7

32 1 0
                                    

King-ina niya kamo! Gago. Bakit hindi ikaw ang tumagpo sa akin?

Laking gulat ko ng magpakita ang bago mong kalandian sa akin sa lugar kung saan sinabi mo na magtagpo tayo. HIndi ko alam kung bakit siya ang naroroon.

Gusto kitang kausapin.

Mga katagang binitiwan niya. Mga katagang kailanman ay hinding-hindi ko pagbibigyan.

"Hindi ikaw ang gusto kong makausap." sabi ko at akma ng aalis ngunit muli siyang nagsalita.

"Mahal na mahal ko siya."

Nag-init ang ulo ko. Nagpanting ang tainga ko. Sa mga sinabi niya ay mabilis na pumitik ang kaunting pasensyang mayroon ako.

"Ay punyeta kang kiri ka e! Tangina mo a! Hindi lang ikaw ang nagmamahal sa damuhong iyon ng sobra. Kung ikaw sobrang mahal mo siya, ako mas sobra pa sa sobra. Tingin mo magpapakatanga ako sa kanya ng ganito hanggang ngayon kung hindi?! Ay unta ka a!"

"Alam ko ang pinagmumulan ng galit mo pero please--"

"Please ano?! Wala kang maasahan sa akin!"

Tumalikod na ako at aalis na sana ng pabulong siyang nagsalita.

"May nangyari sa amin..." mahinang niyang usal habang pilit pinipigil ang hikbing bigla din namang kumawala.

Natigilan ako. Naibigay niya nga. Naibigay niya ang isa sa bagay na hindi ko pa kayang ibigay sa iyo. Kaya pala ganoon na lang siya kung magmakaawa sa akin na lubayan ka na.

Hindi ko alam ang aking sasabihin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o maawa sa kanya. Gusto ko siyang tanungin kung ginusto niya din ba. Pero sabi ng utak ko, malamang ginusto niya dahil tanga lang ang gagawa ng bagay na hindi niya naman gustong gawin. Gusto kong tanungin kung kailan ngunit natatakot akong malaman ang katotohanan dahil alam ko na mas lalo akong masasaktan.

Hindi ko na siya hinarap pa. Marahan akong umalis ng lugar. Tamlay na tamlay ako at pakiramdam ko ay naubos lahat ng enerhiya na mayroon ako. Nagawa niyang ibigay sa iyo ang "pangangailangan" mo. Masakit para sa akin na may bagay na hindi ako magawa para sa taong mahal ko. Kapalit kasi nito ang tiwala ng magulang ko na buong-buong ibingay sa atin.

Nang makarating kasi ako sa bahay ay agad kong hinanap si kuya Mark, niyakap at umiyak ako sa balikat niya. He already figured out what happened. Hindi ko na para i-kwento pa kay kuya Mark ang kasiraan ng bago mo dahil alam ko ang pakiramdam niya, hindi dahil dinanas ko naito kundi dahil parehas kaming babae at alam ko ang nararamdaman ng kapwa ko babae. Kinwento ko lang lay kuya mark na nakipagkita siya sa akin.

Hindi mo naman kailangan gawin sa kanya iyon katulad na lang din ng palagi kong ipinapaliwanag sa'yo. Masyado ka pang bata. Masyado pa tayong bata. Pero hindi kita masisi na tumikim ka ng iba dahil hindi mo iyon nagawa sa akin.

Naghahalong galit, sakit, pighati at inis ang nararamdaman ko para sa'yo ngayon. Ngunit sa kabila ng mga negatibong emosyong ito masasabi ko na hindi nawala ang pagmamahal ko sa'yo.

Mahal na mahal na mahal pa rin kita.

Para Sa Kanya.

Para Sa Kanya (Dedicated To You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon