9

29 1 0
                                    

"Kuya, gusto kong magpunta sa Tagaytay..."

"Tara! Empake ka na! Punta na tayo ngayon!"

"Na ako lang mag-isa..."

Natahimik bigla si kuya Mark nang sabihin ko iyon. Hindi ko alam kung nasaktan siya o naiinis o nag-aalala. Blanko ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Bakit naman? Kaya mo ba magbyahe mag-isa?"

"Oo..."

Mukhang wala na siyang mai-sagot sa akin. Mukhang hindi niya ako papayagan kaya pumanhik na lang ako sa kwarto ko. Nahiga ako sa kama. Hindi ko alam. Para kasing gusto ko pumunta sa Tagaytay. Our dream city. Gusto ko sanang pumunta doon on purpose.

Kumatok si kuya Mark sa kwarto ko.

"Let's talk." Seryosong wika ni kuya Mark.

Hindi na lang ako umimik. Hinihintay ko kasi siyang magsalita o magtanong.

"Bakit gusto mong magpunta ng Tagaytay mag-isa?"

"Kasi, kuya, naisip ko lang... na mababawasan ang bigat na nararamdaman ko... maga-unwind lang naman ako."

"Ayaw ko kasi i-risk ang safety mo. Naiintindihan mo ba?"

"Oo, kuya... kaso naisip ko lang na... na kung magagawa ko lahat ng ipinangako niya sa akin dati kahit na ngayon mag-isa na lang ako... mababawasan ang sakit. Na unti-unti ko ng mapapakawalan ang sarili ko mula sa kanya... gusto ko lang tapusin na kasi napapagod na din ako masaktan. Napapagod na din ako umasa na isang araw kakatok siya sa pintuan natin at babalik sa buhay ko para pasayahin ako. Para bumawi sa lahat ng sakit na naidulot niya. Mahirap kasi umasa sa bagay na alam kong suntok sa buwan na. Siguro sa paraan na ito, unti-unti ko ng makakalimutan ang pait... unti-unti ko ng matutunan ang magparaya at magpakawala... at marahil unti-unti ko na ding malalaman ang tunay na leksyon..."

"Pasasalubungan mo ako, ha?"

"Oo naman... teka? Pumapayag ka na, kuya?"

"Tatawagan mo ako as soon as makarating ka na sa Tagaytay at kung hanggang kailan ka magstay doon? Okay ba?"

"Oo naman."

"Skype mo din madalas si tito at tita saka ako. Picture ka at upload mo para naman updated kami..."

"Sige..."

"Sa isang araw ka na umalis para makapagprepare tayo ng lahat ng babaunin mo... tatawagan ko naman yung shota ng kaibigan ko na may-ari ng maliit na hotel dun para may matigilan ka na sigurado kaming safe ka."

"Salamat, kuya..."

At iyon ang unang pagkakataon na ngumiti ako ng sinsero magsimula ng iwanan mo ako.

Makakayanan ko din ito... makakalimutan ko din ang sakit na naidulot ng pag-iwan mo sa akin... makakalimutan ko din ang pait na dinanas ko... matutunan ko din ang totoong leksyon sa kabila nito... makakalimutan din kita... at balang-araw magpapasalamat ako sa'yo dahil sinaktan mo ako at iniwan... Natututo na akong bumangon.

Para sa Kanya

Para Sa Kanya (Dedicated To You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon