DUMATING si Damon pabalik sa kaniyang teritoryo sakay ng kotse at kasama na ang walang malay na si Andy.
“Boss, may nahanap ka na bang pandagdag sa apat na babae?” salubong sa kaniya ni Seven pagkapasok niya ng mansyon.
“Nasa loob ng kotse, kunin mo at ikulong sa basement. Bukas ng gabi na tayo aalis para makipagkita kay Mr. Go,” sagot niya at dumiretso na sa kaniyang kuwarto.
Agad siyang naligo sa loob ng bathroom para maalis ang dumi sa kaniyang katawan dahil sa kakahabol kanina kay Andy. Hindi niya aakalain na mabilis pala itong tumakbo. Mas lalo tuloy sumakit ang isang paa niya. Kaya hindi niya mapigilan ang pagkainis.
Matapos maligo ay nagulat pa si Damon nang sumalubong agad sa kaniya si Seven paglabas niya sa pinto ng bathroom.
“Boss, napakaganda pala ng babaeng nakuha mo. A-ano kaya kung huwag na lang natin siya ibigay kay Mr. Go. Sayang naman. Akin na lang siya, boss,” nakangiti nitong bungad sa kaniya na puno ng excitement.
Nangunot naman ang noo ni Damon at napahinto sa pagpupunas ng basang buhok gamit ang white towel. “May pamalit ka?”
“Wala, boss. Pero hahanap ako!”
Napangisi siya at pinagpatuloy na ang pagpupunas ng buhok. “Wala na tayong oras para maghanap ka pa ng iba. Apat nga lang ang nakuha mong menor-de-edad sa club.”
“Eh kasi boss, nasa lagpas biente na ang edad ng karamihan sa mga babae nila. Apat lang ang menor-de-edad!”
“Exactly. Kung hindi pa ako naghanap ng isa, hanggang ngayon ay kulang pa rin.”
“Sige na, boss, akin na lang ’yong babaeng dala mo,” pamimilit pa rin ni Seven.
“Huwag mo nang ipilit pa ang hindi na puwede. Hahanapan na lang kita ng mas maganda pa sa babaeng ’yon.”
“P-pero siya ang gusto ko, boss.”
“Matulog ka na, malalim na ang gabi.”
Napasimangot na lang si Seven at parang biglang sumama ang loob. Pero hindi na lang ito nagpumilit pa kahit na parang gusto pang umangal. Lumabas na lang ito ng room na may pagtatampo.
MULA sa basement, sa loob ng bakal na kulungan, naalimpungatan naman si Andy nang makarinig ng mga boses babae na tila nag-uusap.
“Huwag kayong mag-alala, ang sabi ay hindi naman tayo papatayin kundi ibebenta lang tayo sa mayayaman. Ibig sabihin, yayaman na rin tayo. Kasi isipin niyo kung mapupunta tayo sa matatandang mayaman, tapos ma-i-in-love sa atin, then ibibigay ang mga gusto natin. Tapos kapag namatay sila, sa atin mapupunta ang lahat ng kanilang mga kayamanan!”
“Pero paano kung gagawin lang tayong sex-slave?”
“Ano naman ngayon? Big deal ba ’yon? Bakit, ano bang trabaho natin sa club? Sex slave naman, ’di ba? Kaya ano pa ang inaarte-arte natin, pasalamat na nga tayo ay nakaalis pa tayo sa impyernong club na ’yon na tanging pagkain lang ang pinapasahod sa atin at sinasaktan pa tayo kahit sa konting pagkakamali lang.”
“Sabagay, tama ka.”
“Ang kailangan na lang natin gawin ngayon ay magpaganda kapag mapunta na tayo sa mayayaman. Suwerte na natin ’to!”
Napabalikwas na ng bangon si Andy nang makita ang apat na babaeng nag-uusap. Nagulat siya nang ilibot niya ang kaniyang tingin sa buong paligid at napagtantong nasa loob siya ng isang bakal na kulungan.
“N-Nasaan ako?” Nataranta na siya at biglang kinain ng takot nang maalala ang huling pangyayari kung saan hinabol siya ni Damon sa kakahuyan. “Nasaan si Sir Dreco? At kayo, sino kayo?!”
BINABASA MO ANG
The Psychopath In His Throne
General FictionMay kaya sa buhay ang pamilya ni Andy. Isang secretary ang kaniyang Ina sa isang malaking kumpanya na pag-aari ng mga Arcazshde. Ngunit may kaya man sa buhay ang kaniyang pamilya, hindi naman siya nabibilang dito. Dahil parang isang kaaway ang turin...