NAKASIMANGOT na umupo si Senyorito Saint sa tabi ni Ruan. Nakangiti ko naman silang tinignan.
" Caia mauuna na pala ako. Nagmessage kase sa akin si mama importante e" sabi ni Ruan at napakamot sa kaniyang ulo.
" Importante pala e. Alis ka na" walang emosyong sabi ni Senyorito Saint at tinuro ang pinto palabas. Hinampas ko naman ang kamay nya kung kaya't lalong sumimangot ang muka nito na ikinatawa lang ni Ruan.
" Hatid na kita sa sasakyan mo Ruan" presinta ko at tumayo upang samahan sya palabas nang tumayo din si Senyorito Saint.
" Aalis ka na din Senyorito?"
" Sasamahan lang kita baka sumama ka pa dyan sa kaibigan mo e" sabi nya ngunit ipinasa walang bahala ko lamang ang sinabi nya at hinatid si Ruan.
" Kainin mo yung mga food na bigay ko sayo ah. Bibigyan pa kita pag naubos mo na" nakangiting sabi ni Ruan bago sumakay sa kaniyang kotse at umalis
Bumalik ako sa loob ng bahay ngunit nakabuntot pa din si Senyorito Saint sa akin. Masama itong nakatingin sa akin na tila may ginawa akong masama.
" Senyorito patingin nga po ng kamay nyo kong okay na" turan ko at lumapit sa kaniya upang tignan ang kamay nya.
Namumula pa din ang kamay nya ngunit hindi na katulad kanina na sobrang namamaga ito.
" Senyorito! Andito pala kayo. Anong nangyari sa kamay nyo?" nagaalalang sabi ni Chie at umupo sa kabilang side ni Senyorito Saint.
Naiinis naman akong tumingin sa kaniya dahil hawak hawak nya ang isang kamay ni Senyorito Saint kung kaya't naibagsak ko ang isang kamay ni Senyorito na ikinangiwi nya.
" F*ck! It hurts!" daing nya na ikinagulat ko. Maga nga pala ang kamay nya akmang hahawakan ko ulit ito ng may maunang kumuha doon.
"Ano ba Caia! Nasasaktan si Senyorito sa pinaggagawa mo!" singhal sa akin ni Chie habang hinihimas ang kamay ni Senyorito na tila ingat na ingat dito.
Tiningnan ko naman ang ekspresyon ni Senyorito Saint. Sa akin ito nakatingin kaya nagiwas ako ng tingin sa kaniya at umayos na lamang ng upo.
" Oh anak, anong nangyari kay Senyorito?" sambit ni Tiya Cess ng makita nya ang senaryong ginagawa ni Chie ngayon.
" Tinutulungan ko lang ho si Senyorito mama. Si Caia kase ay lalong pinamaga ang kamay ni Senyorito." paninisi nito na ikinagulat ko. Ako pa ang may kasalanan?
Akmang ipagtatanggol ko ang aking sarili nang unahan ako ni Tiya Cess sa aking pagsasalita.
" Aba ganyan talaga pag walang tinapos! Magtiwala ka sa anak kong si Chie, Senyorito. Tapos yan ng nursing! Cum Laude!" pagmamalaki ni Tiya Chie sa kaniyang anak na lalong ikinangiti ni Chie.
" Cum Laude? Anong nangyari at napadpad dito sa isla?" wala sa sarili kong sabi na ang akala ko ay hindi nila narinig ngunit tahimik silang nakatingin sa akin at tila galit na galit.
" Huwag kang mayabang! Lumaki ka lang dito sa Isla at hindi pa nakapagtapos!" sigaw ni Tiya Cess na parang nainsulto ko talaga sila. Hindi ko alam ang aking isasagot dahil ayokong magalit sa amin sila ama at ina.
" Tama na iyan Ma. Nakakahiya kay Senyorito" mahinhing sabi ni Chie.
Napabuntong hininga na lamang ako at hindi na nagsalita. Hindi ako makatingin kay Senyorito Saint dahil nahihiya ako. Hindi totoong hindi ako nakapagaral. Nakapagtapos ako. Talagang wala lang silang alam.
" Ano bang nangyayari at nagsisigawan kayo? Abot labas ang mga bunganga nyo!" sita ni ina habang hawak ang kaniyang manok na kanina ay hinihimulmulan nya upang maging ulam namin.
" Yang kaseng anak mo Anna makasagot ay wala namang pinagaralan!" masungit na sabi ni Tiya Cess na nagpataas ng kilay ni ina. Akmang pipigilan ko ng magsalita si ins sa kaniyang sasabihin ng hinarang nya ang kaniyang kamay sa akin at tuloy tuloy na nagsalita.
" Hoy! Anong walang pinagaralan? Summa Cum Laude ang anak ko sa kursong architect! Hindi mo ba nakikita ang mga medalyang nakasabit dyan sa sala o bulag ka lang?" mabilis na putak ng bibig ni ina.
Sabay sabay naman nilang nilibot ang mga nakasabit sa sala kasama na si Senyorito Saint na ikinahiya ko. Nagdadabog naman na umalis si ina at pumunta sa kusina.
Wala naman sa sariling napaupo si Tiya Cess sa isang sofa na katapat lang namin.
" B-Balik n-na muna ako sa kwarto ko Senyorito" nauutal at natatarantang sabi ni Chie at mabilis na hinawakan ang doorknob ng aking kwarto ngunit hindi nya ito mabuksan.
Anong karapatang nyang buksan ang kwarto ko? Matalim naman syang tumingin sa akin ngunit taas kilay ko lamang syang sinagot.
Napatayo na din si Tiya Cess at sinundan ang kaniyang anak. Tanging ako at si Senyorito Saint na lamang ang naririto.
" So you're summa cum laude?"
" Opo"
" My baby was smart huh" puri nya na ikinainit ng aking pisngi. Napaatras naman akong tumingin sa kaniya dahil hinaplos nya ang aking buhok.
" Maga pa ang kamay mo Senyorito" puna ko dahil sa paghaplos nya sa buhok ko.
Ngunit mas nagulat ako sa sunod nyang sinabi at tinakpan ang kaniyang bibig dahil baka may makarinig.
" Mas maga yang gitna mo"
YOU ARE READING
TEACH ME, PLEASE SENYORITO
RomanceSaint Vancaveour was an ex-military man. Sa buong buhay nya ay nilaan nya ito sa pagseserbisyo sa bayan. Tumatanda na sya at halos mawala na sa kalendaryo ang edad nya ngunit wala pa din syang babae na nais pakasalan. Nais nyang magisip at magkaroo...