A classic OPM song is being played at the other side of the door. Nagising ako sa mabining tugtog na iyon.
🎶 Kung tayo ay matanda na
Sana'y di tayo magbago
Kailan man
Nasaan ma'y ito ang pangarap ko
Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin oh
Hanggang sa pagtanda natin
Nagtatanong lang sa'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko 🎶
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at napansin na di ako pamilyar sa kung saan ako ngayon.
Hmmm... Where am I? Ugh... ang sakit ng ulo ko.
Sinapo ko ang ulo at mariin na ipinikit ang mga mata.
Yeah, I remember now. Nasa villa ng isang resort pala kami ngayon ni Anton para sa aming 'wedding anniversary'. And I'm so wasted last night! Hindi ko na maalala kung paano kaming nakabalik ng villa ni Anton.
Inakma kong bumangon ngunit napagtanto kong hubo't hubad ako sa ilalim ng kumot!
What?!
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pilit kong inaalala kung ano'ng nangyari kagabi.
Bigla ay bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Anton. Nakapagbihis na ito at parang di man lang tinamaan ng alak kagabi.
Mabilis kong tinakip ang kumot sa buo kong katawan. Tanging ulo ko lang ang di natatabunan.
"Good morning! How do you feel?" Anito na may matamis na ngiti sa mga labi.
Pinakiramdaman ko ang sarili kung meron bang masakit sa aking katawan. I particularly feel that 'thing' between my legs!
"Did we... do it?!" Bulalas ko. I was distressed.
Hindi ko alam kung nagulat ito sa tinanong ko o sa lakas ng boses ko.
"Hey, calm down." Lumapit ito sa akin at umupo sa kama.
Mabilis akong dumistansya rito at siniksik ang sarili sa headboard.
"Answer me!" Bulyaw ko rito habang mahigpit na kinuyom ang kumot para di yun bumaba sa katawan ko.
"You don't remember?" Anito.
"What?! Did we...really?" I felt defeated. There goes my virginity. Wala man lang akong naalala.
Nangilid ang luha ko sa isiping iyon.
Humagalpak ng tawa si Anton nang mapansin na naiiyak ako.
"Are you crazy?!" Hinagis ko ang isang unan dito.
"Calm down, Damarah. Nothing happened." Tumawa ulit ito ngunit tumigil din nung mapansing seryoso pa rin ang mukha ko.
"Are you sure?" Paninigurado ko. Wala nga namang masakit sa pagitan ng mga binti ko.
"I don't force myself to drunk girls, you know."
"Kung ganon, bakit hubo't hubad ako? Explain this to me!"
"Puno ka ng suka kagabi. Nilinis kita pero ang hirap mong bihisan. Tinatapon mo ang mga damit."
Does this mean that he saw everything?!
Biglang namula ang mukha ko sa isiping iyon.
"You don't have to be shy, Damarah. I've already seen everything, remember?" Nanunuksong turan nito. Tinutukoy nito ang nangyari noon sa bahay.
YOU ARE READING
Marrying Mr. Stranger
RomanceWhat's happening? Di agad nagrehistro sa isip ko kung anong nangyayari habang nakapikit pa rin ang mga mata pero nararamdaman kong maliban sa mga haplos ay may mga mumunting halik sa aking tenga at pisngi. Ang kumot ay unti-unting bumababa sa aking...