20

32 1 0
                                    

"Neil!" Sigaw ni Stella matapos kong sagutin ang tawag niya.
"May nangyari ba? Stel, okay ka lang ba?"
"Napkiiiin..." mahinang ungot ni Stella sa kabilang linya.
"Nap...kin? Ha?"
"Bili mo ko napkin. Please..."

Agad kong ibinaba ang tawag at lumabas ng hotel. Naghanap ako ng mabibilihan ng kailangan niya. Hindi naman ako tanga. Med student ako. Alam ko na dinatnan siya. Babae si Stella. Malas lamang dahil wala siyang dalang pads. Kahit papaano ay nahihiya ako na bumili ng napkin.

Nakakita ako ng isang convinient store sa kanto malapit sa hotel. Sinalubong ako ng bati ng isang babaeng nasa edad ko din.

Nagtungo ako agad sa displays nila. Kumuha na ako ng tig-dalawang balot ng with wings at without wings. Hindi ko na naitanong kung ano ang ginagamit niya. Binitbit ko ito patungong counter.

Binati akong muli ng nasa counter. Naiirita ako dahil may halong landi ang bati niya.

"Wala na po ba, sir?"
"Iyan lang. Pakicharge na lang dito." Wika ko at iniabot ang debit card ko.
"Para sa girlfriend niyo po?"

Sanay na ako sa mga ganitong babae. Maraming ganito sa akin sa school at maging ang ilang nurses sa ospital namin.

"Para sa asawa ko." Wika ko at ngumiti sa kanya. Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya.
"Ang bata mo naman para magka-asawa na?"
"Well, what can I say? I really love her and I don't want to lose her."
"Owww. Okay."

Dinampot ko na ang aking pinamili matapos niya itong ibalot. Nagmadali akong bumalik sa hotel. Kinatok ko ang kwarto niya at pinapasok naman niya ako. Pilit niyang itinatago ang likod niya mula sa akin. Natagusan siguro siya.

"Eto na. Binili ko na both kinds."
"Salamat." Wika nito at naglakad ng paatras palayo sa akin.
"You don't have to be shy. I am a doctor in no time. Alam ko ang mga bagay na ganyan."
"Nakakahiya pa din."

Napatawa na lang ako. Pinagpatuloy niya kasi ang paglalakad ng paatras. Hay nako. Kulit niya talaga. Iipis ipis tuloy siyang naglalakad paatras para lang hindi ko makita ang kulay pula sa likuran niya.

Matapos niyang magpalit ay niyaya ko siyang maggala. Ayaw ko naman na mabuburyo siya sa loob ng hotel room.

Nagpunta kami sa picnic grove. Bumili kami ng makakakain at nagmasid lamang sa paligid.

Sa hindi kalayuan ay may isang kahina-hinalang babae akong napansin. Hindi maaari. Paano niya nalaman na nasa Tagaytay ako?

Hindi ko na lamang sana siya papansinin ngunit huli na. Papalapit na siya sa amin.

Nagulat na lamang ako ng sampalin niya si Stella sa pisngi. Halos bumakat ang kamay niya sa pisngi nito. Napatakbo naman ako kay Stella at agad siyang niyakap. Tumayo ito. Galit marahil.

"Siya ba, Acneil?! Siya ba ang ipinalit mo sa akin?! Siya ba ang dahilan kung bakit mo ako iniwan?!"

Bago pa man ako makarecover sa pagkagulat at makasagot sa kanya ay nagsalita na si Stella.

"Oo! Ako ang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay sa'yo! Pero tama lamang ang ginawa niya. Ginagago mo sila ng asawa mo! Ginawa mong kabit si Neil! Neil deserves someone better. Neil deserves to be the number one and the only one. At iyon ang bagay na kailanman ay hindi mo maibibigay. I have given him that. Stop interfering with our relationship, you bitch!"
"Hindi ka niya mahal!"
"Hiniwalayan ka niya. Ipinagkatiwala niyang i-kwento sa akin ang nangyari sa inyo. Sinundan niya ako sa Tagaytay. Hindi ba ako mahal sa lagay na iyon? Ikaw? Ikinama. Inililihim. Iniwan! Mahal ka?" Wika ni Stella at tumawa ng palibak.
"How dare you!" Wika niya at akmang sasampalin muli si Stella.

Agad kong hinagip ang kamay niya sa ere at padabog na ibinagsak ang kamay niya.

"I will never let you lay a single finger on her ever again." I said with my monotone but serious tone.
"No, Neil. Let her slap me. I don't care. Hanggang ganyan lang ang kaya niya. But whatever she do, she cannot get you back. She cannot get you away from me."
"You! Little brat! Nalilibugan lamang siya sa'yo."

Nagulat ako ng bigyan ni Stella siya ng mag-asawang sampal.

"Siguro naman gising ka na sa katotohanan. Neil loves me! Burado ka na sa eksena!"

Matiim niya kaming tiningnan maging ang braso kong nasa balikat ni Stella bago siya padabog na naglakad palayo. Lumingon ako sa paligid. Pinagtitinginan nila kami.

"She pissed me off."

Walang salita ang kaya kong sabihin sa kanya ngayon. Ngayon ko lang naranasan maipagtanggol. Ngayon ko lamang naramdaman na tama na nga siguro ang ginagawa ko. Walang anu-ano'y siniil ko siya ng halik at agad naman niya itong tinugunan. Makalipas ang ilang sandali ay nagbitiw na kami.

"I really love you, Stella."
"I like you, Neil"

Like? Hindi na rin siguro ito masama. One step at a time.

Para Sa Kanya (Dedicated To You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon