DALAWANG araw na ang ginagawang paghahanap ni Stanley sa kaibigan, pero hindi pa rin niya ito mahanap, gano’n din kahit ’yong mga inutusan niya, at iba pa ang mga tauhan ni Senyora Felia. Hindi lang sa buong Batangas ang nangyaring paghahanap, kundi pati na sa buong Maynila may pinakalat na ang senyora na maghahanap nang palihim, ngunit ni isa sa mga ito ay bokya, walang mahanap.
Hindi mapigilan ni Stanley ang mag-alala para sa kaibigan.
Naiwan naman si Andy at Jessica sa kastilyo.
“Napakalandi mo talaga! May boyfriend ka na pero sumama ka pa kay Sir Dreco para lang malandi mo!” inis na sabi ni Jessica habang hawak ang tissue at pinupunasan ang pagdugo ng ilong.
“Ilang beses ko bang sasabihin sa ’yo na niloko niya ako kaya ako napilitang sumama! At walang nangyari sa amin!” inis naman sagot ni Andy habang kasalukuyan ding pinupunasan ang dumugo na ilong gamit din ang tissue.
Katatapos lang nila magsabunutan ni Jessica, kaya parehong dumudugo ang kanilang mga ilong at magulo rin ang mga buhok. Pinatulan na niya ito, dahil kung hindi ay kawawa siya.
“Sinungaling! Ang sabihin mo, malandi ka lang talaga! Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan sa ’yo ni doc, eh hindi ka naman kagandahan!” ismid ni Jessica na gigil na gigil pa rin.
Napangisi naman si Andy. “Magugustuhan ba niya ako kung hindi naman ako kagandahan? Maybe you're the one who isn't pretty. You have big boobs, pero napakalaswa naman tingnan! Eww!” She laughed and rolled her eyes with disgust.
Nanlaki naman ang mga mata ni Jessica at agad na napatayo. “Ikaw!” Akmang susugurin na siya ulit nito pero agad din itong napahinto. Mukhang nakaramdam na ito ng takot sa kaniya dahil pinatulan na niya. “May araw ka rin sa akin!” banta na lang nito at lumabas na ng kitchen.
Napabuntonghininga na lang si Andy at napailing. Nang mapatingin siya sa orasan na nakasabit sa loob ng kitchen ay 09:23 PM na. Lumalalim na ang gabi pero hindi pa rin nakakabalik si Stanley.
Bumalik na lang siya sa kuwarto at doon na lang naghintay.
Sumapit ang hatinggabi, hindi pa rin dumating si Stanley. Pinilit pa rin ni Andy hindi makatulog, dahil hindi pa siya nakakapag-dinner, gusto niyang sabay nila ni Stanley pagkauwi nito. Ang sabi nito sa kaniya ay uuwi agad bago mag-alas nuebe, pero alas dose na wala pa ito. Kung may cellphone lang sana siya ay gusto niya itong tawagan na para malaman kung ano na ang nangyari at bakit ginabi na ito. Pero wala siyang magawa kundi ang maghintay na lang dahil wala naman siyang cellphone.
Lumipas ang ilang sandali, napapahikab na siya at inaantok na. Pero parang hinila bigla ang antok niya nang makarinig ng tunog ng paparating na sasakyan mula sa labas.
“Stan!” Mabilis siyang napatakbo sa bintana at sumilip sa baba. Nagliwanag ang mukha niya nang makita ang pagdating ng isang itim na kotse.
Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at patakbo nang lumabas sa kaniyang kuwarto.
Pagkababa ay diretso siyang lumabas at nagtungo sa garahe. Ngunit pagdating niya roon ay agad siyang napahinto nang makitang hindi si Stanley ang bumaba ng kotse kundi si Dreco.
Napahinto ito pagkakita sa kaniya at tiningnan siya.
“S-sir, kayo po pala. H-hindi niyo po ba kasama si doc?” tanong ni Andy na hindi mapigilan ang mautal. Parang bigla siyang kinabahan sa hindi malamang dahilan.
“What’s your name?” tanong nito sa kaniya imbes na sagutin ang kaniyang tanong.
Napalunok na si Andy at napatingin sa mga mata ni Dreco. Biglang pumasok sa isip niya ang sinabi ni Stanley kung paano makilala ang mga katauhan ni Dreco; si Damon ay mahilig maglagay ng eyeliner sa mata, kaya laging itim ang mga mata nito. At ngayon ay kulay itim nga ang mga mata ng Dreco na nakatayo sa harap niya. Nakasuot ito ng white t-shirt na panloob na pinatungan ng red leather jacket.
BINABASA MO ANG
The Psychopath In His Throne
General FictionMay kaya sa buhay ang pamilya ni Andy. Isang secretary ang kaniyang Ina sa isang malaking kumpanya na pag-aari ng mga Arcazshde. Ngunit may kaya man sa buhay ang kaniyang pamilya, hindi naman siya nabibilang dito. Dahil parang isang kaaway ang turin...