12

35 1 0
                                    

Hindi ko alam kung paano at saan ko sisimulan ang kwento ko. Marahil iisipin mong pinapakomplikado ko ang simpleng bagay. Magkekwento lang. Pero hindi naman sa paraan ng pagkekwento ang problema ko kung hindi ang nilalaman ng istorya ko.

Ako si Acneil Villa. Anak, apo at apo sa tuhod ng mga kilalang doctor na may-ari ng mga ospital. Dahil dito ay nagustuhan ko din kunin ang kursong medisina. Madalas ako sa ospital na pagmamay-ari ng mga magulang ko at ng mga kapatid niya. Doon kita nakilala. Dra. Aila. Maganda ka at mas matanda sa akin. Matalino at hindi maipagkakailang mayaman katulad namin.

Noong una ay hindi tayo masyadong nagpapansinan dahil hindi naman talaga tayo magkaibigan hanggang sa isang araw ay nagkasabay tayong dalawa sa elevator. Awkward pa nga noong una pero hindi ko alam kung bakit mabilis gumaan ang loob ko sa sayo.

"Kamusta naman ang med school?" Tanong mo sa akin.

"Okay lang naman po. Madali-dali na kasi upper class na. Wala nang masyadong terror na professors."

"Gano'n ba? Nung panahon namin sa ganang stage pa lang yung mga terror na professors e. Iba na talaga ang panahon ngayon. I hope you'll be a good doctor."

"I am hoping the same way, too."

Simula ng usapang iyon ay mas naging close na tayo. Madalas na din kitang bisitahin sa clinic mo sa ospital namin. Gumaan na din ang loob ko sa'yo hanggang sa unti-unti akong nahulog sa'yo. Alam kong mali dahil may asawa't anak ka na. Alam ko na kasalanan ang pagibig ko sa iyo pero nagbigay ka din kasi ng motibo. Alam ko naman na marami akong choice noon pero pinili ko pa din ang magkasala. Oo, naging kabit ako ng isang doctor. Mahal na mahal kita kaya isinakripisyo ko ang dignidad ko. Kaya nagtiis ako sa mga lihim nating pagkikita at lihim nating mga "date" kung matatawag nga bang ganoon iyon. Minsan ay lihim din tayong naga-out of town lalo na sa mga special occasion.

Masaya ako dahil karelasyon kita pero malungkot ako because of the fact na hindi ka malaya at may kahati ako sa iyo.

"Kita tayo mamaya. Isasama ko si Nico."

Iyan ang sinabi mo sa akin ng tawagan mo ako. Nakokonsensya ako dahil isasama mo pa ang anak mo. Kung naiintindihan niya o kaya naman ay malalaman niya, alam ko na mamumuhi siya sa akin dahil ako ang invisible man sa pamilya niyo. Ang lalaking sumisisra sa pamilya niyo ng lihim. Lalaking sumisira sa tiwala ng asawa mo sa'yo. Ang lalaking nagmamahal sa taong katulad mo na pamilyado na.

Inintay kita sa Rockwell. Malayo sa lugar kung saan ako at ikaw nakatira. Magkalayo din naman ang lugar natin at siguro maganda na rin iyon para hindi tayo pagdudahan ng asawa mo. Pero naisip ko kung hindi ba magsusumbong o makakahalata ang anak mo.

Dumating kayo sa sinabi mong tagpuan. Ang gandang lalaki talaga ng anak mo. Sana lang hindi siya maging katulad ko. Pakiramdam ko isang toneladang guilt ang sumabit sa puso ko ng ngitian ako ng anak mo at tawaging 'tito'. Ang pakilala mo pa nga sa akin noon ay best friend mo. Ang galing talaga. Huwag sanang matulad sa atin ang anak mo—sinungaling. Mahirap lumagay sa sitwasyon ko kasi kahit gusto kitang makasama araw-araw ay hindi puwede. Kahit na I want to spend my nights with you every night, we can't. I can't make love with you that easy, because the thought that there is someone out there doing the same thing with you hurts me more than anything. What's hurting me most is the fact that you cannot be mine and mine ALONE.

Alam ko naman ang sasabihin ng maraming tao sa sitwasyon ko. Napakalaki kong tanga dahil bata pa naman ako kaya ko namang maghanap ng iba, iyong walang sabit at tipong hindi matatapakan ang pagkalalaki ko. Pero anong magagawa ko, sa tingin ko kasi ay sa iyo nahulog ang puso ko. Sa iyo ako nagrisk. Sa iyo ko handang isugal ang lahat. Sa iyo ako handang magpakatanga. Sa iyo ako handang umasa na balang-araw ang ikaw at ako lang ang matitira. Walang hadlang, tanging tayo lang. Pero ang pag-iisip ko ng ganito ang malamang balang-araw makakasakit sa akin. O sabihin na nating nananakit sa akin. Para kasi akong unti-unting pinapatay sa tuwing makikita kita kasama ang totoo mong asawa at ang anak niyong dalawa. Sana lang hindi matulad sa akin ang iba pang mga lalaki. Sana ako na ang huling magpapakatanga dito sa mundo—sa mundo na kung saan kaakibat ng pag-ibig ang sakripisyo. Sana ako na lang ang lalaking malalagay sa ganitong sitwasyon. Dahil ayaw ko na may iba pang makakaramdam ng hindi maipaliwanag na sakit na nararamdaman ko.

Oo, desisyon ko ito. Marami naman akong pagpipilian pero pinili ko ang masaktan kapalit ng limos na pagmamahal mula sa babaeng kailanman ay hindi ko matatawag na Mrs. Villa dahil misis na siya ng ibang mister. Masakit, oo, pero kakayanin kasi sa pag-ibig naman lahat ng kayang tiisin, tiniitiis. Lahat ng kayang isugal, isinusugal. Wala ng pero pero. Puro bahala na. Kaya kapag nasaktan dun lalabas ang "kung sana lang".

Sa totoo lang wala naman sanang hirap na ganito kung sa babaeng single ako nagkagusto. Mapaglaro talaga ang tadhana dahil ipinakilala ka sa akin. Dalawa lang naman ang hiling ko. Una, kung magtatagal ang relasyon natin, sana tayo ang nakatadhana. Pangalawa, kung sadyang pinagtagpo lamang tayo at hindi itinadhana, sana matapos na ang lahat ng ito habang maaga pa. Sabi nga nila, "May mga taong pinagtagpo pero hindi itinadhana..." at kung siguro ako ang tatanungin mas gugustuhin ko na hindi na lamang tayo itinadhana dahil ayaw ko na panghabangbuhay akong makikihati sa pagmahahal mo. Pero ganunpaman, hindi pa rin kita kayang bitiwan dahil mahal kita. Siguro akala mo nung una ay tulak lang ito ng pagbibinata. Pero gusto kong malaman mo that everything that I did and willing to do is beyond that. Because it's for love.

I love you, Aila.

Para Sa Kanya


Para Sa Kanya (Dedicated To You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon