27

25 0 0
                                    

"Nagpaalam siya ng panliligaw sa akin at sa mga magulang mo..."

Kuya Mark wasn't shocked at all as he told me what happened before my birthday party began. Sabi pa ni Kuya Mark, mas nagustuhan niya at ng mga magulang ko si Neil kaysa kay Francis kaya naman natuwa ako. At least ngayon, kahit anong oras at maaaring pumunta sa bahay namin si Neil at p'ede na din niya akong ipagpaalam kung gusto naming mag-date.

"Kuya Mark, mag-eenroll na ako next semester..."

Napangiti naman si Kuya Mark sa akin.

Kami na lamang muli ni Kuya Mark ang magkasama sa bahay. Kinailangan na muling bumalik ng aking magulang sa ibang bansa dahil hindi naman nila maaaring iwanan ng matagal ang trabaho nila. Ayos lamang naman iyon sa akin. Nariyan din naman kasi si Kuya Mark para samahan ako.

"Mukhang inspired ka na a?"

"Kinakabahan nga akong pumasok sa school e. Neil's a top student and nasa average section lamang ako."

"Trust me, wala lamang iyon para kay Acneil. He's the most humble person I've met. Mas mayabang pa nga ako sa kanya noon samantalang top five lamang ako!"

Mukhang naging mabuting magkaibigan nga noon si Kuya Mark at Neil. I am glad they were.

Napagdesisyunan kong yayain si Kuya Mark na mag-mall. Matagal na din ng huli ko siyang nakasama at nakapagbonding.

Sari-sari lamang ang pinamili namin. Gusto ko lamang talaga siyang makasama. Samantalang si Kuya Mark ay matagal na noong huling namili ng damit pang-opisina. Sa akin kasi siya nagpapatulong ng pagpili ng damit.

Papunta kami ni Kuya Mark sa Classic Savory para kumain ng makasalubong namin si Neil kasama ang isa pang lalaki. Mukhang kakain din sila. Napansin naman agad kami ni Neil. Binati niya si Kuya Mark matapos ay humarap sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay at dinampian ng halik ang likod nito. Pinamulahan naman agad ako dahil sa ginawa niyang ito. Such sweet gesture had made my heart tumble.

Samantala, binigyan lamang ng kasama ni Neil si Kuya Mark ng tipid na ngiti. Ayon naman sa reaksyon ng mukha ni Kuya Mark ay kakilala niya din ito. Mukhang miyembro din siya ng stem.

Sabay-sabay naman na kaming nagtungo sa Classic Savory. Pinili naming umupo sa pang-apatan. Katabi ko si Kuya Mark at katapat ko naman si Neil at katabi niya ang kasama niyang nagngangalang Henry.

Mukhang tahimik na tao si Henry. Ito siguro ang sinasabi niya sa aking kaibigan niya na shut in. Mukha naman siyang hindi ganoon ka shut in dahil nakikihalubilo din naman siya sa ibang tao.

"Naging makulit ba itong kapatid ko sa Tagaytay, Acneil?" Tanong ni Kuya kay Neil na para bang isa akong batang paslit na inihabilin niya rito.

"Hindi naman. Nag-enjoy akong kasama siya." Sabi nito saka bumaling sa akin at kumindat. Muli na naman akong pinamulahan dahil dito.

Pinapanood lamang kami ni Henry. He will occasionally look at us when we are having conversations then turn his attention back to his food. He sure is not hard to be with but maybe you have to squeeze blood just to have some long conversation with him.

"Henry, you go with the same university with Neil?" I asked him.

Neil eyed me as if signaling that he's his best friend.

"Yes. I guess you, too?" Wika niya. Kay lalim ng kanyang boses. Halatang reserve na reserve ito.

"Yes. Kaya lamang tumigil ako ng isang semester. I am glad to meet you. I believe you are Neil's best friend."

"Yes. I am. Natutuwa din akong makita ka, finally. I know your are special to this man."

Right. Siya nga. At alam na nga niya ang tungkol sa aking kasal.

"Top three ka pa din ba, Henry?"

Napalingon ako ng marahas kay Kuya at bigla kong binalik ang aking atensyon kay Henry. Ang tahimik at misteryosong taong ito ay ang top three ng unibersidad. Wow. Just wow! Pangarap na nga lamang siguro na mapunta ako stem. Mukhang magagaling talaga ang kabilang rito. Sa unang tingin ay hindi mo iisiping sila ay espesyal sa aming paaralan. Pero sila. Sila ang mga geniuses na kabilang sa stem.

"Yeah..." Simpleng sagot nito.

"Someone got in sa pwesto ni Gina..." Neil interrupted.

"Who? Top ano siya dati?"

"Katherine. She's not in the stem before."

"'Di nga?!" Gulat na gulat na tanong ni Kuya.

Nagpatuloy pa ang usapan namin. Umabot ito sa trabaho ni Kuya, sa kumakalat na balita tungkol kay Neil, sa mga magulang ni Neil at ni Henry na hindi ko akalaing kilala ni Kuya Mark.

Maya maya'y may lumapit sa aking babae. Noong una akala namin ay crew lamang ito ngunit pinanlakihan kami ni Neil ng mga mata nang mapagtanto kung sino ito.

"Acneil Villa! I never expected to see you here. Akala ko ba ay nasa Tagaytay ka pa?"

"I just got home, Dra. Aila." Sarkastikong sagot ni Neil rito.

"You must be Stella? It's nice to meet you..." Wika nito at binigyan ako ng mapanlarong ngiti.

May alam siya! Hindi ako sigurado pero ramdam ko.

"Oh... How rude of me to interrupt such nice lunch. I gotta get going. It's nice to meet you all..."

Halos mapaawang ang aking bibig at ni Neil dahil rito.

"Who's that?"

"DRA. Aila. Doctor sa hospital namin."

"Siya ba iyong nai-isyu sa iyo?"

"Yup. But we were just friends..." Depensa niya.

Napalingon ako kay Henry. Nakatingin siya sa akin. Umiling lamang siya sa akin ng maunti, iyong tipong hindi mapapansin ni Kuya Mark.

Binagabag lamang ako ng biglaang pagpapakita ni Aila sa amin. Marahil ay ganoon din si Neil.

"She sure know something..." Iyan ang text sa akin ni Neil. Palihim ko itong binasa upang hindi makita ni Kuya Mark.

We surely are doomed if the secret spill out to everyone.

~•~

Author's

I-pupush ko na ito! Hahaha! Malapit na matapos e

Para Sa Kanya (Dedicated To You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon