CHAPTER 9

24 3 1
                                    


NANG sumapit ang 3 p.m. ay umalis nga si Andy at Stanley sakay ng black BMW 7 na pag-aari ni Stanley.

Suot ni Andy ang kaniyang yellow summer sundress na pinarisan lang niya ng white flat sandals, at itinali lang niya ang kaniyang hanggang baywang na buhok. Habang si Stanley naman ay naka-semi formal outfit; nakasuot ng green long sleeve polo with white pants na may belt, and black leather shoes. He looks very neat and handsome, naka-wax pa ng maayos ang short hair nito.

Tahimik lang si Andy sa biyahe, at kunwari ay patingin-tingin lang sa labas kahit na ang totoo ay pinaghalong excitement at nerbiyos ang kaniyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Nanunuot pa sa kaniyang ilong ang napaka-manly na amoy ng pabango ni Stanley na talaga namang napakabango.

“Andy,” mahinang pagtawag na sa kaniya ni Stanley habang nagmamaneho ito.

“Yes po, doc?”

“May gusto ka bang puntahan?” he asked.

Napaisip naman siya sa tanong nito. Gusto niya sanang dumalaw sa bahay ng kaniyang parents, pero naisip niyang malayo pa pala dahil nasa Mandaluyong pa, at parang wala naman siyang dadalawin doon kung sakali dahil wala naman pakialam ang mga ito sa kaniya, katunayan nga ay binenta na siya.

“Wala naman po, doc,” sagot niya na lang.

“Bilhin, may gusto ka bang bilhin?” Stanley asked again.

Umiling siya. “Wala naman po, doc— ah meron po pala. S-sanitary napkin po k-kasi malapit na rin po pala ang kabuwanan ko.” Medyo nahiya pa siya sa pagsabi.

Napatikhim na lang si Stanley at hindi na nagtanong pa.

Makalipas ang mahabang biyahe ay dumating na sila sa isang shopping mall sa Lipa Batangas. Pumasok sila ni Stanley nang hawak pa nito ang kaniyang kamay, kaya hindi mapigilan ni Andy ang pamulahan ng pisngi.

Pagkapasok nila sa loob ng shopping mall ay kumuha si Stanley ng isang cart at agad na siya nitong dinala sa mga nakahilirang skincare.

“Saan diyan ang ginagamit mo? What brand?” he asked.

“Ah, h-hindi po ako gumagamit ng mga skincare, doc. Tamang pulbo lang po ang gamit ko at sabon na panghilamos,” mahina niyang sagot, dahil totoo naman.

Tumango-tango lang si Stanley at dinampot na ang isang box ng face serum.

“This one is good for your face,” wika nito matapos basahin ang nakasulat, at nilagay na sa cart ang face serum. Hanggang sa naging sunod-sunod na ang pagdampot nito ng iba pang skincare at pinagbasa muna bago nilagay sa loob ng cart.

Tahimik lang si Andy habang nanatiling nakatayo at nakatingin. Pero sa isipin na para sa kaniya ang mga piniling skincare ni Stanley ay hindi niya mapigilan ang matuwa. Ang totoo ay gustong-gusto niya rin naman talaga gumamit ng mga skincare dati pa, katulad ng dalawa niyang kapatid, pero hindi puwede kasi wala naman siyang pera pambili, at hindi naman siya binibilhan ng kaniyang mommy.

“This one is good for your eyes, gamitin mo kapag napuwing ka,” muling wika ni Stanley nang damputin ang isang pakete ng eye drops at nilagay sa cart. Sa lipstick ay binasa rin ang nakasulat bago kinuha lahat ng klase ng kulay at nilagay sa loob ng cart.

Hanggang sa huminto sila sa mga nakahilirang feminine wash.

“Gumagamit ka ba niyan?”

Medyo nabigla si Andy.

“Y-yes po, doc,” nahihiya niyang sagot. Pinamulahan na naman siya. Nag-init na naman ang pisngi niya.

Kumuha na si Stanley ng isang malaking bote ng feminine wash at nilagay na rin sa loob ng cart. Hanggang sa napunta na sila sa mga nakahilirang sanitary napkin.

The Psychopath In His Throne Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon