Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata. Medyo nahihilo pa ako at mahina ang katawan. Kahit nanlalabo ang paningin, sigurado akong nasa ospital ako. Puro puti lamang ang nakikita ko. Nakakasilaw pa ang ilaw.
Nang medyo malinaw na ang aking paningin, natanaw ko ang nakaputing doktor sa di kalayuan na nakatalikod sa direksyon ko. May kausap ito.
"Thank you so much, Doc. But if she's all okay now, why is she still not awake?" Wika ng kausap ng doktor.
"Nothing to worry about, Mr. Salazar. Bumabawi lang din ang katawan niya ng pahinga. As I can see, hindi nakakapagpahinga nang maayos ang asawa mo. In no time, magigising din siya." Paliwanag ng doktor.
And then I saw Anton looking into my direction. He noticed I'm already awake.
"I guess you're right, Doc. Gising na siya." Saad ni Anton. Mabilis ang mga yapak nito na lumapit sa aking higaan. Sumunod dito ang doktor.
Nagsagawa ng madaliang check up ang doktor sa akin para masigurado na okay ako.
"How are you feeling, Mrs. Salazar? May masakit ba sa katawan mo?" Ani ng doktor. Nakikita ko rin ang tila pag-aalala sa mata ni Anton.
"Wala naman ho. I'm okay now." Sagot ko sa napapaos na boses.
"Alright. Pwede ka nang ma-discharge ngayong araw din ngunit patuloy ka pa ring magpapahinga sa bahay ng at least two days. Huwag mo munang pilitin ang sarili na magtrabaho agad. Bawal din ang magpuyat." Abiso ng doktor.
"Yes po, doc." Sagot ko.
"Okay, I'll get going now Mr. and Mrs. Salazar." Paalam ng doktor at umalis.
Pinilit kong bumangon pagkaalis ng doktor. Agad na umalalay sa akin si Anton.
"Anything you want help with?" He said in a soft tone.
"Nothing. I just wanna go home." Sambit ko habang nakahawak sa sentido.
"Are you alright? I'll call the doctor again." May pag-aalala sa boses nito.
"No, I'm alright. You don't have to. Gusto ko lang na makauwi agad."
"Alright. You're going home."
Isang buntong-hininga ang kumawala sa bibig ko.
"Not to your condo but to our house." Anito.
Biglang nandilat ang aking mga mata habang nakatingin dito.
"What?" Naguluhan ako sa sinabi nito.
"Uuwi ka ngayon sa bahay natin. Dun ka mananatili habang nagpapahinga. Pinadala ko na ang ilan mong mga damit at importanteng gamit sa bahay." Anito sa matatag na boses.
"It's not like I have a dreadful disease that needs attention. I'm all okay now. I can manage on my own."
"No more discussions, Damarah. Uuwi ka ng bahay."
"You don't decide for me!" Galit na saad ko.
"Yes, I do. I'm only looking for your health and safety. I can't afford na may mangyari sa'yo as the CEO ng pinag-investan kong kumpanya. Also, I'm your husband." Diniin pa nito sa pagkakasabi ang 'husband'.
Lalong nanghina ang pakiramdam ko. Ayoko nang makipag-away kaya hinayaan ko na lang ito.
Sa hapon ng araw ding iyon, nakalabas ako ng ospital at dumirecho ng uwi sa bahay namin.
Hindi ko kasabay si Anton sa pag-uwi at pinahatid lamang ako kay Mang Julian. Sabi ni Mang Julian, dumaan muna si Anton sa opisina ko upang asikasuhin ang na-cancel na board meeting kanina at iba pang mga bagay.
Nalaman ko rin kay Mira paanong nakarating si Anton sa condo building ko. Ayon kay Mira habang magkausap kami sa telepono kaninang umaga, dumating si Anton sa opisina para sa board meeting. Nang bigla akong nawala sa linya, agad nitong nilapitan si Anton para ipaalam ang sitwasyon.
Puno raw ng pag-aalala ang mukha nito nang malaman at mabilis na nagtungo sa aking condo building. Mabuti na lang at naging mabilis din ang pag-aksyon nito sa pagtawag sa emergency team na siyang nagbukas ng pinto ng elevator.
I went directly to my bedroom upon arriving at the house. Andoon na ang ilan kong mga gamit at damit na maayos na naka-hanger sa cabinet. Bago rin ang bedsheets at pillowcases. Siguradong si Manang Fely ang nag-ayos ng mga iyon. Ito ang linggo-linggong pumupunta ng bahay para maglinis.
Nilingon ko uli ang kabuuan ng kwarto. I guess I have to stay here for the meantime. Pagbibigyan ko na lang muna si Anton para wala nang gulo. Dalawang araw lang naman. After two days of rest, we'll go back to the way it is.
YOU ARE READING
Marrying Mr. Stranger
RomanceWhat's happening? Di agad nagrehistro sa isip ko kung anong nangyayari habang nakapikit pa rin ang mga mata pero nararamdaman kong maliban sa mga haplos ay may mga mumunting halik sa aking tenga at pisngi. Ang kumot ay unti-unting bumababa sa aking...