Wakas

34 1 0
                                    

Acneil,

Patawarin mo ako kung umalis ako ng walang paalam. Ito lamang ang alam kong paraan kung paano ko ipapaalam sa iyo na umalis ako. Dahil kung personal akong magpapaalam sa iyo, marahil ay mapigilan mo pa ako o kaya naman ay maibuhos ko lahat ng emosyon na nararamdaman ko. Ayaw kong lamatan ang mabuti nating pagsasamahan katulad ng ginawa mo.

Mahal na mahal kita, Neil, kaya noong may nakita akong babae sa clinic mo na humahalik sa iyo, nasaktan ako ng sobra. Alam kong mali na hindi ko man lamang pinakinggan ang iyong paliwanag. Ayaw kong masaktan ka. Ayaw kong mas masaktan ako. Inaamin ko, kahit anong paliwanag mo siguro ay hindi ko pakikinggan. Ginusto mo man o hindi, wala akong pakialam. May mas mahalaga akong dapat pangalagaan ngayon. Sana alam mo na madaming maaring masaktan sa nangyaring ito. Kung sino man ang babaeng iyon, huwag mo ng ipapaalam sa akin o kaya kay kuya Mark o sa magulang ko dahil baka may hindi magandang mangyari sa kanya.

Neil, magiging tatay ka na. Nagdadalangtao ako. Siyam na linggo na. Pero may sakit din ako. May stage three cancer ako. Akala ko ay makakasama kitang humarap sa hamon na ito. Ngunit mas magiging mabuti para sa atin na maglayo muna. Mas magiging maayos kung maghiwalay muna tayo. Hindi ko kakayanin ang stress na ito. Ang stress na dulot ng nangyari noong nakaraan ang papatay sa akin.

Para Sa Kanya (Dedicated To You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon