18

25 1 0
                                    

"Iyan...ngumiti na din ang ka-date ko!"

"Style mo talaga, Neil, bulok!" Sabi ko na lang sa kanya. Pero ang totoo ay natutuwa ako dahil gumagawa si Neil ng paraan para makalimutan ko kahit papaano ang sakit na nararamdaman ko.

"Pero ngumingiti ka!"

"Kasi ang korni mo!" Sabi ko na tumatawa. Mukhang pikon naman si Neil.

"Ewan ko sa'yo."

Kumain lang kami ng pizza na binili niya. Tinitingnan lang namin ang view. Buti na lang kahit papano ay malilom ngayon kung hindi magkakaroon ako ng instant tan skin.

"Galit ka ba, Neil?"

"Hindi. May iniisip lang..."

"What is it?"

"Posible ba na... na ma-in love ang isang tao sa taong babago lang niya din nakilala? Yung ang alam niya lang tungkol dito ay pangalan... at ilang maliliit na detalye?"

"Depende."

"Depende saan?"

"Depende sa tao yun. Baka kasi nararamdaman niya lang na mahal niya ang isang tao dahil iyon ang sinasabi ng isip niya. Maaari rin naman na gusto niya lang malihis ang atensyon niya. Pero puwede din naman na talagang mahal na niya yung tao."

"Ganoon ba?"

"Why'd you asking?"

"Wala lang..."

"You think you are in love with me?"

Nagulat siya sa tanong ko. Hindi siguro niya akalain na masasabi ko yun ng diretso.

"Really? Hindi ka nailang itanong yun?"

"Why would I? So ano? Tama ako?"

"Yeah... hindi ko din alam. Ang labo e. Kapag hindi kita kasama feeling ko kulang. Kapag kasama kita, kuntento ako. Kapag binabanggit mo siya, kulang na lang takpan ko ang tainga ko kasi naiirita ako. Kapag nakikita kitang umiiyak dahil sa kanya, gustung-gusto ko siyang puntahan at sakalin. At kapag nagbabanggit ka ng tungkol sa kanya, sa inyo, naiinggit ako. Naisip ko lang. Bakit kailangang kayong dalawa pa ang maunang magkakilala? I can take care of you. I can love you hundred times more than what he did. Pero hindi agad tayo pinagtagpo. Iyon ang masakit e. Kasi ngayon pakiramdam ko nahuhulog sa'yo ang puso ko. Pero ang puso mo ay sa kanya pa din..."

Na-speechless ako sa sinabi niya. Pero hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Hindi ko pa ata kayang magmahal muli.

"Maiintindihan ko kung magugulat ka o ano... pero huwag mo sana akong iiwasan. Hayaan mo na lang ako na alagaan ka... okay lang ba?"

"Okay..."

Hindi ko alam. Naguguluhan na naman ako. Ayokong samatalahin ang pagkakataon at kabaitan ni Neil para lang malimutan ka. Gusto ko munang malimutan ka ng lubusan bago ako magmahal muli ng ibang lalaki.

Neil, patawad pero sa ngayon, hindi pa ako handang buksan para sa iyo ang puso ko. Darating din ako sa puntong yan. Mahal ko pa din ang lalaking dating laman ng puso ko.

Para Sa Kanya


Para Sa Kanya (Dedicated To You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon