HINDI pinatulog si Andy buong magdamag, hindi siya mapakali dahil laman ng isip niya si Stanley. Ipikit man niya ang kaniyang mga mata para piliting makatulog, pero nakikita niya pa rin ang guwapong mukha ni Stanley na nakangiti sa kaniya.
Ilang beses siyang nagpabaling-baling sa higaan. Hanggang sa bumangon siya at ipinilig ang kaniyang ulo. Pero paghiga muli ay ayaw pa rin mawala sa kaniyang isipan si Stanley. Parang paulit-ulit niya naririnig ang mga sinabi nito sa kaniya kanina nang nasa labas sila. At parang nagpi-play nang paulit-ulit sa kaniyang utak ang mga eksena kanina sa loob ng shopping mall hanggang sa loob ng restaurant kung saan sinuotan siya ng singsing ni Stanley.
“Ang ganda,” she said as she looked again at the pink diamond ring on her finger. Tamang-tama lang ang laki ng singsing sa kaniya.
At dahil hindi siya makatulog ay naisipan na lang niyang lumabas ng kuwarto. Bumaba siya at dumiretso sa kitchen para maghanap ng puwedeng pang-midnight snack.
Pero pagdating niya ng kitchen ay nadatnan niya si Dreco na nakaupo sa may table katabi ang isang saklay at parang nagkakape dahil may isang mug sa harap nito na umuusok pa. Parang ayaw na lang sana niyang pumasok pero nakita na siya nito.
“M-magandang gabi po, sir.” Wala na siyang nagawa kundi bumati at pumasok na lang.
Medyo nakaramdam na siya ng pagkailang at nagdalawang isip pa kung lalapit ba sa ref o hindi. Ngunit wala naman siyang nagawa kundi lumapit at binuksan ang ref. Pero imbes na kumuha ng puwede pang midnight snack, mas pinili na lang niya kunin ang isang bote ng mineral water at binuksan, kunwari ay uminom.
“Can’t sleep?” Dreco asked. “Why? Dahil ba in love ka na kay Stanley kaya hindi ka na makatulog sa kakaisip sa kaniya?” dugtong pa nito habang ang tingin ay nanatili sa umuusok nitong kape.
Muntik na siyang masamid sa kaniyang iniinom na tubig at naubo ng konti.
Hindi na niya alam ang isasagot, kaya kunwari ay sinara na lang niya ang bote ng mineral water matapos uminom at binalik sa loob ng ref.
“Kumusta ang date niyo?” Dreco asked again, this time ay tiningnan na siya nito.
“Ayos naman po, sir,” ilang niyang sagot at sinara na ang ref.
“Boyfriend mo na?” he asked again.
“S-sir?” Napatingin na siya kay Dreco.
Tipid naman itong ngumiti, ’yong tipong tipid pero halatang pilit lang. “That’s good. Ilang araw ka pa lang dito pero nagkaroon ka na agad ng boyfriend,” he said with a hint of sarcasm. “Hindi ka magsisisi kay Stanley. He’s a good guy; I’m sure he'll take care of you until you grow old.”
Hindi na alam ni Andy ang isasagot, kaya nagpaalam na lang siya. “Sige po, sir. Goodnight na po!” Nagmamadali na siyang lumabas ng kitchen at hinintay pang makasagot si Dreco.
Halos madaling araw na nang makatulog siya. At dahil late na siyang nakatulog, tinanghali na siya ng gising. Pagpasok niya ng kitchen kinabukasan ay naroon na si Jessica nagluluto, at hindi niya inaasahan na kasama nito si Stanley.
“Hi, good morning, Andy!” nakangiting bati agad sa kaniya ni Stanley nang makita siya. “Come here, tikman mo ’tong luto ko kung ayos na ang lasa.” Bago pa siya makalapit dito ay lumapit na ito sa kaniya habang hawak ang kutsara na may sabaw ng niluluto nitong tinolang manok.
Inihip-ihipan pa muna ni Stanley bago nito inilapit sa kaniyang labi, kaya wala nang nagawa si Andy kundi tikman ang sabaw sa kutsara.
“Hmm. Ayos naman, doc, masarap po!” kaniya nang wika nang matikman ang sabaw, dahil masarap nga.
BINABASA MO ANG
The Psychopath In His Throne
General FictionMay kaya sa buhay ang pamilya ni Andy. Isang secretary ang kaniyang Ina sa isang malaking kumpanya na pag-aari ng mga Arcazshde. Ngunit may kaya man sa buhay ang kaniyang pamilya, hindi naman siya nabibilang dito. Dahil parang isang kaaway ang turin...