32

29 1 1
                                    

The weeks being a wife wasn't a disaster at all. Nag-uusap na din kami ni Kuya Mark. He wasn't angry at all, he told me. He just needed time to process in his mind that the one he's protecting got some other knight. Hindi lamang daw siya sanay na hindi nang-aaway ng kung sinu-sino dahil sa akin.

"You know what, Kuya Mark? You should get a girlfriend."

"Kung makapagsalita ka para iniuulan iyon sa langit. Pasalamat ka at mabuting tao ang natapat sa'yo!"

It took several weeks para maging ganito na ulit kami ka-close ni Kuya Mark. Neil seems to be alright, sabi ni Kuya Mark and he was please to know na tanggap ako wholly ng pamilya ni Neil.

After maipakilala sa family niya, Neil always asked me to go to their place. Though he wanted to, also. He still have no choice dahil parati akong pinapabisita ng parents niya. Aside, nagka-usap na din ang parents namin through Skype. About what, that I don't know. And my parents ORDERED me to obey the Villas as much as I obey them.

"It takes time, though. After all, this must be the reason sa heartbreak ko kay Francis."

"Right. Mas mabuti ng si Acneil kaysa sa hayop na Francis na iyon. Buti na lamang at hindi niya tuluyang nakuha ang loob ng Tito at Tita, kung nagkataon baka maging forbidden love pa ang team nito ni Acneil!" Sabi nito sabay tawa.

Hinampas ko naman siya braso. Inaalaska na naman ako ng loko.

"Sige na, sige na! Pumunta ka na sa bahay ng biyenan mo!"

"Maghanap ka na ng girlfriend mo! I said and hung my tounge out to him. Inirapan naman niya ako. Pikon!

Tulad nga ng sinabi niya ay nagtungo na ako sa bahay ng mga magulang ni Neil. Nais kasi ng mama niya na samahan ko siya habang nagluluto at nagbe-bake siya. Marunong din ako ng usapang pagkukusina ngunit nahihiya naman akong magprisinta na ipagluto sila. Magaling kasi ang ina ni Neil magluto. Masarap lahat ng putaheng inihahanda niya sa hapag which made me think na chef siya. Baka kasi hindi nila magustuhan ang luto ko lalo pa at hindi naman ako kagalingan.

Hindi ako naihatid ni kuya Mark dahil kailangan na niya ding asikasuhin iyong mga bagay na kailangan niyang tapusin. Nagjeep na lamang ako patungo sa bahay nila Neil. Bumaba ako dalawang kanto ang layo sa kanila. Hindi kasi dumadaan ang jeep sa mismong kanto papunta kila Neil.

Nanalangin ako na may tricycle akong maaring sakayan patungo sa kanila but to my bad luck, wala. Kaya naman napilitan akong maglakad patungo kila Neil. Nagsisisi akong hindi ko dinala ang payong ko, napakainit ng panahon.

Nang makarating ako sa unang kanto ay unti-unti akong nakaramdam ng sakit ng ulo at waring bumabaliktad ang sikmura ko. Walang ano ano'y tumaas lahat ng kinain ko sa lalamunan at inilabas ko ito. Nakakahiya naman kung may makakakita sa akin. Matapos ay pakiramdam ko ay nagutom akong ulit. Ang pangit pa ng lasa ng bibig ko. Masakit pa din ang ulo ko. Mabuti na lamang ay may dumaan ng tricycle.

Agad akong sinalubong ng mommy ni Neil pagkarating na pakarating ko sa kanila. She's very nice to me kaya hindi ko din matanggihan ang inbitasyon niya na pumunta ako sa kanila.

"Maputla ka ata, hija? May sakit ka ba? Sana sinabi mo para hindi na kita pinilit pumunta dito."

"Ayos lang po ako. Masyado lamang mainit ang panahon."

"Ganoon ba? Akala ko buntis ka. Nag-imagine lang na naman ako. Gusto ko na kasi talaga magkaapo."

Buntis? My period is late. I had hard time getting out of bed in the morning. Pero hindi naman siguro ako buntis.

I reminisce the time I did it with Neil. We never used protection. I was never on pills and he didn't withdraw it. Is it possible? Naisip din kaya ni Neil ang posibilidad?

Para Sa Kanya (Dedicated To You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon