CHAPTER 16

636 6 0
                                    

KATULAD ng sabi ni Senyorito ay kinabukasan na nga kami nakauwi. Hinatid naman ako ni Senyorito Saint sa aming bahay gamit ang kaniyang kabayo.

" Akala ko ay naligaw na kayo ni Senyorito sa gubat dahil umuulan na at manggabi pa ay hindi pa kayo nakakauwi" nagaalalang sabi ni ina habang tinutuyo ang aking buhok dahil katatapos ko lang maligo.

" Nagaalala nga din sya ina dahil baka daw magalit kayo" sagot ko.

" Kung si Senyorito ang kasama mo wala akong problema. Maipagtatanggol ka non e" sabi ni ina at sinuklay naman ang aking buhok.

Natapos si ina sa pagpapatuyo ng aking buhok at umalis upang puntahan si ama para makabili sa pangpang ng sariwang isda.

Pumasok ako sa aking kwarto at namataan ko si Chie na nakahiga sa aking kwarto habang may hawak na cellphone.

Ano ang ginagawa nya dito sa aking kwarto? May sarili naman silang kwarto ni Tiya Cess.

" Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" mahinahong sabi ko habang nililigpit ang sabog sabog na unan sa sahig.

" Nakahiga? Nakikita mo naman diba?"

" May sarili kayong kwarto ni Tiya Cess. Kwarto ko ito kaya bakit ka andito?" tanong ko ngunit para syang walang naririnig at nagkumot pa na ikinainis ko.

Ngayon lang ako nakaramdam ng inis sa isang kamag-anak. Ibang klase ang ugali nya. Mabait naman si ama ngunit bakit ang kapatid at pamangkin nya ay sutil.

" Pwede bang ako naman ang gumamit ng kwarto ko?"

" Pinapaalis mo ba ako?" galit syang humarap sa akin at inalis ang kumot sa kaniyang katawan.

" Halata ba?" naiinis kong sabi habang tinitiklop ang kumot na ginamit nya dahil kong saan nya lamang ito binalandra.

" Makakarating ito kay Tiyo Nilo! Sasabihin ko sa kaniya na pinagdadamotan mo kami ni mama!" sigaw nya at nagdadabog na umalis sa aking kwarto.

Mabilis kong sinara ang aking kwarto at nilagyan ng isang metal na bagay upang hindi sya makapasok kahit anong gawin nya.

Inayos ko ang mga libro ko na kalat kalat at mga unan na nasa sa sahig. Madaming papel ang nakakalat.

Kababaeng tao balahura sa gamit. Naiinis kong inayos ang lahat ng gamit na ikinalahat ng Chie. Binuksan ko ang bintana upang pasokan naman ng araw ang aking kwarto. Nililis ko din ang kurtina.

Ilang oras pa lang ang tinatagal ng aking pagpapahinga sa kwarto ng marinig ko ang sunod sunod na katok mula sa aking pintoan.

" Caia! May naghahanap sayo! Lumabas ka dyan!"  sigaw ni Chie mula sa labas ng pintoan kaya mabilis akong nagsuot ng tsinelas at lumabas.

Bago ako tuluyang lumabas ay nilock ko ng maayos ang aking kwarto upang hindi na makapasok si Chie.

Dali-dali akong nagpunta sa sala upang makita kong sino ang aking bisita. Nakita kong nakaupo ito sa sofa.

" Ruan? Ruan! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at lumapit sa kaniya.

Nakangiti syang tiningnan ako at kinuha ang dalawang paper nag upang ibigay sa akin.

" Ano ito Ruan?"

" Mga pagkaing galing sa Manila na alam kong magugustuhan mo kaya binili ko"

" Totoo? Akin ito lahat?" masaya kong sabi habang tuwang tuwang tinignan ang mga bigay nya.

Akmang yayakapin ko sya bilang pasasalamat ng dumating si ama at ina kasama si Senyorito Saint. Walang damit pangitaas si Senyorito pati na din si ama.

" Mang Nilo! Mano ho" sabi ni Ruan at nagmano kay ama pati na din kay ina.

" Ruan! Nakauwi ka na pala galing Manila? Kamusta ang buhay roon? Maayos naman ba?" sunod-sunod na tanong ni ina habang kumukuha ng maiinom sa kusina.

" Maganda naman po ang trabaho ko sa Manila. Maayos din po ang kita ko roon" banggit nya ngunit wala doon ang aking pokus kundi kay Senyorito Saint na madilim na namang nakatingin sa akin, na parang may ginawa akong kasalanan.

" Nga pala Ruan, Si Senyorito Saint mayari ng isla" pakilala ni ama kay Senyorito Saint.

Akmang makikipagkamay si Ruan ng dumating ang dalang kape at suman ni ina.

" Senyorito kain ho kayo. Anak ipagbalat mo nga si Senyorito ng suman" utos ni ama

Wala akong nagawa kundi ang sundin ang utos ni ama. Mula kahapon noong may nangyari sa amin ay hindi pa nya ako kinakausap kaya wala akong sabi-sabing pinagbalat sya ng suman.

" I-Ito na po Senyorito" nauutal kong sabi at nilapag sa kaniyang platito.

" Masakit ang kamay ko" seryosong sabi nya habang pinakita ang kamay nyang namumula. Mabilis ko namang hinawakan ito.

" Ama! Namamaga ang kamay ni Senyorito!" nagaalala kong sabi habang hawak hawak pa din ang kamay nya na mainit ngunit namamaga.

" Ay naku Senyorito! Sinasabi ko na nga ba ay hindi ka sanay kumuha ng isda mula sa lambat e." sambit ni ina.

Natusok pala sya ng mga matutulis na hasang at palikpik ng isda. Hindi man lang nagsasabi. Mabilis ko syang pinatayo at dinala sa poso.

" Itapat mo po ang kamay mo sa poso Senyorito" ginawa nya ang sinabi ko at binumbahan ang poso. Hinugasan kong mabuti ng mabangong sabon ang kaniyang kamay.

" Kaano-ano mo ang lalaking nasa sala nyo?" seryosong sabi nya habang nililinis ko ng bulak ang kaniyang dalawang kamay gamit ang cotton balls na may alcohol

" Kaibigan ko yun si Ruan"

" May gusto ba sya sayo?"

" Gusto ako? Hindi no! Magkaibigan lang kami Senyorito"

" Siguradohin mo lang." mahinang bulong nya sapat lang upang marinig ko ngunit ipinasa walang bahala ko na lamang iyon.

TEACH ME, PLEASE SENYORITO Where stories live. Discover now