Pagkauwi ay muling naligo si Andy sa loob ng bathroom para makapagbanlaw. Nang matapos ay dumiretso siya ulit sa kitchen para makapagluto na naman ng pagkain para sa kanilang lunch.
Pagdating niya ng kitchen ay naroon na si Jessica suot pa rin ang outfit nito kanina. Nakaupo ito sa upuan at may kung anong kinakain.
“Ang galing mo rin lumandi, ’no? Nilandi mo na si doc, tapos nilalandi mo rin si Sir Dreco,” wika agad nito pagkakita sa kaniya.
“Puwede ba, tigil-tigilan mo na nga ang pang-aakusa sa akin ng panglalandi. Wala naman akong nilalandi sa kanilang dalawa, sadyang kinakain ka lang ng panibugho mo,” sagot naman niya at kinuha na lang ang rice cooker para makapagsaing na.
Pero hindi pa rin siya tinantanan ni Jessica.
“Malandi ka. Nagpapalusot ka pa kahit huling huli ka na. Akala mo ba hindi ko nakita na tudo yakap ka kanina kay doc Stanley? Sobrang lapit nga ng mukha niyo, parang hahalikan mo na siya. May pabungisngis-bungisngis ka pang nalalaman. Ibang klase ka rin lumandi.”
“Oh, ano naman ngayon? Hindi ba dapat maging masaya ka kasi hindi si Sir Dreco ’yon? Si Sir Dreco ang gusto mo, ’di ba? Kaya bakit mo pa kami pinuproblema ni doc Stanley?”
Inirapan lang siya nito at hindi na sinagot pa. Hindi na sila nagpansinan pa hanggang sa makatapos sa pagluluto at nakapaghain na.
Sabay silang nag-lunch. Katahimikan na naman ang namayani sa kanilang apat na parang may mga sariling mundi. Pero nang mapatingin si Andy kay Stanley ay nginitian siya nito, kaya tipid din siyang ngumiti pabalik.
Nang matapos mag-lunch ay sinundan naman ni Stanley ang kaibigan sa kuwarto nito at naglaro sila ng chess.
“Do you like Andy?” he asked.
“No, I don’t; I don’t like minors,” Dreco answered directly.
“But that’s not what I see.”
Napahinto si Dreco at tiningnan ang kaibigan. “How about you? Do you like Andy?”
“She’s too young for me. Pero aaminin ko, lumalakas ang tibok ng puso ko kapag tinititigan ko siya nang matagal, at napapangiti ako nang hindi ko namamalayan. I don’t know, but just felt this way. Nakakatawa nga kasi bakit sa isang menor-de-edad pa? Hindi naman ako mahilig sa mga bata, mas gusto ko ’yong pareho lang sa edad ko. Pero sabi nga nila, wala raw pinipili at kinikilala ang puso pagdating sa pag-ibig.”
Natahimik si Dreco at binalik na ang tingin sa chess board.
“Pero kaya ko pa naman pigilan ang damdamin ko kung kinakailangan. Tutulungan na lang kita sa kaniya kung gusto mo siya, magsabi ka lang,” dugtong ni Stanley.
Dreco sighed. “Do you think I didn’t know that she had a crush on you?”
Stanley looked at Dreco. “Kung totoo man ’yan, ano naman ngayon? You’re my best friend, after all.”
“C’mon, Stanley, you know that I can’t have her even if I want to.” Dreco chuckled.
“Why not? Pasasaan ba’t gagaling ka rin naman sa sakit mo, if that’s what you’re worried about.”
Natawa si Dreco. “Nah, you’d better just protect her in case Damon comes out unexpectedly. Don’t hesitate to use force on me if necessary.”
“Hindi na ’yon lalabas pa. It’s been five months now, hindi naman siya lumabas. Even Vaun and Grim, hindi na lumabas pa,” Stanley answered.
“That’s because I prefer to stay locked up in this abandoned castle. But by the time I go out, it’s possible that one of them will come out again.”
Sandali silang natahimik at muling maglaro ng chess.
“Just stay calm and relax; don’t think about anything so they don’t come out again. If you like Andy, just tell me, and I will help you have her,” Stanley said.
“No need, she’s all yours,” sagot agad ni Dreco. “We’ve been imprisoned in this castle for two years now; napapabayaan mo na ang love life mo. Baka tumanda ka nang binata niyan at sisihin mo pa ako sa bandang huli. So it’s better just pursue your feelings for her if you really like Andy. Don’t mind me, I’m okay. If you and Andy get along well, I will just be happy for you. Marami pa naman ibang psychiatrist diyan na puwede kong kunin.”
“You’re right, there are many psychiatrists out there, but I’m the only one who can handle Damon. Baka kahit si Vaun, hindi nila kayang i-handle, and your situation might get even worse just in case.”
“Huwag mo akong intindihin, Stan. Ang isipin mo, hindi ka na tatanda pang binata. May Andy nang dumating para sa ’yo. Kaya huwag ka nang mag-aksaya pa ng oras; yayain mo na siya agad lumabas, mag-date kayong dalawa.”
“Are you sure?”
“Yes. Don’t worry about me, may kasama naman ako rito, nariyan naman si Jessica. Just enjoy your day with Andy. Sa nakikita ko ay parang may lungkot sa kaniyang mga mata. Binenta raw siya ng kaniyang Ina kay Mommy. So please, just make her happy. I think mas lalo siyang maganda kapag laging nakangiti.”
Stanley smiled. “Okay. Then I will just date her tomorrow.”
“Bigyan mo agad ng ring para hindi na makawala pa.”
“Agad-agad? She’s just seventeen, for heaven’s sake, Dreco! Baka maalisan pa ako ng license!” Natawa si Stanley.
“Is that a big deal?” Napangisi naman si Dreco. “As they say, love has no age. And oh, I remember, didn’t you buy a ring when we were in Paris in 2019? You said you would give it to the girl you like someday. Nagkaroon ka naman ng girlfriend noong 2020; you were in a relationship for two years, pero hindi mo naman binigay sa babaeng ’yon ang ring. Kaya tingin ko ay para kay Andy na ’yon, ibigay mo na sa kaniya. Pakasalan mo na agad kapag sinagot ka. Ako ang magiging best man sa kasal niyo.”
“Alright. It’s a promise; you will be the best man at our wedding.”
KASALUKUYAN nang nagpahinga si Andy sa kaniyang room, wala siyang magawa kundi manood na lang ng TV dahil wala naman siyang ibang mapanlilibangan dahil wala na siyang cellphone. Hindi niya mapigilan ang malungkot sa isipin na may mga tumawag nang mga classmates niya at nag-text pero hindi na niya masasagot pa dahil nasa senyora na ang kaniyang phone, at hindi niya alam kung ibabalik pa ba ito sa kaniya, pero tingin niya hindi na.
Mula sa panonood ng TV ay napabaling ang tingin niya nang may kumatok. Kaya naman kahit tinatamad ay napilitan siyang bumaba ng kama at binuksan ang pinto.
Nasurpresa siya nang si Stanley ang bumungad sa kaniya pagbukas niya.
“Kayo po pala, doc. Ano po ang kailangan niyo?” Para siyang nabuhayan at napalis bigla ang lungkot.
“Lalabas ako mamaya. Puwede mo ba akong samahan?”
“Sure po, doc. Mga anong oras po?” agad niyang pagpayag nang hindi man lang nagdalawang isip.
“Aalis tayo ng maaga mga 3 PM. Okay lang ba sa ’yo?”
Mabilis siyang tumango. “Sige po, doc, ayos lang po.”
Napangiti na si Stanley. “Alright. See you then.”
BINABASA MO ANG
The Psychopath In His Throne
General FictionMay kaya sa buhay ang pamilya ni Andy. Isang secretary ang kaniyang Ina sa isang malaking kumpanya na pag-aari ng mga Arcazshde. Ngunit may kaya man sa buhay ang kaniyang pamilya, hindi naman siya nabibilang dito. Dahil parang isang kaaway ang turin...