24

25 0 0
                                    

"Kailangan ko ng bumalik sa bahay..."

The exact words I told Neil just after his first blink in the morning.

That isn't actually what I planned. But kuya Mark called and he ordered me to come home immediately. Not like I don't want to. It's just that I want to spend more time with Neil. Now that I am already his Mrs. Villa. But I think kuya Mark wouldn't have called me if it isn't urgent.

I packed my things and Neil followed me around my hotel room. Gustuhin ko mang manatili ay hindi maaari. Kuya Mark will become curious and furious. Curious of why staying long despite the fact that I am now well... better. And furious because the thing we need to settle is very much important.

"Sasabay na ako sa iyo pauwi..." Neil said. Of course, he will. I want to spend more time with him and kahit byahe lang iyon, it would be fine.

I nodded at him. He exited the hotel room, maybe, to also prepare his things.

Habang inaayos ko ang aking mga gamit ay hindi mawala sa aking isipan ang naglalarong dahilan kung bakit ako biglaang pauuwin ni kuya Mark. Maaaring umuwi na ng Pilipinas ang mga magulang ko, maaaring nag-aalala na siya sa sobrang pagtatagal ko. Pero kung anuman iyon, walang magagawa ang pag-aalala ko masyado tungkol rito. Hangga't walang malinaw na sagot sa aking mga tanong ay ayaw ko munang bigyang pakahulugan ang mga nangyayari.

Eksaktong alas otso ng umaga ng tumulak na kami ni Neil patungo sa istasyon ng bus. Kinakabahan ako. Natatakot. Lalo pa at sa aking pagbalik ay may mas malaking sikreto na akong bitbit.

Napagkasunduan namin ni Neil na walang makakaalam ng tungkol sa kasal namin maliban sa isa. Pinagkakatiwalaan ni Neil ang kaibigan niyang ito.

"Stel... hindi ko kakayanin na manatiling tahimik at umakto ng normal. Kasal na tayo. At pakiramdam ko ay sasabog ako sa sobrang saya. Don't worry, Henry is the most secretive person I had ever met. Aside, he's a shut in. He only talks to his family and me."

Neil's words we very assuring so I let him be.

Pero ano ba ang magiging kapalit nito sa akin. Of course, I cannot plug to the whole world that I am already married. I cannot use his surname... yet. But he assured me we'll settle this soon.

Neil held my hand. We are sitting side by side. He gently squeezed it. Napapakiramdaman niya siguro ang pagiging tensyunado ko.

"Okay ka lang ba, Stel?" He asked, concerned.

Okay lamang ba ako? Oo. Okay ako. Naisip ko lamang kung bakit ganoon na lamang ang pagnanais ni kuya Mark na pauwiin ako ng bahay.

Napalitan agad ng kaba ang kahapon sobrang saya ko. Hindi ko akalain na makakasal akong agad kay Neil. Mahal ko siya at nakumpirma ko iyon. Pero may magbabago ba sa pagmamahal kong ito kapag hinarap na namin ang totoong mundo? May magbabago ba sa nararamdaman namin para sa isa't-isa kapag nakihalubilo na kaming muli sa iba? Natatakot ako sa posibilidad na may magbabago. Mahal ko si Neil. Hindi pa ako nakaramdam ng ganito sa ibang tao, sa kanya lamang. I have the feeling of taking care of him, of protecting him, of guiding him, of walking life with him, of loving him and giving him what he deserve.

Tumango ako ng napagtanto kong hindi ko pa nasasagot ang tanong ni Neil.

"Something's bothering you, right?" He stated.

"Oo e."

"Spill it out..." Wika niya ng may tono ng paglalambing.

"Nag-aalala lang ako... kasi babalik na tayo sa realidad. Ganito pa din ba tayo? Wala bang magbabago sa nararamdaman natin? I mean, sa Tagaytay kasi tayong dalawa lamang ang laging magkasama. Ngayon, mag-iiba na. May makakasama na tayong iba pang tao. Who would know what's going to happen?"

"Stel... do not worry too much. May love for you will never fade. It will just grew stonger. Mag-eenrol ka na ba next semester? Magkikita tayo sa school kung ganoon. At kapag nagtagal, liligawan kita. The treatment you deserve from me, the treatment I owe you."

"Kilala mo si kuya Mark even before you knew me?"

"Yes. We were batchmates. He's business ad student while I was BS Bio student."

Naisip ko kung anong maaring maging reaksyon ni kuya Mark kung magsasabi si Neil ng panliligaw. Not that pagbabawalan niya ako pero nakita niya kung gaano ako nawasak dahil sa pag-iwan sa akin ng ex-boyfriend ko.

"I know Mark will let me court you. He knew me. Kahit papaano ay naging close at magkaibigan kami. Nagulat nga ako ng malaman ko na pinsan mo siya."

"What if he will not?" I challenged him.

"He will, by hook or by crook. As if naman na may magagawa pa sila e kasal naman na tayo." He said then clasped my hands with his.

Pinakatitigan ko ang gold band ring na nakalagay sa aming palasingsingan. The proof that Neil is my other half and I am his. The proof of our love.

Nakakagulat o nakakapangamba lalo pa at sandaling panahon pa lamang naman kami nagkakilala bago kami magpakasal. How will we know if this will last forever?

"Don't worry to much, Stel. I've got this!" Sabi niya at binigyan ako ng ngiting mapanghikayat.

Hinalikan niya ako sa noo at inakbay ang kanyang malayang kamay sa aking balikat samantalang hawak ng kaliwa niyang kamay ang aking kamay. Hinaplos-haplos niya ang singsing sa aking daliri. Tanaw ko ang ngiting sumisilay sa kanyang mga labi. Mukhang masaya siya at kuntento. Napangiti ako dahil dito at isinandal ko na lamang ang aking ulo sa kanyang malapad na balikat.

"I, future Dr. Neil Villa, promise to have and to hold you, Mrs. Stella Valencia Villa." Bulong niya sa akin.

"I love you, Neil..."

Muli niyang hinalikan ang aking buhok.

"I love you, Stel..."

Para Sa Kanya (Dedicated To You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon