6

28 1 0
                                    

Eksaktong dalawang buwan na din tayong hiwalay. Himala sigurong umabot ang dalawang buwan na ito na hindi kita nilalapitan at pinapakiusapang balikan ako. Araw-araw akong lumuluha. I can never let you go. Mahirap para sa akin na ganito. Alam mo ba, sinusundan pa din kita pag minsan. Kaya halos lahat ng pinupuntahan mo ay alam ko. May contact pa din ako sa mga naging ka-close ko magsimula ng maging tayo at sinasabi nila sa akin kung nakikita ka nila o kung alam nila kung saan ka nagpupunta.

And when I saw you with her, para akong sinaksak ng itak. Thousand stabs. Maganda siya at mukhang napapasaya ka niya. Ganun na lang ba kadali para sa'yo kalimutan ang panahong pinagsamahan natin? Putang-ina! Putang-ina talaga! Ganyan ganyan na lang ba? Ako hanggang ngayon ay nasasaktan samantalang ikaw, you can continue your fucking life as if nothing happened, as if you never knew me at all. Aba e punyeta e.

See me later.

A text message I received from you. Masyang masaya ako. Sana ito na ang dalawang buwan ko ng hinihintay. A reconciliation of everything. Sa dalawang buwan kasi na magkahiwalay tayo, pakiramdam ko ay wala akong productive na nagawa. I feel like I am doing things for nothing, na nonsense na lahat ng effort ko. Ayokong umasa dahil ako lang din naman ang masasaktan pero aasa pa din ako dahil iyon ang gusto ko. Love is a choice so as being hurt. No pain, no gain nga, hindi ba?

Ang dami kong sana na naiisip. Sana magkausap tayo. Sana magsorry ka na dahil sa pananakit mo sa akin. Sana hindi mo na ulit ako paiyakin. Sana sa pagkikita natin pasayahin mo ako. Sana hindi ko makakalimutan ang araw na ito. At higit sa lahat, sana magkabalikan tayo. Mahal na mahal pa din kasi kita. Ni hindi nabawasan at lalo pang nadadagdagan.

Alam ko na aasa na naman ako dahil sa isang text mo. Ganyan siguro talaga kapag nagmamahal, handang magpakatanga, magpakabulag at magpakamartyr. Masayado na nga siguro kitang mahal at masayado na akong nasakatan para basta sumuko na lang. Handa akong lumaban kahit pa sabihing hindi ako sundalo para lumaban. Kuya Mark always tell me that I am a princess to be protected. Maliwanag na hindi ako isang sunadalong dapat lumalaban pero ginagawa ko na e. Ginagawa ko para sa'yo kahit na masakit at mahirap. Mahal talaga kita and that justifies everything. Na kaya ako nagpapakamanhid. Kaya ako nagpapakatanga. Mahal kita. Mahal na mahal kita.

At sana ang mga SANA ko ay magkatotoo sa araw na ito.

Para Sa Kanya

Para Sa Kanya (Dedicated To You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon