Pagkakita ni Stanley sa kaibigan ay agad niya nitong hinaklit sa kuwelyo patayo at hinila papunta sa isang sulok ng club, malakas niya itong isinandal sa may pader. Nagsitayuan naman ang limang kaibigan nito, pero agad nitong sinenyasan na huwag makialam.
“Who are you?” puno ng diin nang tanong ni Stanley. “Who the hell are you!” he shouted.
Natawa naman si Vaun, umarko ang isang kilay at ngumisi ang labi. “Who am I? Who do you think I am?” pabalik nitong sagot.
Humigpit ang hawak ni Stanley sa kuwelyo ng kaibigan at tinitigan ito sa mata. “Vaun. You’re Vaun.”
“Correct.” Vaun smiled.
“And why are you here? Bakit ka lumabas?”
“What do you think? Bakit nga ba ako lumabas?” ngisi pa rin nitong sagot na parang nang-aasar pa.
“Tell me the reason!” Stanley shouted again.
“Para bawiin ’yong babaeng pinamigay sa ’yo ng mahina at torpe na si Dreco!” sigaw na pabalik naman ni Vaun.
“W-what?” Natigilan si Stanley, nagulat sa nakuhang sagot.
Vaun grinned. “Yes, you heard it right. He likes Andy, pero dahil duwag siya, pinamigay na lang ng tanga. But look what happened, he couldn't handle it; he was very jealous to the point that he called me to come out, so I could solve the problem for him. That's why I'm here.” He laughed sarcastically. “I'm here to help your loser friend!” And he laughed again.
Hindi na nakasagot si Stanley, dahil hindi na siya makapaniwala. No, hindi maaari. Nag-uusap na sila ni Dreco tungkol kay Andy at nagkasundo. Kaya imposibleng ito ang naging dahilan ng paglabas na naman ng iba nitong personality.
“Ano na? Natahimik ka? Hindi ka ba makapaniwala na gusto rin pala ng kaibigan mo ang babaeng gusto mo?” pagngisi ni Vaun at tinabig na nito ang kaniyang kamay nakahawak sa kuwelyo ng damit nito.
“Huwag mong idamay si Andy sa paglabas mo. Binabalaan kita. Kahit nasa katawan ka pa ni Dreco, hindi kita sasantohin kapag pinakialaman mo ang girlfriend ko,” he warned.
Muli ay natawa si Vaun nang marinig nito ang kaniyang babala. Pero nginisian lang siya imbes na sagutin.
Stanley just let out a sigh, trying to calm himself. No, hindi siya maaaring magpadala sa kaniyang emosyon. Kailangan niyang kumalma.
“Let’s go home. Tita Felia is summoning you to the mansion.” Tinalikuran na niya si Vaun matapos sabihin iyon.
“Oh, Mr. Psychiatrist, so sad for you. But you're already late! Dahil pinakialaman ko na ang Andy mo!” pahabol nito sa kaniya imbes na sumunod.
Napahinto bigla si Stanley at napalingon.
Muli ay ngumisi sa kaniya si Vaun. “I kissed her soft lips many times. But I guess you haven't kissed her yet because she doesn't seem to know how to kiss. So bad, naunahan kita; ang hina mo naman kasi, nasobrahan ka sa pagka-gentleman. Pero huwag kang mag-alalala next time, I will teach her how to kiss properly, para kapag handa ka nang halikan siya, marunong nang sabayan ka. Hahahaha!” Malakas na itong humalakhak.
Nagpintig na ang tainga ni Stanley at tuluyan nang hindi nakapagtimpi dahil mabilis nang lumapit sa kaibigan at sinalubong ito ng suntok sa mukha.
Sa lakas ng suntok ay muntik nang bumagsak si Vaun. Natatawa na lang nitong pinunasan ang gilid ng dumugong labi. “Come on, Mr. Psychiatrist. Huwag ka nang magalit, dahil ginawa ko lang naman ang trabaho ko.”
BINABASA MO ANG
The Psychopath In His Throne
Ficción GeneralMay kaya sa buhay ang pamilya ni Andy. Isang secretary ang kaniyang Ina sa isang malaking kumpanya na pag-aari ng mga Arcazshde. Ngunit may kaya man sa buhay ang kaniyang pamilya, hindi naman siya nabibilang dito. Dahil parang isang kaaway ang turin...