CHAPTER 29

678 16 4
                                    

APAT na taon ang lumipas at masasabi kong masaya ang naging apat na taon na iyon sa piling ng aking tatlong anak at pamily ngunit minsan ay sumasagi pa din sa aking isipan kong ano na nga ba ang nangyari kay Senyorito Saint.

Nawala na ang lahat ng galit at pagkamuhi ko sa kaniya dahil sa madaming dahilan. Naisip ko na ang sya ang dahilan kong bakit naging maayos ang aming buhay simula bata pa ako dahil pinagkatiwala nya kay ama ang Isla. Nagkaroon ako ng masaganang buhay at hindi naghihirap. Isa na rin ang pagbibigay  nya sa akin ng tatlong gwapong anak.

Siguro nga totoo ang sabisabi na totoo ang karma. Ginawan ko sya ng hindi maganda at ito ang naging kapalit  kahit ganun na napatawad ko na sya ay hindi ko pa din maatim na makita sya.

" Ma! Sabi papu paalam daw sayo kami, punta kami dagat. Sundo kami tao" putol putol na sabi  ng anak kong si  Syvion.

" Bulol!" rinig kong kantyaw ni Syed

" Syed Jimenez." bantang sabi ng nakakatanda nilang kapatid na si Sylas.

Napatingin naman ako sa tatlo. Kamukang kamuka talaga nila ang kanilang ama.

Napakadaldal ng anak nyang si Syvion at maloko naman ang isa nyang anak na si Syed ngunit seryoso naman si Sylas. Naalala ko tuloy sa kaniya si Senyorito Saint noong una kaming nagkita.

" Sorry bubwit" mahinang sabi ni Syed kay Syvion at tinap ito sa balikat.

" Ano po ma? Sama kami o indi po?" tanong muli nito

" Syempre pwede kayo sumama pero huwag magpapasaway kay papu ha" pangaral ko rito.

Sabay sabay naman silang tumakbo at umalis. Hindi tuloy maputol ang aking mga ngiti.

Nawala na sila sa aking paningin ngunit tila kinakabahan naman ako ng hindi ko alam kong bakit. Hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy sa aking ginagawa.

Nagluluto ako ng tanghalian upang pagdating ng bisita ni ama ay may pagkain na. Wala kase si ina dahil pumunta sya ng bayan upang mamili ng mga pagkain.

" Yuhoo mga pamangkin! Asan na kayo mga bulilit! May pasalubong kami ni Tito Ruan nyo!" maingay na sigaw ni Chie na ikinalabas ko naman ng kusina.

" Wala sila dito sinama ni ama" sabi ko.

Tumimgin naman ito sa akin at sinuri ang aking katawan. Umikot pa ito sa akin upang tignan ako napakros nalang ako ng kamay sa dibdib dahil sa ginagawa nya.

" Bakit ka nakadaster? Saka bakit muka kang pagod? Nawala lang ako ng ilang buwan hindi ka na pasyonista?" sunod-sunod na sabi nya habang sinusuri ako.

Marami kase syang binbiling damit ng tatlo at sinasama na nya din ako kase naiinis daw sya sa mga suot ko muka daw pangmatanda. Wala na akong nagawa ng hikitin nya ako papunta sa aking kwarto.

Nilabas nya ang lahat ng dala nya at binigay ang isang pares ng bestidang puti, habit ito sa aking katawan ayaw ko sanang suotin ngunit mapilit sya kaya wala na akong nagawa.

" Teka nga! Bakit ka ba andito? Nasaan si Ruan?" tanong ko

" Tinakasan ko sa bahay nila"

" Aba bakit naman? Baka nagaalala na iyon sayo"

" Paano hindi ko sya tatakasan! Magkasintahan pa lang kami pero kong makayaya ng s*x putang*na Caia oras oras! Said na said na ang katas ko!" reklamo nya habang nilalabas pa din ang mga regalo nya sa tatlo nyang pamangkin.

Tanging tawa lang ang naging sagot ko habang sinasara ko ang bestida sa likod.

" Masyado mo kaseng sinabik yan si Ruan"

TEACH ME, PLEASE SENYORITO Where stories live. Discover now