10

30 1 0
                                    

Nasa terminal na ako. Hinatid ako ni kuya Mark gamit ang motor. Ang init. Ang ingay. Nakakairita. Nakakainis. Pero lahat ng ito walang panama sa pesteng sakit na idinulot mo sa puso't isip ko.

"Mag-iingat ka, ha?"

"Yes, kuya. Don't worry too much. Lagi naman akong tatawag sa'yo. Para namang ikamamatay mo 'pag nawala ako."

"Ay, sadya!"

"Buti ka pa..."

Nalungkot ako kasi naisip na naman kita. Punyemas na alalaala na mayroon tayo. Naiwan lahat sa akin.

"Kapag hindi ka nag-ingat, hindi din ako mag-iingat. Kapag naaksidente ka, papakabangga ako. 'Pag namatay ka, susunod ako. Mahal na mahal kita at hindi ko kaya na mawala ka. I love you, babe..."

Nanggilid na naman ang luha ko.

"Sssh... tahan ka na. Gusto ko man na sa balikat ko ikaw umiyak, 'wag sa pagkakataong ito. Pigilan mo muna... kasi baka hindi kita patuluyin sa pupuntahan mo."

"Sorry, kuya."

"Ay, basta. Kung magpapakamatay ka, siguraduhin mong iyong kakaiba. Iyong may class. 'Wag na gagamit ng lubid, cutter, kutsilyo, baril at magpapabangga. Masyado ng common. Ibahin mo, ha?"

"Kuya naman, e! Sus, ayaw ko kaya iwan ang pangit kong kuya!"

"Correction... POGI! P-O-G-I!"

"Oo na. Aalis na ako, maiiwan na ako ng bus."

Umupo ako sa bandang hulihan ng bus. Ayaw ko kasi na madalas madaan ng mga pasahero. Nakakadistract kasi. Ilang pasahero na lang ay puno na ang sinasakyan ko na bus.

Sinuot ko na lang ang headset ko matapos magstatus sa facebook ng Off to Tagaytay City.

"Someday, someone's gonna love me the way I wanted you to need me..."

Kinakantahan na naman ako ni Nina at ipinapaalala sa akin na balang-araw makakalimutan din kita. Na balang-araw, makakahanap din ako ng iba. Na someday there will be someone who'll cherish me and care for me, someone who'll never leave me hanging and someone who'll love me as much as I do. Nagsimula ng umandar ang bus ngunit bigla itong nagpreno. Makalipas ang ilang sandali ay sumakay ang isang lalaki. Dalawa na lang ang bakanteng upuan noon. Sa tabihan ko at sa tapat ng katabi ko. Sa may tabi kasi ako ng bintana umupo. Doon umupo ang lalaki sa katapat ng upuan ko. Hindi ko maiwasang mapasulyap sa kanya at nahuli niya akong tumitingin sa kanya. Nginitian niya ako at nagulat ako ng lumipat siya sa tabihan ko.

"Ayan, para hindi ka na mahirapang tingnan ako. Mas maganda pa yung view ngayon."

Tahimik lang ako nun. I don't talk to strangers. Kahit pa gwapo siya, hindi ko siya kakausapin.

Matangkad siya, matikas ang katawan, kamukha niya si Zoren Legaspi (twenty-three years old version). Sa tantya ko ay nasa twenty-three.

"I'm Acneil. But you can call me Neil. And you are...?"

Hindi ko talaga siya kakausapin. Huwag na lang sana siyang makulit kasi nauubos na ang baon kong pasensya dahil sa kanya. Nilakasan ko na lang ang volume ng tumutugtog sa cellphone ko.

"Someday, someone's gonna take your place. One day, I'll forget about you. You'll see I won't even miss you. Someday..."

Ano ba naman itong si Nina. Naluluha na ako sa mga sinasabi niya sa akin.

"Hindi ka naman siguro pipi or bingi? Narinig kitang bumubulong kanina e."

Nainis na ako kasi kahit anong lakas ko ng kanta sa cellphone ko ay naririnig ko pa din siya. Inalis ko ang headset ko at hinarap na ang lalaking pagkakakulit-kulit.

"Punyeta naman o! Bakit ba ganyan kayong mga lalaki?! Makikipag-usap, makikipagkilala. Sa huli naman mananakit din naman kayo!"

"Teka lang, miss. Nakikipagkilala lang naman ako e."

"What would you expect me to say to a total stranger like you?"

"Going to Tagaytay? Broken hearted ka ano?"

"Shut up!"

Humarap na ako sa bintana, sinuot muli ang headset ko. Kasabay nito ang pagpalit ng kanta sa aking cellphone

"Why do people fall in love and then end up crying?"

Ang good timing mo talaga ano, Morisette Amon?

Nagulat na lang ako ng may dariling lumapat sa pisngi ko. Napalingon ako sa katabi ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako. Umiiyak na naman ng dahil sa'yo.

"You can cry on. You don't have to keep all the pain. You can use my shoulder for the mean time. If you don't trust me, I'll introduce myself and give you all the content of my biography and resu—"

Hindi ko na siya pinatapos. Niyakap ko siya at umiyak lang ng umiyak ng umiyak hanggang sa naubusan na ata ako ng luhang iiyak.

"Sorry, nabasa ko yung damit mo ng luha at sipon."

"Okay lang yun kesa naman umiiyak ka mag-isa, 'di ba?"

"Sorry sa pagsusungit ko kanina. Sa ganang paraan kasi kami nagkakilala nung... nung ano ko."

"A, ganun ba? Then, I'll change the way na nagkakilala tayo kasi ayaw ko na katulad ko ang gago mong... ano..."

"Sorry talaga a..."

"Wala yun. Ako nga pala si Acneil Villa. Twenty-four years old, taking up medicine. Pre-med course ko? BS Biology. Medicine runs in the family. Graduating na next year. How about you?"

"I'm Stella Valencia. I was taking up BS Architecture pero I stopped just this semester. I need a break. I am only eighteen."

"So, I suppose your ex was taking up the same course with you?"

"No, he's in senior high."

"Younger?"

"Just months. But he chose to be in senior high than going to college immediately."

"So, paano kayo nagkakilala?"

Paano nga ba tayo nagkakilala? Matagal-tagal na panahon na din yun pero parang kahapon lang. Sariwa pa kasi sa alaala ko ang lahat-lahat tungkol sa atin. Parang hindi lumilipas—ang saya at lalung-lalo na ang sakit na iniwan mo sa puso kong ngayo'y sugatang-sugatan. Ito na muna ang huling sulat ko sa'yo. Hanggang sa muli.


Para sa Kanya


Para Sa Kanya (Dedicated To You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon