PINAGPAWISAN ng malagkit si Vaun sa kakatago sa loob ng closet. Tiniis niya kahit naiinip na at nangangawit na sa loob. Pero sa tagal ng dalawa manood ay nakatulugan na lang niya ang pagtatago.Nang magising ay parang nagulat pa si Vaun at agad na napakapa sa kaniyang sarili, kinurot-kurot pa ang kaniyang pisngi.
“Damn. I’m still here!” Natawa na lang siya nang mapagtantong si Vaun pa rin siya.
Mabilis na siyang lumabas ng closet habang basang-basa na ng malagkit na pawis. Paglabas niya ay nakita niya na mahimbing nang natutulog si Andy sa kama nito at wala na si Stanley.
Lumapit siya sa kama at umakyat, tumabi sa babaeng tulog. Ilang sandali niyang pinagmasdan ang maamo nitong mukha, hanggang sa hindi na niya napigilan ang mapahaplos sa makinis nitong pisngi.
“Mukhang ikaw ang dahilan ng hindi ko pa pag-alis.” Napangisi siya, pero nang bumaba ang tingin sa labi ni Andy ay bigla siyang napahinto at napalunok na lang bigla, pakiramdam niya ay bigla siyang natuyuan ng lalamunan. Hanggang sa hindi niya natiis at nilapat na ang kaniyang labi sa labi nito. He kissed her as he closed his eyes. Napangisi na lang siya matapos magnakaw ng halik at inayos na ang pagkakakumot nito.
“Ayoko pang bumalik agad. Tatrabahuhin na lang kita nang paunti-unti. Goodnight.” Lumabas na siya ng kuwarto nito.
NAGISING naman si Andy kinabukasan na mag-isa na lang sa kama. Nang maalala si Vaun ay napabalikwas siya agad ng bangon at napatakbo sa closet. Pero pagbukas niya ay wala na ito roon. Natigilan siya at pinakaramdaman ang sarili, pero wala naman siyang maramdaman na kakaiba sa kaniyang katawan. Kaya kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag. Nang mapatingin siya sa orasan ay 05:21 pa lang, masyado pang maaga.
Naghilamos na siya sa bathroom at nag-toothbrush. At dahil gusto niyang makabawi naman kay Jessica ay bumaba na siya ng kuwarto at pumasok ng kitchen para maghanda ng magiging almusal mamaya.
Nagluto siya ng pancake, nagprito ng itlog at bacon. Pero nang kasalukuyan na siyang nagpiprito ng sausage ay bigla na lang siya napahinto nang may dalawang braso ang bigla na lang yumakap sa kaniyang baywang.
“Good morning,” mahina nitong bulong sa kaniya at hinalikan pa siya sa pisngi.
Andy couldn't help but smile. “G-good morning din sa ’yo, Stan,” sagot niya na nautal pa at napakagat na lang sa labi. She blushed again.
Kaya ang nangyari, habang nagluluto siya ay nakayakap pa rin sa kaniya ang dalawang braso. Kahit saan siya kumilos ay hindi ito bumitaw at nakayakap lang sa kaniya na parang linta. Napapangiti na lang siya nang panay pa ang halik nito sa kaniyang pisngi at siniksik ang mukha sa kaniyang leeg. Hindi niya tuloy mapigilan ang makiliti pero napangiti na lang siya.
Nang matapos magluto ay naghain na siya sa dining room. Pero hindi siya makapaghain ng maayos dahil sa pagyakap sa kaniya.
“Stan, b-bumitaw ka muna.”
“Ayoko, my love. Nilalamig ako,” bulong nitong sagot sa kaniya at mas lalo pa siyang niyakap, tila ayaw talaga bumitaw pa.
“Uhm.” Hindi na alam ni Andy ang isasagot, kaya naman wala na siyang nagawa kundi hayaan na lang.
Habang naghain ng pagkain ay nakayakap pa rin sa kaniya ang mga braso at panay nakaw halik sa kaniyang pisngi. Napapangiti na lang si Andy. Hindi niya alam na ganito pala kakulit do Stanley maging boyfriend. Pero aminin niya, kinikilig siya, tumatalon ang puso niya sa tuwa at saya.
“Ang sarap mo palang yakapin, Andy ko,” muli pa nitong bulong sa kaniya.
Napangiti na lang siya at muling nag-init ang pisngi.
BINABASA MO ANG
The Psychopath In His Throne
General FictionMay kaya sa buhay ang pamilya ni Andy. Isang secretary ang kaniyang Ina sa isang malaking kumpanya na pag-aari ng mga Arcazshde. Ngunit may kaya man sa buhay ang kaniyang pamilya, hindi naman siya nabibilang dito. Dahil parang isang kaaway ang turin...