawa.
"Let's eat?" Aya nito na tila natatawa.
Umayos ako ng tayo. Alanganin akong humakbang papunta sa lamesa at umupo sa harap nito. Mas lalo akong nagutom nang makita ang mga pagkain sa harapan ko. Nagluto ito ng tinolang manok, pritong isda at adobong kangkong. All look good and tasty. Ang bango-bango pa. Tamang-tama sa maulan na panahon. Biglang naglaway ang bibig ko.
"You have to eat a lot." Anito habang nilalagyan nito ng kanin at ulam ang plato ko na parang ihahain yata lahat sa plato ko ang mga pagkain.
"That's enough. Also, di ako pilay para di kayang paghainan ang sarili ko." Pigil ko rito. I rolled my eyes at him. Naiiling at nangingiti na lang ito sa inaasta ko. Pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain.
Sumubo ako ng kanin na may karne ng tinolang manok. Nandilat ang mga mata ko sa sarap. O baka naman ay gutom na gutom lang talaga ako. Ngunit masarap talaga!
Hindi ko namalayang sunud-sunod na akong sumubo ng manok, pritong isda, adobong kangkong at paghigop ng sabaw. Patuloy lamang ako sa pagsubo at pagnguya. Para akong patay-gutom.
"Like it? Hinay-hinay lang sa pagkain." Pansin ni Anton habang inaabot sa akin ang isang basong tubig.
Kinuha ko iyon habang tinatapos kong nguyain ang pagkain sa bibig at mabilis na nilagok ang tubig sa baso.
Naubos naming dalawa ang lahat na nakahain sa mesa. But I bet, I ate a big portion of it. Busog na busog ako nang matapos at dumighay pa nga nang malakas.
"Ooops, sorry!" Sapo ko sa aking bibig at hiyang-hiya.
"I'm glad you liked it." Isang matamis na ngiti ang namutawi rito.
"Thank you for the wonderful meal. I didn't know you could cook." Wala namang masama kung purihin ko ang luto nito.
"Of course, I can. It's just that I don't have time to do it." Anito.
Isa na namang katahimikan. I'm just so bad with small talks, especially with Anton. Hindi ko alam kung ano'ng pag-uusapan namin kasi kung tutuusin, we're strangers from each other. We don't have common friends, we don't share interests with each other, and we only talk about business which I don't want to talk about right now. In short, nagpakasal kami na hindi lubusang kilala ang isa't isa.

YOU ARE READING
Marrying Mr. Stranger
RomanceWhat's happening? Di agad nagrehistro sa isip ko kung anong nangyayari habang nakapikit pa rin ang mga mata pero nararamdaman kong maliban sa mga haplos ay may mga mumunting halik sa aking tenga at pisngi. Ang kumot ay unti-unting bumababa sa aking...