29

29 0 0
                                    

Sabay kaming bumaba ni Neil ng hagdanan patungong kusina. Takot na takot ako at kinakabahan. Gustuhin ko mang hawakan ang kamay ni Neil nang mahigpit upang kumuha ng suporta mula dito, ngunit hindi maaari. Hindi magiging mabuti ito para sa sitwasyon naming dalawa. Mas makakabuti munang maglayo kami nang kaunti. Hindi magiging maganda kung gagatungan pa namin ang galit ni Kuya Mark sa amin.

Mataman kaming tiningnan ni Kuya Mark, lalo na si Neil. Galit siya rito dahil sa inabutan niyang tagpo sa aking kwarto kanina.

"Sit down." Kuya Mark motioned  to the chair across him.

Mabilis akong umupo sa harapan niya at tumabi naman sa akin si Neil. Tahimik siya, marahil tinitimbang ang bigat ng sitwasyon.

"I don't need to ask what the fuck have the two of you done!" Bakas ang galit sa tono ni Kuya Mark na pagka-kuwan ay naging frustrated, "But... Why? Of all people, Neil. Pinagkatiwalaan kita sa pinsan ko!"

Napayuko lamang ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ni Neil at marahil kung ako ang nasa sitwasyon niya ay hindi ko din alam ang isasagot ko sa kanya.

"I love her, Raymark..." Seryosong sabi ni Neil kay Kuya Mark. At dahil tinawag niya si Kuya Mark sa totoo nitong pangalan ay talagang bakas ang pagkaseryoso niya.

"She's too young for that! And so are you!"

"Mahal ko siya. Ano pa ba ang patunay na gusto mo?"

"You just fucked my cousin!"

"I made love, Raymark!"

Mukhang naasiwa din si Neil sa ginamit ni Kuya Mark na salita. Ganoon din naman ako ngunit nanatili akong tahimik. Gusto kong magsalita pero dahil sa takot at kaba ay hindi ko na nagawa pang makisali sa kanilang pagtatalo.

"Damn! Ngayon iniisip ko kung totoo ba ang sinabi sa akin ni Dra. Aila."

Nanlaki ang aking mata at waring tinakasan ako ng aking sariling kaluluwa. Ano ang sinabi ni Aila sa kanya?

"What did she told you?" Lakas loob na tanong ni Neil sa kanya.

"Confirmed!" Wika ni Kuya Mark Sabay turo sa aking mga kamay, "putang ina talaga, Acneil! Tangina! Kausapin mo magulang niyang si Stella! Ni hindi man lang kayo nagpaalam o nag-isip bago kayo nagpakasal?!"

Napatayo si Kuya Mark mula sa kanyang kinauupuan at isinaboy ang lahat ng laman ng mesa patungo sa kung saan. Napapitlag ako dahil sa mga nabasag na baso at pinggan na bumagsak sa sahig.

"Umuwi ka kuna, Acneil. Nagdidilim ang paningin ko sa iyo! Uuwi ang mga magulang ni Stella dahil sasabihin kong kailangan nila. Pero hindi ko babanggitin ang mga nalalaman ko. Kayo ang makipag-usap sa kanila!"

Maghapon akong nakakulong sa kwarto. Hindi ako pinahintulutan ni Kuya Mark na lumabas ng bahay. Pansamantala niya ding pinagbawalan si Neil na bumisita hanggang hindi pa nakakauwi ang aking mga magulang. Hindi ko masisisi si Kuya Mark sa naging reaksyon niya. Para na naming kapatid ang isa't-isa, isa pa ay sa kanya ako ipinagkatiwala ng aking mga magulang kaya nagalit siya na hindi man lamang niya ito nalaman.

Tama si Kuya Mark, hindi ako nag-isip bago kumilos. Hinayaan kong ang aking puso ang magdikta. Mahal ko si Neil. Wala pa akong minahal ng ganito. At kung may pinagsisisihan man ako sa nangyari, wala...

Nagbukas na lamang ako ng aking e-mail at nang makapag-online ako ay may nag-invite ng video chat. Si Neil iyon. Gumawa talaga siya ng paraan para kahit papaano ay makita namin ang isa't-isa.

~*~

Ilang araw na ang lumipas. Dumating na din ang aking mga magulang. Nag-set si Neil ng isang dinner sa five star hotel na pagmamay-ari ng isa niyang kakilala.

Para Sa Kanya (Dedicated To You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon