CHAPTER 26

577 9 0
                                    

BUNTIS ako, ayun ang sabibni ina pagkagising ko mula sa pagkawala ng malay. Hindi ko alam ang aking mararamdaman kong iiyak ba ako o matutuwa ngunit andito ako sa dalampasigan. Iniisip ko ang aking gagawin dahil hindi ko talaga kaya ang lahat ng nangyayari sa akin.

Nabuntis ako ng nangbaboy sa akin.
Iniwan ako ni Senyorito Saint.

Ganun pa kasama ang ginawa ko para parusahan akp ng ganito? Hindi naman ako pumatay, nagsinungaling lang naman ako.

Wala ako sa sariling tumayo at lumapit sa malakas na alon. Ayokong mabuhay sa ganitong mundo. Hindi ko naman sinasadya ang lahat ng ito bakit sobra sobra ang kaparusahan na binigay nyo.

Umiiyak ako habang papalapit na sa akin ang tubig. Nasa tuhod ko na ang tubig ngunit tuloy tuloy lamang akong naglakad.
Nakita ko ang malakas na alon na papalapit sa akin ngunit pinabayaan ko lamang itong humampas sa aking katawan.

Hanggang balikat ko na ang tubig at handa na sanang magpalubog ng may isang kamay na humila sa akin pataas. Hindi ko mawari kong sino ito dahil sa nanglalabo kong mga mata dahil sa pinagsamang tubig at luha.

Malayo na ako sa tubig at akmang lalapit muli ng may dumapong malakas na sampal mula sa aking pisngi. Mabilis ko syang hinarap at nakita kong sino ito.

" Ano ba! Sino ka ba sa tingin mo para saktan ako ha!?" nanggagalaiti kong sigaw habang galit na tumingin sa kaniya.

" Bob* ka ba?! Akala ko ba summa cum laude ka! Bakit ka nagpapakamatay?!" sigaw nya ngunit napatawa lang ako sa sinabi nya. Kung sya ang nasa kalagayan ko hindi nya masasabi ang mga bagay na yan.

" Wala kang pakialam! Sigurado ako na matutuwa ka pa nga kapag nawala ako diba? Inggit na inggit ka sakin diba? Kaya nga pati kwarto ko pinapasok mo para lang gamitin ang mga pagaari ko! Pati si Senyorito Saint na akin! Gusto mong mapasayo!" panduduro ko dito ngunit hinampas nya lamang iyon gamit ang kamay nya.

" Oo! Tang*na! Inggetera ako! Malandi! Magaagaw! Wala akong pakialam sa gusto kong sabihin sa akin ngunit hindi ako mamamatay tao! Hindi ko maatim na makita ang kagaya mo na lalong kadugo ko na mamamatay sa harap ko! Kaya ipasok mo sa utak mo yan!" sigaw nya pabalik sa akin na ikinagulat ko ngunit wala na akong pakialam sa kaniya.

Tinalikodan ko sya at hindi pinansin ang pinagsasabi nya. Umiiyak pa din akong naglakad pabalik sa dagat ngunit napahinto ako sa kaniyang sinabi.

" Sige ipagpatuloy mo yan! Gusto mong mamatay ang batang nasa sinapupunan mo? Magiging mamamatay tao ka Caia!" sigaw nya.

Wala ako sa sariling humarap sa kaniya at sinabi ang lahat ng hinanakit ko na hindi ko malabas labas kanino man.

" Tang*na! Tang*na! Naririnig mo ba aang mga sinasabi mo Chie? Ang batang ito ang bunga ng kababoyan ng lalaking gumahasa sa akin! Hindi mo alam kong gaano ko gustong mamatay sa tuwing napapanaginipan ko ang bagay na ginawa nya sa akin! Kaya wala na akong pakialam kahit mamatay pa sya o kaming dalawa!" sigaw ko  at nagmamadaling naglakad papunta sa tubig. Hanggang tuhod ko na ang tubig at akmang hahakbang ulit ako ng napaupo ako sa kaniyang sinabi.

" Pa-Paano kong kilala ko kong sino ang gumawa sayo non?" halos manginig ako sa kaniyang sinabi at hindi alam ang gagawin.

" Kilala ko sya Caia! Kilalang kilala ko!" determinado akong tumayo at marahas na kinuha ang kwelyo ng damit nya.

" S-Sino sya Chie? Sino sya! Sabihin mo sa akin! Papatayin ko sya! P-Papatayin k-ko sya!" sigaw ko habang kapit kapit ang ng mahigpit ang kaniyang damit, walang tigil pa din ang pagahos ng luha ko ngunit wala na akong pakialam.

Gusto kong malaman ang taong bumaboy sa akin! Ang taong gumawa sa akin nito! Hinding hindi ko sya mapapatawad!

" S-Si Senyorito Saint! Sya ang gumahasa sayo Caia! Si Senyorito!" hindi ako makagalaw sa kaniyang sinabi at tila iniisip ang kaniyang sinabi. Muntik na akong matumba ngunit nahawakan ako ni Chie.

Pinaupo nya ako sa buhangin habang hindi pa din nagsisink-in sa akin ang lahat ng sinabi nya. Hindi ako nanawalang si Senyorito Saint iyon. Iba ang boses nya, hindi nya yun. Hindi!

" Hindi! Hindi! Hindi si Senyorito Saint iyon Chie! Hindi sigurado ako! Iba ang boses nya at... at h-hindi ko man makita ang mata nya alam kong hindi sya yun! H-Hindi s-sya!" nawawala sa sarili kong sabi habang hawak hawak ang aking dalawang ulo at patuloy pa ding tumutulo ang aking luha.

" S-Sya yun, Caia. Na-Nakita ko syang lumabas noon sa mansyon karga karga ka. Nakaitim sya at may hawak hawak na maskara. Susundan sana kita kaso baka makita nya ako kaya tumakbo ako paalis" dagdag pa nya.

A-Ang lalaking gumahasa sa akin ay si Senyorito Saint? Ba-Bakit? Ano bang ginawa ko sa kaniya para gawin nya sakin ang bagay na ito?! Isa syang heneral ng kapolisan ngunit ginawan nya ako ng masama! Hindi ko sya mapapatawad!

" Y-Yung anak mo. Huwag mo syang patayin, sinabi ko na sayo ang lahat ng gusto mong malaman kaya huwaw ka ng magpakamatay. Hindi ako ganun kasama Caia" mahinang nyang sabi at iniwan akong nakatulalang nagiisa sa dalampasigan.

Tatayo na sana ako ng biglang sumakit ang aking tiyan tila parang pinipilit ang aking loob ng tiyan. Sobrang sakit.

" Ahh!" daing ko ng mabilis na humilab ito at sumakit. Hindi ako makagalaw dahil namamanhid ang aking mga hita.

Gustong gusto kong tumayo ngunit nakita kong may umaagos na pulang likido sa aking gitna na ikinataranta ko. Gusto kong tumayo at umalis sa lugar na ito ngunit nakaramdam ako ng hilo na ikinadilim ng aking paligid.

Nagising ako ng parang binibiyak ang aking ulo sa sakit. Hindi ko makilos ang aking katawan at magalaw ang aking mga hita dahil sa pagkamanhid.

"Anak! Mabuti at gising kana. Dinala ka dito ni Chie na duguan akala namin ay kung ano nang nagyari sayo!" nagaalalang sabi ng ina. Nakikita ko na naman ang awa sa mga mata nya na ayaw kong makita.

" I-Ina. Ano pong gagawin ko ina? Ma-May bata sa tiyan ko ina! Hindi ko kayang buhayin sya!" sagot ko habang umiiyak sa harap nya. Hindi ko gustong makita nya akong ganito pero gusto kong marinig ang suporta nya sa akin bilang anak nya.

" A-Anak alam kong hindi madali sayo ang nangyari pero ang batang nasa sinapupunan mo. Sya ang batang anak mo at magiging apo ko. Masakit sabihin na gawa sya sa pangbababoy ngunit hindi nya ito kasalanan." sabi nya habang hinahaplos ang aking buhok.

" Pe-Pero ina magiging masaya ba ako kapag inalagaan ko sya at pinanganak? Sigurado ako na magiging kamuka sya nanggahasa sa akin!" sigaw ko na ikinalarma nya.

" Hindi anak! Makinig ka sakin hm. Ang anak ay binibigay ng diyos sa isang ina upang ito ang dahilan para magpatuloy sya sa buhay. Ibahin mo ang lalaking gumawa sayo nito sa anak mo. Ang anak mo ay papalakihin natin ng mabait, magalang at hindi katulad ng ama nya." pagkukumbinsi nya sa akin. Hinaplos naman nya ang aking tiyan na nagbigay sa akin ng kakalmahan.

Iniwan ako ni inang nagiisip habang hawak ang aking tiyan. Napaiyak naman ako sa tuwing iniisip ko ang ginawa ko kanina sa dalampasigan, kaya pala kumikirot ang aking tiyan habang papalapit ako sa alon dahil ayaw ng anak kong gawin ko iyon.

Mahal ako ng anak ko. Mahal nya ako kase hindi nya ako iniwan kahit muntik ko na syang gawan ng masama. Napakapit naman ako sa aking tiyan ng kumirot ulit ito.

" Hm A-Ayaw mo bang umiiyak si mama?" sumisinghot kong pakausap sa king tiyan habang hinahaplos ito. Hindi ko maiwasang mapangiti ng kumirot na naman ito bilang sagot.

Nagulat naman ako ng bumukas ang pinto.
" A-Ano.. Ito na yung pagkain mo. Fresh na isda at gulay iyan. Maganda para sa buntis" nahihiyang sabi ni Chie at naiilang na nilapag sa gilild ng aking kama ang pagkain kung saan nandoon ang table.

" Hindi ka na maldita?" wala sa sarili kong tanong na ikinatawa naman nya. Maganda pala talaga si Chie at parang nagbago ang kaniyang pananamit.

" Pa-Patawad nga pala Caia. Sa ginawa ko noon sainyo ni Seny--- Patawad. Hindi ko lang talaga gusto dito. Lumaki ako na lahat ng gusto ko ay nakukuha ko ngunit noong naghirap kami at namatay ang aking ama ay nagdesisyon si mama na umuwi dito kahit hindi ko gusto. Noong nakita kita na masaya at malaya nainggit ako." mahina nitong sabi.

Bumuntong hininga naman ako at tila wala ng magagawa kundi ang patawarin sya. Ayoko rin naman magkaroon ng kaaway sa pamilya.

" Sige kumain kana, lalabas muna ako upang tumulong kay Tiya Anna sa gawaing bahay" turan nya at iniwan ako ditong magisa.

TEACH ME, PLEASE SENYORITO Where stories live. Discover now