PAGDATING ni Damon sa kaniyang private property ay nataranta bigla ang kaniyang mga tauhan pagkakita sa kaniya. Agad na nag-ipon lahat ang mga ito at sabay-sabay siyang binati ng maligayang pagbabalik. Pero sa lahat ng kaniyang tauhan ay si Seven ang labis na natuwa pagkakita sa kaniya at yayakapin pa sana siya pero binigyan niya ng seryosong tingin, kaya napangiti na lang ito at hindi lang yumakap sa kaniya.
Si Seven ang kaniyang kanang kamay na tauhan na pinagkakatiwalaan niya sa lahat kapag wala siya. Alam din nito ang tunay niyang pagkatao at kung anong klaseng sakit meron siya.
Ngayon ay kasalukuyan na siyang nakaupo sa kaniyang massage chair habang binabasa ang mga report ng kaniyang tauhan tungkol sa mga pangyayari sa lumipas na buwan na wala siya.
“Grabe naman, boss, kakabalik mo pa lang pero basag naman ’yang mukha mo. Ang dami mong sugat oh!” reklamo ni Seven habang kasalukuyan na nitong ginagamot ang kaniyang mga natamong sugat sa nangyaring laban doon sa club.
“Don’t say a word. Just do your job.”
Napatikom na lang ang bibig ni Seven at itinuon na lang ang atensyon sa paggamot.
“Wala bang tumawag habang wala ako?” Damon asked.
But Seven didn't respond.
“I'm asking you, Seven.”
Hindi pa rin ito sumagot.
“Gusto mo bang tahiin ko ’yang bibig mo para tuluyan ka nang hindi makapagsalita?”
Doon ay napasimangot na si Seven. “Hmm! Sabi mo kasi, boss, don’t say a word. Sumunod lang naman ako sa sinabi mo!”
Tiningnan niya ito ng masama. Natawa na lang si Seven, tawang pilit.
“Meron nga tumawag, boss, hinahanap ka. Pero hindi ko naman alam kung saan ka hahagilapin, kaya sinabi ko na lang na nasa Chicago ka at baka next month pa ang balik mo.”
“Sino ’yon?”
“Si Mr. Go, boss.”
“Si Mr. Go?!” Napabalikwas bigla si Damon nang marinig ang pangalan na ’yon. “Anong sabi sa ’yo? Bakit daw siya tumawag?”
“Hindi sinabi, boss, basta gusto ka raw makausap dahil may importanteng sasabihin. Kaso nang tanungin ko naman kung ano, ayaw naman sabihin sa akin dahil mas gusto raw na ikaw ang personal na makausap—”
“Call him. Hurry up!”
“Pero boss, hindi ko pa tapos gamutin itong mga sugat sa braso mo—”
“Mamaya na ’yan, just do what I say!”
“Yes, boss!” Mabilis na tumakbo si Seven palabas ng room. Pagbalik nito may dala nang phone at agad na tinawagan ang number ni Mr. Go. Nang sumagot ay saka binigay na sa kaniya ang phone.
“Hello, Mr. Damon! Napatawag ka?” masiglang bungad ng boses ni Mr. Go.
“Yes. Hinahanap mo raw ako. Ano’ng kailangan mo?” sagot ni Damon at muli nang sumandal sa kaniyang massage chair. Pinagpatuloy naman ni Seven ang paggamot sa kaniyang mga sugat.
“Tamang-tama lang ang tawag mo, Mr. Damon, dahil balak ko rin sanang tawagan ka mamaya para malaman kung nakauwi ka na ba ng Chicago. Mabuti na lang tumawag ka na—”
“Tell me what you need, Mr. Go.”
Natawa na ang matanda sa kabilang linya. “Ikaw talaga, napakamainipin mong kausap. Well, gusto ko lang sanang itanong kung kailangan mo pa rin ba ng impormasyon tungkol sa dati mong pinapahanap?”
BINABASA MO ANG
The Psychopath In His Throne
General FictionMay kaya sa buhay ang pamilya ni Andy. Isang secretary ang kaniyang Ina sa isang malaking kumpanya na pag-aari ng mga Arcazshde. Ngunit may kaya man sa buhay ang kaniyang pamilya, hindi naman siya nabibilang dito. Dahil parang isang kaaway ang turin...