EPILOGUE

775 12 5
                                    

" YOU may now kiss the bride" hudyat ni father upang halikan na ako ni Saint. Katulad ng sinabi nya hindi pa iyon ang totoo naming kasal. Ito ang totoo naming kasal. Magarbo at madaming bisita na kasama.

Ang mga magulang ko, kaibigan at mga anak ay nandito. Pumunta din ang mga malalapit na kaibigan ni Saint pati na din ang mga katrabaho nya.

" Mahal na mahal kita my lovely wifey" sabay dampi ng halik sa aking mga labi.

Sabay sabay naman na nagsigawan ang mga bisita at isa isang nagkas  ng baril.

" Mabuhay si Heneral!" sigaw ng mga kaibigan at katrabaho nya na ikinatawa ko.

Natapos na ang kasiyaha  sa simbahan kung kaya't kaniya-kanya ng kaming punta sa reception. Kitang kita ko naman ang mga anak kong buhat buhat ng mga kaibigan ni Saint..

" Ganda baril mo po!" Syvion said.

" Talaga? Naku magiging heneral to pagtanda!" hirit ng katrabaho ni Saint.

" Ako po gusto ko pong magmilitary!" magiliw na sabi naman ng Syed.

" Naku sasakit ulo ng mama nyo nyan" halakhak naman ng isa pang katrabaho ni Saint.

Napatingin naman ako kay Sylas na seryosong nakatingin kay Lucretius. Napakunot naman ang noo ko ng makita ko ang buhat buhat na bata ni Lucretius.

" Wife! Halika ipapakilala kita sa mga kaibigan kong gag*!" nakangiting sabi ni Saint na ikinasimangot naman ng mga kaibigan nya.

" Vile Lucretius David. Kilala mo naman sya diba? Laging nadating yan pag nakaluto kana kaya kilala mo na yan!" pagpapakilala ni Saint kay Lucretius.

" Huy! Kapal mo! Bayad yun sa pagaalaga ko sayo noong brokenhearted ka no!" sabi nito habang inaalo ang batang babaeng karga karga nya.

" Hindi ko anak to Caia! Maniwala ka sakin! Lahat ng babae ayaw ng lumapit sa akin dahil akala nila may anak na ako! Nasan ba ang tatay nito! Huy Vermilion!" sigaw nito sabay lingon ng isang gwapong lalaki ngunit mas gwapo pa din si Saint.

" Akin na nga! Wala ka talagang kwentang ninong!" inis na sabi nito at nagbago naman ang ekspresyon ng tumingin ito sa anak.

" He's Zaitan Gabriel Vermilion. Kaibigan kong prinsipe na mahilig sa pe---" hindi na natuloy ni Saint ang kaniyang sasabihin ng pinasakan ng pagkain ni Zaitan ang bibig nito na ikinatawa ko.

Mabilis namang lumapit sa akin si Saint at nagpabebe namang yumakap sa akin. Hinaplos ko naman ang buhok nito.

" Nice to meet you Mrs. Vancaveour" nakangiti nitong sabi kung kaya't binati ko din sya.

" Hey guys! Hacob Vermundo is in the house!" unfamiliar person arrived.

" Guard! Pakilabas nga itong baliw na ito dito! Hindi naman ito invited ah!" pagpapansin ni Lucretius habang pinapalapit ang guard.

Hindi naman alam ng guard ang gagawin kong lalapit ba o hindi na ikinasimangot naman ng nagngangalang Hacob.

" Sorry wifey. My friends was super gag*" masuyo nyang sabi at dinukdok ang muka sa aking leeg.

" It's okay! Mukang masiyahin ang mga kaibigan mo. Gusto ko sila wag ka magaalala"

" Ano gusto mo sila?" he overreact na nagpatawa sa akin.

" Oo pero ikaw ang mahal ko" sabay dampi ng halik sa kaniyang labi.

Masayang masaya akong pinagmamasdan ang mga nangyayari sa aming nitong nakaraang buwan. Madaming pagsubok noon ngunit ngayon ay bumabangon.

Naging mas matatag at naging masaya.
Napahawak naman ako sa aking bibig ng makaramdam ng pagkasuka at hilo kung kaya't mabilis akong pumunta sa bathroom upang sumuka.

" Ma!" sigaw ng anak kong si Sylas habang inaalalayan ako sa pagsuka. Kitang kita ko naman ang pagalala sa muka nito.

Hindi ko pa pala nasasabi sa mga anak ko at sa asawa ko na buntis ako. Nakangiti naman akong pinunasan ang aking bibig at tumingin sa aking anak.

" Pwede bang ibulong mo sa papa mo anak na magkakababysister ka na hm?" masuyo kong sabi na ikinagulat nya ngunit mabilis din itong napalitan ng saya.

Mabilis nya akong yinakap at hinalikan sa noo pagkatapos ay nagmamadaling tumakbo upang puntahan si Saint.

Marahan naman akong tumayo at lumabas sa bathroom ngunit nagulat ako ng malakas na sumigaw si Saint.

" Tang*na! Magiging tatay na ulit ako!" sabay sabay naman nagsisigaw ang mga katrabaho nya kasama na ang mga kaibigan at mga anak ko.

Mabilis namang lumapit sa akin ang tatlong bata at yumakap sa aking binti.

" Babysister mama!" Syvion said.

" Yown! May babysister na ako!" Syed said

" Hi babysister" masuyong banggit ng aking panganay ay dinama ang tiyan ko.

Sabay sabay ko naman silang yinakap at nagulat ako ng makita ko si Saint na. umiiyak na nakatingin sa akin

" I love you Wifey so much" sabay yakap sa aming apat.

" I love you too my husband! I love you very much my poging triplets!"

" I love you too po mama/papa!" sabay sabay nilang sabi habang nagpapalakpakan naman ang mga tao.

Siguro tama nga sila kung kayo talaga ang para sa isa't isa. Ano man ang mangyari pagtatagpuin at pagtatagpuin kayo ng tadhana. Akala ko noong una hanggang doon na lang kami ni Senyorito Saint dahil sa mga nangyari ngunit hindi. Gumawa ng paraan ang diyos para magtagpo ulit kami at ayusin ang lahat sa amin.

Kung ito ang aking kwento ng pagibig sigurado ako na mayroong ding taong para sainyo. Hindi nyo kailangan magmadali o gumawa ng paraan upang dumating ito at huli ang kuryusidad ay may hangganan.

Curiosity will destroy and kill you. Hindi nga lang natin alam kong sa sarap o hirap.

This is Caia and Saint Vancaveour together with our children will happily signing off.

TEACH ME, PLEASE SENYORITO Where stories live. Discover now