CHAPTER 24

26 4 0
                                    

NAKATULOG si Andy sa paghihintay sa loob ng kotse. Naalimpungatan lang siya nang marinig ang pagbukas ng pinto, at gano’n na lang ang gulat niya nang pumasok si Stanley na may dugo sa pisngi at katawan.

“Stan, are you okay? What happened? Bakit duguan ka?” taranta niyang tanong dito.

Pero imbes na sagutin siya nito ay bumuntonghininga lang ito at pinatakbo na ang kotse paalis sa parking lot ng club.

“Ayos ka lang ba? S-sino ang may gawa niyan sa ’yo? Si Sir Dreco ba?” muli niyang tanong na hindi pa rin nakatiis kahit parang ayaw na nitong sumagot.

“I’m okay. Hindi si Dreco ang gumawa nito,” simpleng sagot lang nito sa kaniya nang hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

Napasimangot na lang si Andy at hindi na nags-usisa pa kahit parang maiiyak na. 

Nang makauwi sa kastilyo ay hindi na mapakali si Andy sa kaniyang kuwarto dahil sa labis na pag-aalala at mga katanungan na gumugulo sa isipan niya kung bakit duguan si Stanley at kung nasaan na si Dreco, bakit hindi ito sumama sa kanila pauwi.

Hindi siya nakatiis at pinuntahan na niya si Stanley sa kuwarto nito. Nakabukas ang pinto nito, kaya hindi na siya kumatok pa at pumasok na lang. Nadatnan niya itong nakaupo sa kama at kasalukuyan nang ginagamot ang sugat sa braso. Nakatapis na lang ito ng puting tuwalya dahil katatapos lang naligo, katunayan ay basa pa ang maiksing buhok.

“Stan.”

Hindi siya nito pinansin o tinapunan man lang ng tingin. Kaya hindi niya mapigilan ang muling mapasimangot.

“B-bakit hindi mo ako pinapansin? Galit ka ba sa akin?”

“No,” tipid lang nitong sagot sa malamig na boses.

Hindi niya alam kung masama ba ang loob nito sa kaniya o ano. Pero parang nasasaktan siya sa pakikitungo nito ngayon sa kaniya.

“Sino ba ang may gawa niyan sa ’yo? Ba't may mga sugat ka?” she asked again, worriedly. Ngunit hindi na siya nito sinagot pa. Kaya naupo na lang siya sa tabi nito at tahimik na lang itong pinanood.

Pero hindi pa rin siya nakatiis. Para mapansin ni Stanley ay dinampot niya ang maliit na towel sa tabi nito at marahan na pinunasan ang basa nitong buhok.

Napahinto naman si Stanley sa ginagawang paggamot sa sugat. Pero kalaunan ay napatikhim na lang ito at hinayaan na lang siya dahil muli na nitong pinagpatuloy ang ginagawang paggamot.

“Stan, may nagawa ba akong mali? Galit ka ba sa akin?”

Hindi pa rin ito sumagot.

“Ako ba ang dahilan kaya may mga sugat ka? Please answer me.”

“At paano ka naman naging dahilan?” Sa wakas sumagot na rin ito.

Napahinto na si Andy sa pagpunas sa buhok ng kasintahan. “K-kasi sumama ako kay Sir Dreco. Baka nagalit ka sa akin kaya parang ayaw mo na akong pansinin ngayon. Tapos may sugat ka pa. Nag-aalala ako sa ’yo.”

Stanley let out a sigh. “No, hindi si Dreco o ikaw ang dahilan kung bakit may sugat ako ngayon. This is Damon's fault.”

“Sinong Damon?”

“Si Dreco.”

Napakurap si Andy, biglang naguluhan. “H-hindi ko maintindihan, Stan.”

Napatitig na sa kaniya si Stanley. Hanggang sa napabuntonghininga na lang ito at ibinalik na muli ang tingin sa braso. “I guess, mas mabuting malaman mo na ang totoo para maging aware ka. Si Dreco, Vaun, Grim, and Damon, iisa lang sila. Yes, Dreco has a multiple personality disorder.”

The Psychopath In His Throne Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon