MAGKASAMA silang apat nag-lunch nang sumapit ang tanghali. Nakabusangot ang mukha ni Jessica, habang sweet naman si Stanley kay Andy na panay ang asikaso. At si Vaun ay walang pakialam sa paligid dahil sarap na sarap ito sa pagkain na akala mo'y siya lang mag-isa sa hapag ang nagmumukbang.
“Napakasigla mo yata ngayon, Dreco,” puna ni Stanley na hindi na nakatiis pa.
Doon ay napahinto si Vaun, hanggang sa nagsalubong na ang mga kilay nito at nag-angat na ng tingin. “Why? Bawal na ba ako maging masigla kumain? Ano'ng gusto mo, mag-diet ako sa harap mo?” pabalik na sagot nito at napairap pa na tila nainis. “Huwag mo nga akong pakialaman, Stanley,” dugtong pa nito bago muling kumuha ng shrimp at sinubo sa bibig.
Napakurap na lang si Stanley at hindi na pumatol pa, ngumiti na lang sa kasintahan at kinuha ang isang natirang shrimp bago nilagay sa plato ni Andy. Pero pagkalagay ay mabilis din itong tinusok ng tinidor ni Vaun at diretsong sinubo sa bibig.
Hindi makapaniwalang napaangat ng tingin si Stanley sa kaibigan, kahit si Andy ay parang nagulat din. Maliban kay Jessica na hindi na nakapansin pa dahil nakabusangot lang ito sa kaniyang plato.
“Oh, nong problema niyong dalawa? Ang sama niyo yata makatingin, ah?” pagtaas ng kilay ni Vaun at nahinto ang pagngiwa sa pagkaing nasa bibig.
“Inubos mo na lahat ng shrimp, hindi man lang nakatikim ang girlfriend ko kahit isa,” sagot naman ni Stanley na parang hindi makapaniwala.
Natawa naman si Vaun. “I love shrimp. Kasalanan ko ba kung babagal-bagal kumain ’yang girlfriend mo?” Napailing-iling na lang ito at muli nang pinagpatuloy ang kain.
Natigilan si Stanley, bahagya nang nangunot ang noo at sandaling napatitig sa kaibigan na may pagtataka. Pero kalaunan ay napailing na lang ito at nginitian na lang muli ang kasintahang nasa tabi.
Matapos mag-lunch ay hindi mapakali si Stanley sa loob ng kaniyang kuwarto, dahil parang bigla siyang nanibago kay Dreco. Pakiramdam niya ay may kakaiba, parang may mali.
“No, impossible.” He shook his head.
Pero hindi pa rin siya nakumbinsi at pinuntahan niya sa kuwarto si Dreco. Hindi na siya kumatok pa at diretso nang binuksan ang pinto nito na hindi naman naka-lock. Naabutan niya itong nakasandal sa headboard ng kama at nakatutok sa laptop.
“Yes, Stan?” tanong nito sa kaniya nang hindi man lang siya tinapunan ng tingin dahil nakakatutok pa rin ang mga mata sa nakabukas na laptop.
Lumapit si Stanley sa kama at sumilip sa laptop. Isang video game pala ang nilalaro ng kaibigan.
“Ngayon ka lang ulit naglaro niyan, akala ko ba ayaw mo sa game na ’yan at in-uninstall mo na?” puna niya rito nang nakakunot pa ang noo.
“Wala akong magawa, kaya heto, pinagtiyagaan ko na lang,” sagot naman ni Vaun habang patuloy pa rin ang mabilis na paggalaw ng mga daliri sa keyboard.
Napatingin na lang si Stanley sa laptop. Hanggang sa hindi na nakatiis at bigla na lang sinara ang laptop.
“What the— ano bang prob—” Napahinto naman si Vaun sa pagtaas sana ng boses. Hanggang sa napatikhim na lang ito at pinakalma na lang ang sarili bago tiningala na si Stanley. “Ano ba’ng kailangan mo?”
Napatitig naman si Stanley sa mata ng kaibigan, pinag-aralan kung may kakaiba ba sa mga tingin nito. Pero parang normal naman, wala naman siyang nakita na kahina-hinala.
“Umamin ka nga sa akin, Dreco. May problema ba?” he asked.
Nangunot naman ang noo nito sa kaniya. “Problem? What’s the problem?” pabalik nitong sagot na may pagtataka.
BINABASA MO ANG
The Psychopath In His Throne
General FictionMay kaya sa buhay ang pamilya ni Andy. Isang secretary ang kaniyang Ina sa isang malaking kumpanya na pag-aari ng mga Arcazshde. Ngunit may kaya man sa buhay ang kaniyang pamilya, hindi naman siya nabibilang dito. Dahil parang isang kaaway ang turin...