DALAWANG taon na ang lumipas ngunit tila sariwa pa din sa akin ang lahat. Hindi ko pa din nakakalimutan ang mga nangyari sa akin ngunit ngayon ay iba na. Punong puno na ito ng pagmamahal kasama si Senyorito Saint at ang tatlo naming anak.
Napatawad na din sya ni ama at ina. Hindi naman namin sinasabi sa aming mga anak ang aming pinagdaanan dahil mga bata pa sila at alam kong hindi pa nila ito maiintindihan.
Nangako sa akin si Senyorito Saint na tuturuan at aalagan nya ang mga anak namin upang hindi ito magaya sa kaniya. Sa tuwing nakikita ko na naglalaro silang apat ay lumalambot ang aking puso.
Bumalik na din sa pagiging heneral ng kapolisan si Senyorito Saint dahil alam kong ito naman talaga ang gusto nya. Yun nga lang laging gustong sumama ng mga bata sa kaniya.
Andito kami sa Manila dahil gusto daw ipakita sa akin ni Senyorito Saint ang buhay na mayroon sya dito. Sa ilang buwan na pamamalagi namin dito ay talagang kakaiba kesa sa Isla ngunit mas gusto ko pa din doon.
" Lucretius? Naparito ka? Wala dito si Senyorit--I mean si Saint at mga bata. Sinama ni Saint sa trabaho e" panimula kong sabi dahil nakita kong kakapasok lang nito sa aming mansyon.
Malapit na kaibigan ni Saint si Lucretius. Isa daw itong prosecutor na tumulong sa kaniya noong miserable daw ang buhay ng umalis sya sa Isla kaya noong pumunta kami dito ay pinakilala nya ito sa akin at sa mga bata.
Maloko itong si Lucretius namana tuloy ni Syed. Lagi din nyang ini-ispoiled ang mga bata kagaya ni Saint.
" Hindi naman sila ang pinunta ko dito kundi ikaw" seryoso nyang sabi habang mariing nakatingin sa akin. Kinakabahan naman ako sa tipo ng pagtitig nya, ang takot na dati kong naramdaman ay bumalik.
" A-Ako? Bakit?" nauutal kong sabi habang umaatras dahil marahan syang lumalapit. Akmang tatakbo ako ng mahawakan nya ang aking kamay at tinakloban ang aking bibig ng isang panyo. Nagpupumiglas ako ngunit huli na ang lahat, unti-unti na akong nawalan ng malay.
SAINT was nervous right now. He wore black tuxedo together with his triplets. Gusto nyang hingin ang kamay ng babaeng matagal na nyang inaasam ba makasama habang buhay.
Kinasabwat pa nya ang kaibigan nyang si Lucretius kahit ayaw nito ngunit dahil sa pera na ibibigay ko ay pumayag din naman sya.
" F*ck you Vancaveour! Alam mo bang takot na takot ang magiging asawa mo sa akin? Hay*p ka! Magpaliwanag ka dito pag nagising! Gagawin mo pa akong manyak sa paningin nito!" sunod-sunod na sigaw nito sa akin mula sa kabilang linya todo ngiwi naman ako at walang pasabi nitong pinatay ang telepono.
" Tagal mama" Syvion said
" Tagal mama" panggagaya naman ni Syed na ikinasama ng tingin ng kaniyang bunso.
" Syed." pagbabanta ng nakakatanda nilang kapatid.
Maya maya ay mabilis na bumukas ang pintuan at nakita ko ang naguguluhang muka ni Caia habang nakasuot ng puting dress. Halos mapanganga ako sa sobrang ganda nya sa puting kasuotan.
Tumingin naman ako kay Lucretius at tanging kindat lang ang sinagot nito sa akin.
Dahan-dahan ng nagsimulang lumakad papunta sa akin si Caia habang nakakunot pa din ang noo na nakatingin sa akin at sa aming mga anak.
" Senyorito? A-Anong nangyayari? Bakit ako nakasuot ng ganito? Bakit tayo nasa simbahan?" sunod-sunod na tanong nito ng makalapit sya sa akin.
" Papakasal kayo ni papa, mama!" Syvion said.
" Oo nga po mama! Married na kayo" Syed said.
" Then after this, make us babysister" nakangiting banggit ng panganay kong si Sylas na ikinapula naman ng muka ni Caia.
YOU ARE READING
TEACH ME, PLEASE SENYORITO
RomanceSaint Vancaveour was an ex-military man. Sa buong buhay nya ay nilaan nya ito sa pagseserbisyo sa bayan. Tumatanda na sya at halos mawala na sa kalendaryo ang edad nya ngunit wala pa din syang babae na nais pakasalan. Nais nyang magisip at magkaroo...