HAPONG-HAPO si Andy nang makabalik sa kaniyang kuwarto mula sa pagtakbo galing sa kuwarto ni Dreco.
Napasandal siya sa nakasaradong pinto at natulala ng ilang sandali habang habol ang kaniyang paghinga. Wala sa sarili siyang napahaplos sa kaniyang ibabang labi. Pakiramdam niya ay nakalapat pa rin ang labi ni Dreco sa kaniya, dahil parang ramdam niya pa rin ang malambot nitong labi na humahalik sa labi niya. Iyon ang unang pagkakataon na mahalikan siya sa labi, kaya talagang nagulat siya. Hindi niya alam na gano'n pala ang pakiramdam ng mahalikan sa labi, ibang-iba kumpara sa simpleng halik lang sa pisngi.
Pero hindi siya makapaniwala na nagawa siyang halikan ni Dreco nang gano'n, hindi lang simpleng halik kundi sa labi mismo at sinipsip pa ang ibabang labi niya.
“Hindi. Hindi maaari, umalis ka sa isipan ko!” Marahas niya ipinilig ang kaniyang ulo at mabilis nang pumasok ng bathroom. Agad niyang hinugasan ng tubig ang kaniyang labi at diretsong nagmugmog ng mouthwash.
Pero kahit nakapaghugas na siya ng bibig ay hindi pa rin siya mapakali, balisang-balisa pa rin siya dahil sa nangyaring halik, parang hindi na mawala pa sa isipan niya. Pakiramdam niya nagulo na ang buong sistema niya dahil lang sa halik na ’yon na masyadong pangahas.
Napagdesisyonan niyang hindi na lang muna lumabas sa kuwarto kahit na hindi pa siya nakakapag-almusal.
Pero makalipas ang ilang minuto ay may kumatok sa kuwarto niya. Parang bigla siyang nataranta at nanlaki ang mga mata.
“S-sino ’yan?”
“Ako ’to! Buksan mo ang pinto!” galit na sagot ng boses ni Jessica mula sa labas.
Kahit papaano ay para naman siyang nakahinga ng maluwag at binuksan na lang ang pinto. Ngunit pagbukas niya ay bigla na lang pumasok si Jessica at agad na hinablot ang kaniyang buhok.
“Ang kapal ng mukha mong malandi ka! Ako na lang palagi lahat ang gumagawa! Napupuno na ako sa ’yo!” Sinabunutan na siya nito gamit ang dalawang kamay.
“Ano ba, Jessica!” Malakas naman niya itong itinulak, dahilan para mabitiwan nito ang kaniyang buhok at tumama ang likod nito sa pinto.
Napangiwi si Jessica sa sakit.
“Ayan, ikaw kasi eh, nanabunot ka.” Parang bigla naman siyang nakaramdam ng awa rito dahil mukhang napalakas ang pagtama ng likod nito. “Huwag ka nang magalit pa, ako na lang ang magluluto ng lunch at dinner, kahit ’wag ka nang tumulong.”
“Talaga lang! Dahil marami pa akong lilinisan at lalabhan na mga bedsheet!” Akmang susugurin na muli siya nito para sabunutan, pero mabilis niyang nahawakan ang dalawa nitong pulsuhan.
“Stop it, Jessica! Gusto mo bang maparusahan ulit tayo ni Sir Dreco? Magagalit na naman ’yon kapag nakitang nagkakagulo tayo!”
“Andy!” puno ng gigil nitong sambit sa kaniyang pangalan at nanlisik pa ang mga mata. “May araw ka rin sa akin, malandi ka!” Inagaw na nito ang braso at pinukol pa siya ng masamang tingin bago lumabas na ng kuwarto.
Napabuga na lang si Andy ng hangin at lumabas na rin para makapag-asikaso ng mga dapat gawin. Pasilip-silip pa siya nang bumaba, kinakabahan na baka makasalubong niya si Dreco.
Pagkapasok niya ng kitchen ay nakita niyang nakatambak pa ang mga hugasin at may mga kalat pa sa ibabaw ng table ba mga ginamit sa pagluluto. Kaya naman nilinis na lang niya nang mag-isa at nag-almusal muna bago hinugasan ang mga plato. Pero kasalukuyan na siyang nagpupunas sa mga plato nang bigla na lang may isang braso ang yumakap sa kaniyang baywang mula sa likuran sabay halik sa kaniyang pisngi. Nabigla siya at biglang nabitiwan ang plato, mabuti na lang ay hindi nasabag.
BINABASA MO ANG
The Psychopath In His Throne
General FictionMay kaya sa buhay ang pamilya ni Andy. Isang secretary ang kaniyang Ina sa isang malaking kumpanya na pag-aari ng mga Arcazshde. Ngunit may kaya man sa buhay ang kaniyang pamilya, hindi naman siya nabibilang dito. Dahil parang isang kaaway ang turin...