CHAPTER 22

19 2 0
                                    

NASA isang nightclub na naman si Andy kasama si Vaun at ng mga kaibigan nito para i-celebrate ang pagkapanalo nito sa racing kahapon. 

“Vaun, I thought you were dead. I've been looking for you all over the Philippines for a long time, but I can't even see your shadow."

"That's because you're not a good finder," Vaun replied to his friend with a chuckle.

“And oh, by the way, I saw your twins last month; kaso parang ang yabang, ni hindi man lang ako pinansin nang batiin ko,” wika naman ng isa.

Natawa si Vaun. “Well, that's Dreco. Mayabang talaga ’yon pero mahinang nilalang, walang maibubuga kumpara sa akin.”

Mula sa pagkakaupo sa tabi ni Vaun nang walang imik, hindi na naman mapigilan ni Andy ang maguluhan sa mga narinig. Talagang hindi niya maintindihan. Hindi ba si Dreco at Vaun ay iisa? Naguguluhan siya at napapatanong mag-isa sa kaniyang isipan kung ano ba talaga ang nangyayari. Parang may mali talaga, may hindi tama, pero hindi niya lang matukoy nang diretso.

“’Yang babaeng kasama mo, is that really your girlfriend?” tanong ng isang lalaki, dahilan para mapunta na ang tingin ng limang kaibigan ni Vaun kay Andy.

“Ask her,” sagot lang ni Vaun bago muling lumagok ng alak.

“Miss, are you Vaun's girlfriend?” tanong na ng isang lalaki.

“Hindi,” tipid na sagot lang ni Andy at itinuon lang ang tingin sa ibabaw ng table. Hindi siya komportable sa totoo lang. Ayaw niya nga sanang sumama at gusto na lang magpaiwan sa hotel, pero pinilit siya ni Vaun.

“Then, kaano-ano mo siya?” the man asked again.

“He's my brother.” Bigla na lang nasagot ’yon ni Andy imbes na boss sana dapat.

Vaun coughed and looked at her in disbelief. “You’re my what?”

Patay-malisya niya itong tiningnan. “I’m your little sister. Magkapatid tayo sa ama.”

Vaun's lips parted. “Wow, huh. So ginawa mo pang babaero si Dad?”

Andy just shrugged, pero hindi niya na mapigilan ang lihim na mapangisi dahil sa reaction ni Vaun at klase ng tingin na nito na para bang nakangiwi na nakasimangot sa kaniya; hindi na maintindihan ang reaksyon.

“Don’t give me that look, kuya.”

“Ah kuya, huh? Call me that again and I will show you how to be a good brother to you,” he warned.

Pero imbes matakot ay umismid lang si Andy. “Kuya,” ulit niya at napairap pa dahil naiinip na rin siya.

“Say that again.” Sumeryoso na ang mukha ni Vaun at binaba na nito ang hawak na kopitang may alak.

“Kuya—”

Natigil ang pagtawag ni Andy nang bigla na lang siyang hinila sa batok ni Vaun at diretsong kinuyumos ng halik ang kaniyang labi. Nanlaki ang kaniyang mga mata at parang nanigas sa kaniyang kinalalagyan.

Naghiyawan naman ang mga lalaking kaibigan ni Vaun.

“You bro! Ibang klase ka!”

“Damn, man! You kissed her, so that's means she's your girlfriend, not your little sister!”

“Vaun! Ibang klase ka rin! I'm so proud of you, man!”

Langhap na langhap at lasang-lasa ni Andy ang lasa ng alak dahil sa paghalik ni Vaun sa kaniya. Pero pakiramdam niya ay namantal agad ang labi niya sa dahas ng halik nito. Nang bumitaw na ito ay nginisian na siya.

The Psychopath In His Throne Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon