Chapter 18

160 10 2
                                    

I went to the office a few minutes earlier than usual. When I approached my table, tambak doon ang mga dokumentong kailangan kong i-review at pirmahan.

Nagsimula akong magtrabaho. Ilang minuto pa ay bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Mira. May dala itong karagdagang papeles na kailangan kong pirmahan.

"Salamat Mira. Have you taken notes of the things I said to you yesterday?" Paninigurado ko para di niya makalimutan.

"Yes, ma'am. Nasabi ko na rin sa accounting and marketing department yung mga kakailanganin mong report. Mamaya po ay magse-send sila ng report through email. Magre-remind din po ako sa kanila ngayon to make sure." Anito.

"Alright, please also remind the board for the upcoming meeting tomorrow. That's all for now. You can go back to your desk."

Tumango si Mira at naglakad na palabas ng opisina patungo sa desk nito.

Sinimulan ko na ang natambak na trabaho sa ilang araw na di ako nakapasok. Kailangan kong matapos lahat ng ito para makapag-focus ako sa paghahanda ng slides ng naudlot na board meeting noong Lunes.

Ginugol ko lahat ng atensyon ko sa trabaho. I've done several calls also with potential clients and members of the board. Sinabay ko na ang pagkain ng lunch while reading some contracts. Kailangan mabawi ko ang nasayang na oras.

Ganoon lang ako buong araw. Puro trabaho lang ang inatupag ko. Subalit minsan sumagi rin sa isipan ko si Anton.

Kumusta na siya?

Di ba siya nilagnat ulit?

Di man lang nag-message para kumustahin din ako?

Pero teka! Ba't ba ako nag-iisip nang ganito? In the first place, hindi normal sa amin ang magkamustuhan. At tsaka dapat magpasalamat ako kasi di na niya ako ginugulo. Dapat lang na panindigan nito ang sinabi na di na gagawa ng kung anuman para totohanin ang kasal.

TODAY is finally our annual board meeting. Maganda ang naging takbo ng kumpanya sa mga nagdaang buwan. Confident ako na na-hit namin ang sales target. I'm also excited to present to the board some projects we started in the past months para palakasin ang kumpanya.

Ngunit bakit ako kinakabahan?

Dahil ba magkikita kami ulit ni Anton sa meeting?

Why is it a big deal anyway? Lagi naman itong present sa board meeting noon at kailanman ay di ako naging awkward rito. Pwera nga lang nung bagong alis ako sa bahay. Pagkalipas ng ilang buwan, bumalik din naman sa normal ang lahat.

Well, I just have to think that it will go back to normal anyways.

Nahigit ang aking hininga nang pagpasok ko sa conference room ay nandoon na si Anton nakaupo. He's sitting on a swivel chair at the most back across the room, nakaharap sa malaking screen. Seryoso ito. His elbows are above the table, his chin is nestling on his hands. He's so damn attractive in that black suit even if he's just there sitting. Nakatayo ako sa may pinto at matiim itong nakatitig sa akin. Madilim ang kanyang mukha.

Mabagal akong naglakad papunta sa podium malapit sa screen para ilagay ang mga gamit ko roon. I can feel all his eyes on me. Well, I can't ignore him. Might as well acknowledge his presence, right?

"Good morning! You're early." Bati ko rito matapos mailagay ang ilang mga gamit ko. The members of the board are expected to arrive in 30 minutes. Di rin naman ito maagang dumarating dati.

"Yeah. Baka lang kailangan mo ng tulong." Anito at tumayo. Naglakad ito patungo sa akin.

Normal lang naman itong naglakad papunta sa akin pero tila isa itong modelo na naglalakad sa runway. Nanatili lang akong nakatayo roon. I feel like I'm being enchanted. Parang may dreamy filter ang buong paligid at ang kagandahang lalaki nito lang ang nakikita ko. His long strides are very attractive, his hair is perfectly fixed, his gorgeous deep-seated eyes are staring into my soul, and his lips... those soft and luscious lips. Palapit ito nang palapit. I can smell his manly perfume that lures me under this spell.

Marrying Mr. StrangerWhere stories live. Discover now