19

31 1 0
                                    


Sa iyo na kasama ko ngayon...

Nang una akong tumungtong sa bus, ikaw agad ang tumawag sa aking pansin... naisip ko na ang swerte ko naman. Nagmomove on pa lang ako may sagot na agad si God sa prayers ko—isang babaeng maganda, mapagmahal at siyang magmamahal sa akin katulad ng pagmamahal ko sa kanya. I never believed in love at first sight. Imposible iyon kasi hindi mo masasabing mahal mo ang isang tao sa unang tingin lang. Ngunit iba talaga ang pakiramdam ko ng makita kita. At isa pa sa napansin ko sa napakagandang babaeng iyon sa bus ay ang labi niyang malungkot.

Ano kaya ang dahilan ng pagiging malungkot niya? Tanong ko sa sarili ko. Sayang naman ang ganda mo kung nakasimangot ka lang.

Noong una nag-aalinlangan pa akong tumingin sa'yo. Nahihiya kasi akong mahuli mo akong nakatitig sa'yo. Pero hindi ko napigilan ang aking mga mata. At nagkataon pang nakatingin ako ng biglang tumingin ka. Ang ganda ng iyong mga mata. Marahil kumikislap ito kung ito'y masaya ngunit ngayo'y malungkot ang mga ito katulad ng mga labi mo. Your eyes tell a lot of stories; the happy and the sad stories.

Tinabihan kita noon at naiinis ako sa breezy personality ko dahil umiral siya sa harap ng isang napakagandang binibini.

Alam ko na mas bata ka kaysa sa akin. Nakikita na kita sa school noon. Nasa engineering and architecture building ka palagi kaya't malamang nasa ganoong course ka. Ang mga course sa building na iyon ay engineering, architecture at interior design—mga course na maximum ng limang taon kaya't nagconclude ako na mas bata ka talaga sa akin. Graduating na ako ng med which took me five years and pre med ko ay four.

I saw you wrinkled your nose. Siguro naiirita ka sa breezy personality ko. Ako din, nainis sa bigla niyang paglabas.

Nagulat na lang ako ng umiiyak ka na. At laking pasasalamat ko sa pagiging mabait ng gentleman personality ko dahil lumabas siya at pinagaan ang loob mo.

Magnet. Iyan ka dahil sa hindi malamang dahilan, gusto ko na dumikit lamang sa'yo sa buong bakasyong ito. Nang nakita kitang umiyak, I felt this need, this responsibility of protecting you. Naramdaman kong kailangan kong damayan ka. Para kasi akong hinahampas ng dos-por-dos kapag nakikita kitang umiiyak. Unang beses pa lang kitang nakitang umiyak parang ang sakit na para sa akin at lalo itong naging masakit habang tumatagal.

The whole Tagaytay thing for me now isn't about moving on with the bitch who made me a man whore. It is about you now. Call it fast or whatever but I love you and I am loving you more each day.

Ngayon, muli akong susugal sa pagmamahal na walang kasiguraduhan. Ngunit ang pinagkaiba lang ngayon, worth it ang taong susugalan ko ng lahat-lahat. Pero ang malaking problema lang ay hindi ka pa nakakaget-over sa pagkatalo mo noong huli kang sumugal. But my love for you can wait until who knows when. Kaya kong maghintay dahil mahal kita at sabi nga sa tula, ang pag-ibig hindi dapat sinusukuan... hindi kita susukuan. Hanggang maging buo ka na ulit, hanggang masasabi mo nang handa ka na, hanggang lumipas na ang sakit na naidulot niya.

Naiinis ako sa kanya dahil sinaktan ka niya. Sinayang niya kasi kung anong mayroon siya pero okay na din siguro iyon. Okay hindi dahil nasaktan ka kung hindi dahil natagpuan kita. At natagpuan mo ako. Pangako kong hindi ko gagawin ang ginawa niya. Hindi ko maipapangako sa iyo na hindi ka iiyak sa akin. Hindi inaasahan ang mga mangyayari sa larangan ng pag-ibig. Maraming pagsubok kaya't hindi ko maipapangakong hindi ka iiyak at masasaktan. Pero maipapangako kong mamahalin kita sa abot ng makakaya ko dahil ang babaeng katulad mo ay dapat minamahal ng wagas. Hindi dapat ipinagsasantabi, dapat priority.

Alam ko masyadong mabilis. Alam ko na maikling panahon pa lang kitang kilala pero mahal na kita. At iyon ang totoo. Hindi ito dahil desperado na akong kumalimot. Ito'y dahil ito na sadya ang totoo. I believe that this is God's plan for the both of us; to meet each other while we are both grieving. But the case now, ikaw na lang ang nagmumukmok dahil sa sakit na naidulot ng nakaraan.

Ngayon, hihintayin ko kahit hanggang kailan pa yang pagmumukmok mo. Hihintayin kong maghilom ang sugat sa puso mo. Kahit pa ang kapalit nito ay panibagong sugat para sa akin, wala akong pakialam. Dahil ikaw... ikaw ang humilom sa sugat ng aking nakaraan.

Ipapakita ko sa'yong ang nakaraan ay parte lang ng buhay natin kung saan dapat tayo'y may natutunang aral. Ipapaunawa ko sa'yong ang kasalukuyan ang dapat pinagtutuuanan ng pansin. Dahil sa kasalukuyan nakasalalay ang kinabukasan. Ipapakita ko sa'yo na mahalaga na magfocus ka sa mga taong nariyan para sa'yo at hindi sa mga taong iniwan ka lang at sinaktan. Ipapakita ko sa'yo na kung sino ang nariyan para sa'yo ay dapat i-appreciate mo.

Mahal na kita... Stella.

Para Sa Kanya

Para Sa Kanya (Dedicated To You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon