Isang masaganang palakpakan ang kumawala sa mga estudyante matapos pakinggan ang speech ng kanilang principal.
Sa araw na ’to ang kanilang graduation, at makikita ang saya at excitement sa mukha ng bawat estudyante, dahil sa wakas ay gagraduate na rin ng highschool, panibagong pagsubok na naman ulit sa kolehiyo.
“Congratulations to everyone who graduated from this academy! Best wishes for your future studies in college. Just keep striving to achieve your dreams!”
Naghiyawan na ang mga estudyante at inihagis na ang kanilang mga toga cap.
“Congrats, Lea!”
“Congrats, Jane!”
“Congrats din sa ’yo, Andy!”
“Congrats sa ating lahat!”
Niyakap ni Andy ang kaniyang mga magkakaibigan at muli nilang binati ang isa’t isa nang may ngiti sa labi.
“Oh my gosh! College na tayo next year! I’m so excited na agad! Hoy basta ha, same university tayo, sa Lerem University, walang iwanan!”
“Oo naman, walang iwanan!”
Muling nagsitili ang mga magkakaibigan sa labis na saya at nag-promise sa isa’t isa na sa iisang university lang sila papasok ng college, para kahit hindi magkapareho ng kursong kukunin ay makikita pa rin nila ang isa’t isa dahil nasa iisang school lang sila.
Naiwang mag-isa si Andy sa kaniyang kinatatayuan nang magsipuntahan na ang kaniyang mga classmates sa magulang ng mga ito na may mga dala pang flowers sa mga anak.
Nilibot ni Andy ang kaniyang tingin sa buong paligid ng campus sa pag-asang makikita niya ang kaniyang hinahanap. Pero wala, bigo siya, dahil hindi niya pa rin mahagilap ni anino ng kaniyang mga magulang.
Nakaramdam si Andy ng lungkot. Ano pa nga ba ang inaasahan niya? Dapat masanay na siya na wala siyang halaga sa kaniyang pamilya. Graduation niya ngayon pero wala man lang ni isa ang pumunta sa pamilya niya. Mabuti pa ang lahat ng mga kasama niyang nag-graduate ay kumpleto ang pamilya ng mga ito at may pa flowers pa sa mga anak with money garland. Nakapasuwerte ng mga ito sa mga magulang, samantalang siya ay napakamalas naman.
“Ako lang talaga itong mag-isa na parang walang pamilya,” pagsimangot ni Andy na parang maiiyak na, pero sa huli ay pinilit na lang ngumiti dahil sanay na rin naman siya na palaging wala ang kaniyang pamilya kapag kailangan niya.
Ganito rin ang nangyari noong graduation niya sa elementary, kasali rin siya sa with honors, kaso wala man lang dumating ni isa sa pamilya niya, wala ang daddy at mommy niya kasi busy ang mga ito sa dalawa niyang kapatid, nagkasabay kasi ang graduation nilang magkakapatid at nagkataon na nasa ibang school ang mga ito nag-aaral, kaya walang dumating para sa kaniya noong araw na ’yon— meron pala, ang pinsan niyang si Jerome, anak ng kapatid ng kaniyang Mommy. Ang Kuya Jerome niya ang nagsabit sa akin kaniya ng medalya noong araw na ’yon at binigyan pa siya ng malaking teddy bear and imported chocolates, kaya kahit wala ang parents niya noon ay naging masaya naman kahit papaano ang araw ng graduation niya.
Pero ngayon, wala ang Kuya Jerome niya dahil nasa Canada na ito, doon na kasi ito nagtatrabaho.
Gayunpaman ay hindi siya puwedeng malungkot dahil graduation niya. Siguro ay iisipin na lang niya ngayon na busy lang ang kaniyang mommy at daddy sa trabaho kaya hindi nakapunta. Secretary kasi ang kaniyang Mommy sa isang malaking kumpanya, at manager naman ang kaniyang Daddy sa isang five star hotel.
“At least may medalya naman ako kahit wala ang parents ko. Ano naman ngayon kung may pa-flowers sa kanila ang mga parents nila? Duh!” pagtataray na lang ni Andy sa kaniyang sarili at nilabas na lang ang kaniyang cellphone.
BINABASA MO ANG
The Psychopath In His Throne
General FictionMay kaya sa buhay ang pamilya ni Andy. Isang secretary ang kaniyang Ina sa isang malaking kumpanya na pag-aari ng mga Arcazshde. Ngunit may kaya man sa buhay ang kaniyang pamilya, hindi naman siya nabibilang dito. Dahil parang isang kaaway ang turin...