CHAPTER 14

755 4 0
                                    

KANINA pa umalis si Senyorito Saint dahil may kailangan pa daw syang gawin. Hindi na ako nagtanong kung ano iyon dahil wala naman akong karapatang panghimasukan ang kaniyang buhay.

Andito ako sa likod bahay dahil inutusan ako ni ina na walisin ang mga natirang dahon na nalalaglag mula sa puno. Bakit pa ba nga ba ito wawalisin e kinabukasan ay panibagong dahon na naman ang nasa lapag ngunit hindi na lamang ako nagtanong kay ina at sinunod na lamang sya.

" Ang lakas ng loob ng ina mo na ipahiya ako kay Senyorito ngunit ikaw naman pala ang may totoong bahid ng kalandian?" napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Chie na nakakros ang dalawang kamay sa dibdib nya habang masamang nakatingin sa akin.

Kumunot naman ang sa katagang sinabi nya. May bahid na kalandian? Ako? Paano?

" Ano ang ibig mong sabihin Chie?" naguguluhang sabi ko sa kaniya ngunit hindi ata nya nagustuhan ang aking sagot.

" Feeling inosente? Akala mo ba hindi ko alam na may namamagitan sa inyo ni Senyorito?" sambit nya habang papalapit sa akin.

" Ano ba ang sinasabi mo Chie? Wala akong ideya sa iyong mga binabanggit" tanging sagot ko na lang dahil hindi nya pwedeng malaman kong anong meron sa amin ni Senyorito.

Ano nga ba ang meron sa amin ni Senyorito? Bukod sa humingi ako ng pabor sa kaniya na turuan nya ako sa pagtatalik tanging iyon lang wala ng iba.

" Sisiguraduhin ko na malalaman ko ang lahat ng tungkol sainyo ni Senyorito Saint at pag nangyari yon sasabihin ko sa buong isla kong gaano kalandi ang nagiisang anak ng mga Jimenez ba pinagkakatiwalaan ni Senyorito!" mahaba at detalyoda nyang sabi

Gusto ko syang awayin at sigawin ngunit hindi ako tinuruan ni inang makipag-away.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko dahil paano pag nalaman nya na nagtatalik kami ni Senyorito? Malalaman ni ina at ng buong bayan kong paano ako hindi nakapagpigil ng aking sarili. Isang masamang babae.

" Ano hindi ka makapagsalita dahil tama ako? May nangyayari sainyo ni Senyorito!" sigaw nya habang madiing hinawakan ang aking balikat.

Kilala ako sa isla bilang isang matapang at walang nilalapitan na lalaki ngunit tampolan ng tukso dahil sa hindi ko alam ang makamundong bagay ngunit ng makita ko si Senyorito Saint at ituro nya sa akin ang bagay na iyon bukod sa pagtatalik ay marami na akong nalaman.

Akmang hahawakan ko ang kaniyang kamay upang tanggalin sa aking balikat ng makita kong lumapit sa akin si ina.

" Anong nangyayari dito? Anak kanina pa ako wala bakit hindi ka pa tapos dyan sa pinapawalis ko sayo?" hindi ako sumagot at binitawan ni Chie ang pagkakapit sakin sa balikat.

Umalis sya at sabay kaming napatingin ni ina doon. " Huwag mong sasaktan ang pinsan mo ng pisikal. Nangako ka sa amin ng ama mo na hindi ka na gagamit ng dahas sa tuwing may umaaway sayo hindi ba?" seryosong sabi sa akin ni ina habang hinahaplos ang aking malalambot na buhok.

" Ngunit ina masakit kaya ang ginawa nya sa balikat ko!" nagrereklamong sabi nya sa akin

" Kahit na. Tinuro ko sayo ang mga bagay na iyan dahil babae ka. Iisa ka lang, walang magtatanggol sayo" wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon na lamang kay ina.

Magaling si ina sa pakikipaglaban lalo na ang sa arnis. Sabi ni ama dating pulis si ina ngunit dahil napatibok nya ang puso ni ina ay nanatili sila dito sa Isla kong saan nakatira si ama.

" Pumunta ka pala sa mansyon. Gusto ni Senyorito Saint na mangabayo, samahan mo sya sa doon sa kwadra"

" Ina hindi ba sa likod lamang iyon ng mansyon?"

TEACH ME, PLEASE SENYORITO Where stories live. Discover now