25

25 1 1
                                    

Sinalubong ako ni kuya Mark sa aming gate. Agad ko siya ng niyakap.

"I miss you, kuya." I told him sincerely.

"I miss you too." He told me as he hugged me back.

Hinawakan niya ang magkabilang bahagi ng aking balikat.

"How was Tagaytay?"

"It was good, kuya! Ang laking tulong!"

"How about Acneil? Nakauwi na ba siya?"

"Yes. Sumabay na siya sa akin, actually."

"Are you friends with him now?"

"Yup! Hindi mo man lang sinabi sa akin na magkakilala pala kayong dalawa!"

"Nakaligtaan ko ng banggitin e. Kaklase ko siya dati. Naging mabait ba sa'yo? May pagka-snob kasi iyon nung early college e."

"Kaklase mo? Kung ganoon at kabilang siya sa stem?"

"Stella, saang bato ka ba nagtatago kapag nasa paaralan ka? Hindi mo ba talaga kilala si Acneil?"

"Ha?" Nasabi ko na lang dahil takang-taka na ako sa sinasabi niya.

"Si Acneil ang top one ng buong university!"

Nagulat ako sa sinabi ni kuya Mark. Hindi sa kinukwestiyon o minamaliit ko siya, pero sa unang tingin, hindi mo pag-iisipang si Neil ANG top one ng university. It was very intimidating. Lalo pa at nakasama ko si Neil ng matagal. Hindi ko man lang naisip na ganoon pala siya katalino.

"Wow..." Iyan na lamang ang nasabi ko dahil sa paghanga.

My husband is definitely smart. And I am so lucky to have him as my guy, handsome, kind, loving, caring then now... Smart. What can I wish for? Of course, except for the privilege to announce our marriage.

"Bakit mo pala ako pinauwi, Kuya?" I asked him the question that's bugging me for hours now.

"Iyon nga e... Nahihirapan kasi akong sabihin sa'yo sa cell kaya kita pinauwi..."

And as if on cue, lumabas mula sa pintuan ng bahay namin ang ex-boyfriend ko.

"Francis?" Halata ang pagkagulat sa tono ng boses ko.

Agad siyang lumapit at niyakap ako.

"I'll give you time to talk..." Wika ni Kuya Mark at naglakad na papasok ng bahay dala ang bagahe ko.

Muling nabalik ang atensyon ko kay Francis. Ano ba ang ginagawa niya rito?

"I'm sorry, Stella. Sana mapatawad mo pa ako. I love you. It was too late for me to realize that. I love you." The words easily slipped out of his mouth.

"Napatawad na kita, Francis..."

Sumilay ang liwanag sa kanyang mukha at ang galak sa kanyang mga mata. But I don't want to give him false hopes.

"Pero hindi ko na matatanggap ang pagmamahal na sinasabi mo. I am over you... Already."

Nalukot ang kanyang noo. Nakatingin siya sa akin at nababakas ang sakit sa kanyang mga mata. Ngunit hindi na ako naapektuhan noon. Marahil tama nga, hindi ko na siya mahal. Napatawad ko na siya at napakawalan ko na rin ang aking puso.

"Stel... What are you saying? You love me... I know that. Do not play hard to get now!"

"No. I don't love you... Anymore."

"Minahal mo ako at sisiguraduhin kong ako pa din ang mamahalin mo!" He said then left.

Pumasok na ako sa bahay at natagpuan ko si Kuya Mark na nakaupo sa sofa.

"Isang linggo na iyang nangungulit Kaya pinuwi na kita. Alam ko naman na okay ka na. Hindi ko na kasi maipagtabuyan. Nasapok ko na nga iyan e!"

"Okay lang, Kuya. I can handle that one. Do not tire yourself for that asshole."

~*~

Ilang araw na ang lumipas. Nagpalit ako ng cellphone number dahil panay ang pagtawag sa akin ni Francis. Naiinis na ako. Hindi pa din ba niya makuha ang punto ko? Ayaw ko na. Wala ng kami at tapos na. Hindi ko na siya gusto o mahal.

Sa sobrang inis ko at naputol ko ang sim ng hindi ko man lang nakokopya ang laman ng contacts nito at sa kasamaang palad ay napabilang ang kay Neil dito. Wala din akong e-mail address niya. Gamit ang telepono at tinawagan ko ang kaklase ko noon at sinubukan siyang tanungin. Ngunit sabi nito sa akin at malihim na tao si Neil. Pero mayroon daw siyang e-mail address ng kaibigan nito. Hindi nga lamang daw niya masisiguro sa akin na babasahin ito ng kaibigan niya.

I am sure he will. Sa isip ko.

Kaya ng araw ding iyon ay akin itong sinendan ng mensahe. Hihintayin ko na lamang si Neil sa istasyon ng bus. Gusto ko siyang makita. Gustong-gusto. Miss na miss ko na si Neil.

Tumigil ang isang itim na Vios sa harapan ng istasyon ng bus. Niluwa nito si Neil. Agad akong tumakbo patungo sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"I missed you." He told me as he hugged me back tight.

"I missed you too..."

Hindi ko na napigilan ang pag-alpas ng luha sa aking mata. Ganito pala ang magiging epekto sa akin ng hindi namin pagkikita.

"Why aren't you calling me?"

"Francis... Siya ang dahilan kung bakit ako pinauwi ni Kuya Mark. Siya ang kinukulit ni Francis. Ilang araw niya ng tinatawagan ang cellphone ko kaya pinalitan ko ang sim ko. Naiinis ako sa kanya. Sa sobrang inis ko, naputol ko ang sim ko ng hindi nakokopya ang numero mo."

"Why is that son of a bitch bugging the hell out of you?!" Galit na galit na tanong ni Neil sa akin.

"He was sorry and he want us back."

"Damn that bastard! Subukan niya lang!"

"Neil, calm down..." Malambing kong wika at hinagod ang kanyang braso ng aking palad.

"How was being back?" Neil asked.

"Hindi masyadong okay. Bukod sa ang kulit ni Francis e hindi pa kita nakakasama..." Malambing kong sabi.

"Tara na sa bahay niyo! Manliligaw na ako..." He said with determination.

"Not now, Neil... Take it slowly. Kilala ko si Kuya Mark... Huwag muna..."

Sumalamin sa kanyang itim na mga mata ang lungkot. Gustuhin ko man at hindi pa maaari. Masyadong protective si Kuya Mark.

~•~

Author's

Pito hanggang sampung chapters na lamang at patapos na. Yay! Baka mauna ko itong matapos kaya sa The Tale of the European Brothers. Haha. For more stories you can/may visit my profile. Here are the stories featured there: Fixed Marriage with that Gangster, September's In Love, Can I Let You Go Now?, Dela Paz' Virgin Game. Read. Vote and comment. :)

Para Sa Kanya (Dedicated To You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon