CHAPTER 21

664 5 0
                                    

TATLONG buwan na simula nong dumating dito si Senyorito Saint. Sa loob ng ilang buwang na iyon ay madami ng nangyari. Isa na nga dito ang pagtuturo nya sa akin kong paano makipagtalik na ako naman ang may kagustuhan.

Minsan naiisip ko paano kong bumalik si Senyorito Saint sa Manila at iwan ako dito. Wala naman akong karapatang magalit o magtampo dahil hindi naman kami magkasintahan ngunit minsan ay napapaisip ako, ano kayang pakiramdam na maging  kasintahan si Senyorito?

Aaminin ko sa aking sarili na unti-unti ng nahuhulog ang aking loob kay Senyorito Saint at alam kong delikado itong pinasok ko. Ayaw kong malaman ni ama at ina kong ano ang namamagitan sa amin ni Senyorito Saint dahil ayaw ko itong masangkot sa sitwasyong ako naman ang may kasalanan.

" Senyorito!" angal ko ng basain nya ako gamit ang kaniyang kamay.

Andito kami sa dalampasigan upag maligo sa dagat. Nagyaya kase sya dahil gusto daw nyang magbabad sa dagat.

" Ang lalim ng iniisip mo ah" sabi ni Senyorito Saint at umupo sa tabi ko habang basa ang katawan.

" Tapos kana maligo?"

" Oo. Ikaw ayaw mo maligo?"

" Sawa na ako magtampisaw dyan"

" Ano nga ba ang iniisip mo kanina? Mukang may pinanghuhugutan e" natatawang sabi nya at piningot ang ilong ko. Hinampas ko naman ang kaniyang kamay dahil doon.

" Kailan ka uuwi sa Manila?" tanong ko na ikinatahimik nya. Seryoso syang tumingin sa akin at parang sinusuri ang aking muka.

" Pinapauwi mo na ba ako?" maamo nyang sabi na ikinatawa ko. Tumayo ako sa pagkakaupo sa buhangin at hinila sya papunta sa dagat.

Binitawan ko sya ng malapit na kami sa tubig. Lumusong ako at nagumpisang lumubog upang lumangoy. Akmang aahon na ako mula sa ilalim ng may  humapit sa aking bewang. Sinakop nya ang aking labi kahit nasa  ilalim pa din kami ng tubig. Parehas kaming kumukuha ng hininga sa aming bibig ngunit ng maramdaman na namin na hindi na namin kaya ay umahon na kaming hingal na hingal.

" Aw!" daing ni Senyorito Saint dahil sa paghampas ko sa kaniyang braso.

Masamang tingin ang ipinukol ko dito ngunit sya ay pangiti-ngiti lang. Napakapilyo!

" Ikaw! Pag may nakakita sa atin ay sinumbong tayo kay ama" tanging sabi ko habang kinukurot ang tagiliran nya. Todo iwas naman sya sa aking ginagawa.

" Caia! Caia!" sigaw ng pamilyar na boses mula sa dalampasigan na nagpatigil sa amin sa paghaharutan ni Senyorito Saint.

" Who's that?" nakakunot noong sabi ni Senyorito Saint ngunit hindi ko sya sinagot at naunang bumalik sa dalampasigan.

Anong ginagawa ng dalawang mokong ma ito dito? Naiinis ko silang tinignan ngunit sila ay nakangisi lang.

" Landi nyo ah! Habulan sa tubig? When kaya!" naglulupasaw na sabi ni Vil. Isa sya sa naging kaibigan ko dito sa Isla bukod kay Ruan. Magkaibigan kase ang mga tatay namin kaya naging close nadin kami.

" Hoy! Anong when kaya? Nakita ko kayo ni Gardo na lumabas ng banyo nila na magkasama! Kakadilig lang sayo e!" pairap na sabi ni Ella habang kinukurot sa tagiliran si Vil.

" Hindi ba sabi ko sainyo wag kayong magpapakita pag andito si Senyorito!" mariin ngunit mahina kong sabi ngunit todo ilag naman sila na parang may bato akong hinahagis sa kanila.

" Wag mong sabihing mag ses*x on the water kayo, kaya pinapaalis mo kami!" nakataas kilay na sabi ni Vil at humagikgik naman ito pagkatapos.

" Tinuloy mo ang pustahan natin?" seryosong sabi ni Vil at pinagkros ang dalawang kamay sa dibdib.

Hindi ako sumagot at iniwas ang tingin sa kanilang dalawa. Ano bang problema nil? Sila ang nagsuggest nito!

" Oo" walang awtubiling saad ko

Sabay na napanganga silang tumingin sa akin. Hindi mawari ang  kanilang ekspresyo. May halong pagaalala at pagkatakot.

" S-So hindi ka na virgin?" tumango naman ako at napahampas lang ako sa noo ng kunwaring mahimatay si Vil.

Napaka oa!

" Itayo mo Ella! Itayo mo ko! Kukutusan lang si Caia" sabi ni Vil ngunit binitawan naman sya ni Ella sakto upang malaglag sya sa buhanginan. Masamang tingin naman ang pinukol nito kay Ella.

" Nagbibiro lang kami noong sinabi namin sayo iyon! Ano bang pumasok sa isip mo at tinuloy mo?" seryosong hinaiing ni Ella na ikinagulat ko. Ngayon lang naging ganito si Ella sa akin, alam ko namang mali.

" Gusto mo sya ano?" seryoso ding tanong ni Vil na nagpatigil sa akin. Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam kong sasabihin ko ba sa kanila o hindi.

" Confirm." sabay na sabi nila Ella at Vil na ikinainit ng pisngi ko.

Akmang magsasalita ako upang  sagotin sila ng maramdaman ko ang kamay ni Senyorito Saint sa bewang ko.

" What's happening here?" tanong nya habang  mariinng nakatingin kina Ella na ikinalunok nilang dalawa.

" K-Kaibigan ko sila Senyorito Saint! Si Ella at Vil. Hindi mo sila nakikita kase busy sila pagtitinda ng Isda dyan sa maliit na palengkehan" paliwanag ko na ikinatango  lamang nya.

Pinandilatan ko naman silang dalawa upang umalis na tumango namin sila at nagpaalam kay Senyorito Saint.

" Una na ho kami Senyorito!. Nasusuka ho kase sa Vil mukang buntis" sabi ni Ella na ikinagulat ni Vil kaya hinampas nya ito sa braso at tumatawang umalis.

Mga gag* talaga.

" Your friends was funny and nice" komento ni Senyorito Saint at hinalikan ang aking noo.

" Uwi na po tayo?"

" Sige! Sainyo ulit ako ah para doon na ako kakain at hindi mo na ako dalhan. Ayokong napapagod ka e" sabi nga na ikinainit ng pisngi ko.

" Kung yan ang gusto mo" sagot ko.

SAINT was on the way home when someone stop in front of his car. Muntik na nya itong masagasaan mabuti na lamang ay mabilis nyang naihinto ang kaniyang sasakyan.

Inis na inis akong bumaba sa aking sasakyan at hinarap ito. She's Chie. Cousin of Caia.

" What the h*ll are you doing here?" naiinis na tanong ko ngunit hindi sya natinag. Maamo itong nakatingin sa akin kunwari ay hindi makabasag pinggan.

" S-Senyorito mabuti at naabutan kita. Makinig ka sakin! Si Caia hindi sya totoong inosente! Nagpapanggap lang sya! Alam mo bang muntik na nya akong bugbugin kanina dah---- Shut the f*ck up!" sigaw ko

Paulit ulit nyang sinasabi sa akin na hindi inosente at nagpapanggap lang si Caia  ngunit hindi! My sweet Caia was lovely and innocent. This desperate b*tch!

Hindi ko na sya hinayaang magsalita ng umalis ako sa harap nya at pumasok sa kotse. Akmang papaandarin ko na ito ng mabilis syang sumigaw habang nakaharang ang kaniyang katawan sa gitna ng kalsada.

" Magsisisi ka na hindi mo ako pinaniwalaan! Sa huli sa akin ka babagsak at iiwan mo ang mapagpanggap na babaeng iyon!" huling sabi nya bago sya tumakbo habang umiiyak.

Saan ba nya napupulot ang lakas ng loob nya upang siraan si Caia. Sarili nyang kadugo sinisiraan nya.

Ngunit habang pauwi naiisip ko, paano kong totoo ang sinasabi ng babaeng iyon?

" Tang*na!" hampas ko sa manibela at nagpatuloy na imanubra ang sasakyan pauwi.

TEACH ME, PLEASE SENYORITO Where stories live. Discover now