Mula sa loob ng dining room ay hindi mapakali si Andy habang hinihintay ang pagbabalik ni Vaun. Labis ang kaba niya na baka hindi nito makumbinsi si Jessica at maisumbong sila kahit wala naman talaga silang ginagawang masama, lalo na siya na walang alam, dahil ang akala niya talaga ay si Stanley ang yumayakap at halik sa kaniya kanina.
Nagitla siya mula sa malalim na iniisip nang may tumikhim. Paglingon niya ay si Stanley ang pumasok.
Bigla siyang napalunok at dinambol muli ng matinding kaba. Pero nawala ang kaba niya nang sumilay ang ngiti sa labi ni Stanley at mabilis na itong lumapit sa kaniya.
“Good morning, my sweetheart!” malambing nitong bati sa kaniya at hinalikan siya agad sa pisngi pagkalapit.
“G-Good morning din sa ’yo,” pabalik na lang niyang bati at pinilit na lang ngumiti. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba niya; mukhang hindi nga nakapagsumbong si Jessica.
Pinaghila na siya ni Stanley ng upuan. Pero bago pa siya nakaupo ay pumasok na ang basang-basa na si Jessica.
“Andy! Ipagdala mo raw si Sir Dreco ng breakfast sa swimming pool!” sabi nito bago umalis na tila ba galit pa.
“Ako na ang magdadala sa kaniya ng breakfast, maupo ka na lang at kumain,” wika ni Stanley sa kaniya, pero agad siyang umiling.
“Huwag na po, doc, ako na lang po. Mag-breakfast na lang po kayo rito.”
“Hmm. Doc again, huh?”
“Uhm, Stan pala." Natawa na lang siya ng bahagya.
“Alright, I'll just wait for you here; sabay na tayong mag-agahan,” pagpayag ni Stanley.
Kaya naman agad na siyang kumilos para ipagdala ng breakfast si Vaun.
Dala ang isang tray ng breakfast ay pumunta na siya sa may swimming pool. Nakita niya si Vaun na nakahiga sa sun lounger habang nakaunan pa ang ulo sa dalawa nitong braso. Pero paglapit niya rito ay nakita niyang nakapikit ang mga mata nito, tila ba natutulog.
“Ehmm!” Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito. Pero hindi man lang ito nagmulat. “Sir, ito na po ang breakfast niyo. Ilalagay ko na lang po rito sa table.”
Hindi ito sumagot, mukhang tulog nga talaga. Kaya naman nilapag niya na lang sa table na nasa tabi lang niya ang dalang breakfast sa table. Pero nang aalis na sana siya ay bigla na lang may pumatid sa paa niya nang hindi niya inaasahan.
“Ah!” hiyaw niya sa gulat at tuluyang bumagsak. Pero hindi sa tiles kundi sa ibabaw ng katawan ni Vaun.
“Ouch!” daing nito na akala mo’y nasaktan at biglang nagising. “Ano ba naman ’yan, kita mong natutulog ’yong tao pero hindi ka nag-iingat!” sermon nito sa kaniya.
Napasimangot si Andy at napatingala kay Vaun. “Anong hindi nag-iingat, eh sinadya mo 'yon! Pinatid mo ang paa ko!” sagot niya rito na may halo ring inis, dahilan para manlaki na ang mga mata nito sa kaniya.
“Aba’t nangbibintang ka pa, ha. Gusto mo yatang parusahan kita!” Tiningnan siya nito ng masama.
Napakuyom na lang ang isang kamao ni Andy at sumama din ang tingin.
“Oh, anong klaseng tingin ’yan? Aba’t— lumalaban ka? Ikaw ’tong nagkamali pero ikaw pa ang matapang?” Vaun reacted in disbelief.
Napapikit na lang si Andy para pakalmahin ang sarili at napayuko na lang. “I’m sorry, sir, kasalanan ko po,” pag-ako na lang niya. “Sige po, aalis na ako—”
”No, just stay here.” Mabilis siyang napigilan ni Vaun sa braso. “My leg hurt after chasing Jessica. Massage me.”
“Ha? P-pero, sir, naghihintay po kasi si—”
BINABASA MO ANG
The Psychopath In His Throne
Ficción GeneralMay kaya sa buhay ang pamilya ni Andy. Isang secretary ang kaniyang Ina sa isang malaking kumpanya na pag-aari ng mga Arcazshde. Ngunit may kaya man sa buhay ang kaniyang pamilya, hindi naman siya nabibilang dito. Dahil parang isang kaaway ang turin...