16

22 1 0
                                    

Nang sumunod na umaga. Nagising na naman ako ng lumuluha. Laman ka na naman ng panaginip ko. Sanay naman ako na nakikita ka sa panaginip ko. Paulit-ulit. Nang iwan mo ako, halos araw-araw ko napapanaginipan kung paano mo sinabing tapos na tayo at hindi mo na ako mahal. At araw-araw akong hinahabol ng bangungot ng realidad.

Nakarinig ako ng marahan na katok mula sa pintuan ng kwarto ko. Pinunas ko ang mga luhang nasa pisngi ko. Luha na dulot ng pagmamahal ko sa'yo. Martyr ako. Alam ko naman. Sige, masokista na din. Alam ko ang lahat ng iyon ngunit kahit alam ko, wala akong magawa. Heto ako e. Pilitin ko mang baguhin, bumabalik. Bumabalik katulad ng pagmamahal ko sa'yo. Siguro hanggang hindi nawawala ang nararamdaman ko sa'yo ay hindi din ako magbabago. Dahil mahirap. Kaya't una kong ginagawa ang kalimutan ka.

Pinagbuksan ko ang kumakatok sa pintuan at hindi na din ako nagulat na makita si Neil. Nakangiti siya, kalmado. Ganyan naman talaga siya. I really envy him for that kind of positive aura he have every day.

"Are you alright? Why are you crying?"

"Okay lang ako."

"Let's grab some breakfast? Then, samahan mo sana ako somewhere? Kung okay lang naman?"

"Let's go."

Alam ko na mapapansin ni Neil ang pagiging matamlay ko. Kahit sa paglalakad, mabagal ako. Hindi ako natutuwa sa napanaginipan ko. Masakit kasi...

"What do you want to eat?" Neil asked me as soon as we reached the restaurant.

"Kung ano na lang din yung sa'yo."

He stood up and went to the counter. He was taking a long time there. Mukhang madaming ino-order. Nakatingin ako sa kanya ngunit ang isip ko naman ay lumilipad.

"Ano? Laban tayo sa race. Kung sino manalo, gagawin yung dare."

Nagfaflashback sa akin ang mga pangyayari sa panaginip ko.

"Sige ba!"

"Game! Pero ikaw muna. O-orasan natin kung ilang minuto bago ka makakarating sa finish line."

"Ang daya mo naman! Ikaw muna!"

"Okay. Okay. Sige."

Natapos ang race sa game station. Mukhang kaya ko pang talunin yun.

"Your turn."

I started the race. Mukhang napapansin mo na matatalo ka.

"What are you doing?" I said as you wrapped your arms around my waist and kiss me on the cheeks.

"Strategy two: Distraction."

"Unfair!"

Ipinagpatuloy mo ang 'strategy' mo. Pero sa huli ako pa din ang nanalo sa pustahan natin.

"So what's the dare now?"

"Saka na. Pag-iisipan ko pa." I told you as I smirk.

Isa iyon sa pinakamasayang parte ng buhay ko. Pero ang masayang pangyayaring iyon ay isang bangungot na ngayon.

Bumalik ang aking isipan sa kasalukuyan ng dumating at umupo muli sa harapan ko si Neil.

"What's bothering you?"

"Him..."

"Again? I envy that guy..."

"Bakit naman?"

"Ako ang ka-date mo pero siya ang nasa isip mo..."

"Date your face, Neil! Hindi tumatalab sa akin ang ganyan?"

"Talaga? E eto?"

Tinitigan niya ako. Tipong parang nang-aakit. Parang nagsparks siya. Ang gwapo niya. Pero lahat ng pantasya ko ay napawi ng pitikin niya ang ilong ko.

"Kitams! Tinatalaban ka din!"

"Hindi a!" Deny ko naman.

"Denial."

"Whatever!"

Kumain na kami ngunit ng matapos kaming kumain ay niyaya niya ako ngunit tumanggi ako. Feel ko talagang sa kwarto lang manatili ngayon.

Masakit. Alam ko. Paulit-ulit akong babalikan ng mga alaala. The memories will hunt me down wherever I go. And that's because you hurt me.

This bittersweet feeling is now making me love and hate you more at the same time.

Para sa Kanya.

_RESg=.

Para Sa Kanya (Dedicated To You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon