8

32 1 0
                                    

Matapos kong malaman ang lahat tungkol sa inyo ng bago mo, parang wala lang sa akin ang lahat. Mahal pa rin kita at walang nagbago. Hindi manlang nabawasan kahit 0.01% lang. Ang tanga-tanga ko. Iyan malamang ang iniisip mo. Pero sa tingin ng nakararami, mas tanga ka. Mas tanga ka dahil pinakawalan mo pa ang isang tulad ko. Sa tingin kasi ng lahat, wala ng iba pang babaeng makapagmamahal sa'yo kagaya ng pagmamahal na ibinibigay ko. Mas tanga ka para hayaan lang na mawala ako sa buhay mo. Mawala sa'yo ang kaisa-isang taong kinakaya ang lahat para sa'yo. Ang kaisa-isang babaeng kakayanin lahat ng pasakit para lamang sa'yo. Mas tanga ka para lokohin ako. Madali lang ba talagang iwan ang babaeng katulad ko?

Ikinewento ko na ng tuluyan ang lahat-lahat kay kuya Mark. Pakiramdam ko kasi ay makakatulong para sa akin na may mapagsabihan ako ng lahat ng sakit at bigat na dinadanas ko ngayon. Hindi ko na nga alam kung marunong pa ba ako ngumiti. Magsimula ng iwanan mo ako, puro iyak at simangot lamang ata ang nagawa ko. Nakakabadvibes na sigurong tingnan ang facial expressions ko.

"Hindi kasi lahat ng bagay na gugustuhin natin ay mapapasa-atin..."

Hinding-hindi ko makalimutan ang sinabi sa akin ni kuya Mark matapos kong i-kwento sa kanya ang lahat kasabay ng walang humpay kong pagluha.

"May mga bagay talaga na hindi para sa atin..."

Hindi ka nga ba talaga para sa akin? Hindi ba talaga tayo hanggang dulo? Sadya bang nakatadhanang masasaktan lang ako at iiwan mo? Bakit ganoon? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal na ibinibigay ko para manatili ka sa piling ko? Sa buhay ko? Am I not enough?

"May mga tao talagang dadating sa buhay natin para dumaan lang. Hindi sila mag-stay pero mag-iiwan sila ng mahalagang leksyon. Leksyon na magpapalakas sa atin... leksyon na tutulong sa atin... na mas makapagpapalago sa atin. Leksyon na habang buhay nating aalalahanin..."

Hindi ko pa din malaman kung anong leksyon ba ang itinuturo ng tadhana sa akin ng iwanan mo ako. Masyado ba akong nagmahal? Alam ko naman na hindi na ako nagtira para sa sarili ko. Iyan kasi ang problema e. Iyan ba ang leksyon na itinuturo sa akin ng tadhana. Parang masyadong mababaw. Masyadong madaling i-figure out. Masyadong obvious. May mas malalalim pa nga bang dahilan?

"Pero ang tatandaan mo... hindi iyan tungkol sa kung paano ka nasaktan... tungkol iyan sa kung paano ka tatanggap at matututong bumangon muli. Mahirap, oo. Pero kailangan mong kayanin. Tandaan mo, hindi ka ipinanganak para mabuhay para sa ibang tao. Live your life..."

Nabubuhay nga ba ako ngayon para sa iba? Nabubuhay ba ako hindi para sa sarili ko? Masyado ko bang ibuhos ang lahat para sa iba? Ang daming tanong. Habang dumadami ang bawat tanong, lalo akong nahihirapan. Lalo kong naaalala ang lahat ng sakit. Hindi naman kasi ganoon kadali kumalimot. Hindi ganoon kadali tumanggap.

Hindi umalis si kuya Mark sa tabi ko magsimula noon. Hangga't kaya niya, inaaya niya ako sa lugar na matatao. Noong isang araw nagmall kami. Ibinili niya nga ako ng sapatos. Alam na alam niya talaga ang gusto ko pero fake smile lang ang naibigay ko sa kanya. Madalas na din nakikipagskype sa akin ang parents ko. Nagmigrate na kasi silang dalawa sa Canada dahil may magandang offer ng trabaho para sa kanila doon. Matagal na panahon pa bago kami mai-petition. Tutal ang mga magulang ko ang legal guardian ni kuya Mark magsimula ng mamatay ang tito at tita dahil sa sakit, madali na i-petition din siya ng mga magulang ko. Kaya ganoon na lang ako kalapit kay kuya Mark. Bata pa lang kasi kami ay kami na ang madalas magkasama.

Lahat ginagawa nila ngayon para lang mawala sa isip ko ang napakasakit na break-up natin. Pero hindi pa din sila nagtatagumpay. You are still occupying a big part of my brain and a big part in my heart.

Gustuhin ko mang magpatuloy ng pag-aaral, parang wala na akong gana. Ipinagpaalam ko sa magulang ko na magpapahinga muna ako ng isang semester sa pag-aaral. Pumayag naman sila. Siguro ay pilit nilang iniintindi ang pinagdadaanan ko. Bakit nga ba ako ganito nahihirapan? Ako lang ba ang babaeng iniwan na nagkakaganito? Ang abnormal na ba?

Ang pinakamasakit na parte lang naman kasi ng lahat ng ito ay kahit gaano mo pa ako sinaktan, mahal na mahal pa rin kita. At nanalangin akong matigil na ang sakit na ito...

Para sa Kanya

Para Sa Kanya (Dedicated To You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon