CHAPTER 6

34 1 0
                                    


Tatlong araw ang lumipas. Hindi na masakit pa ang likod ni Andy dahil tuluyan nang gumaling sa tulong gamot na laging pinapainom sa kaniya ni Stanley.

Sa pananatili ni Andy sa kastilyo ay masasabi niyang ayos naman at hindi naman nakakatakot sa loob, maliban na lang kung sisilip sa labas, nakakatakot tingnan ang paligid dahil may kadiliman gawa ng mga punong kahoy, samahan pa ng limang gate at mga tuyong dahon sa bawat lupa, kaya napa-creepy tingnan.

Nakilala na rin ni Andy ang babae na nakita niya noong isang araw. Jessica pala ang pangalan nito, at tama nga siya dahil katulong din ito sa kastilyo, at katulad niya ay bagong dating din pala ito, mas nauna lang sa kaniya ng isang araw.

Nagkasundo naman sila ni Jessica. Nagtulungan sila sa pagluluto at paglilinis sa loob ng kastilyo. Pagdating naman sa paglalaba ng mga damit ng anak ng senyora ay inaako ni Stanley, mga bedsheets lang ang pinapalabhan sa kanila.

Sa lumipas na tatlong araw ay unti-unti nang tinanggap ni Andy ang kaniyang kapalaran na hindi na siya makakapagpatuloy pa ng pag-aaral dahil binenta na siya ng kaniyang mommy. Pero hindi niya mapigilan ang mapaisip na baka ampon lang siya, dahil ni minsan, wala siyang naalala na pinaburan siya ng kaniyang mommy, dahil tuwing nagkakaroon sila ng alitan ng kaniyang dalawang kapatid ay siya lagi ang pinapagalitan, kahit noong mga bata pa sila at maging sa kasalukuyan. Ang kaniyang daddy naman ay mabait naman sa kaniya minsan, pero mas kinakampihan pa rin nito ang kaniyang dalawang kapatid. At ngayong binenta siya ng kaniyang mommy sa senyora, napaisip siya na baka ampon nga lang talaga siya. Kung pagtatagpi-tagpiin ang mga trato sa kaniya, masasabi niyang ampon nga lang siya, at ngayon ay may patunay na, dahil nagawa na siyang ipagpalit sa pera.

"Alam mo, Andy, noong una, nagmakaawa ako kay Senyora at lumuhod pa para lang hindi niya ipadala rito. Natatakot talaga ako kasi akala ko nakakatakot dito. Sabi kasi ng mga matagal nang katulong ni Senyora ay may sakit daw sa pag-iisip ang anak nito at pumapatay raw ng tao, pinaglalaruan ang mga babae. Pero ngayon nakapunta na ako rito, parang hindi naman 'yon totoo, mukha namang matino si Sir Dreco at mukha ring mabait katulad ni doc Stanley kahit tahimik lang," kuwento sa kaniya ni Jessica. Kasalukuyan na silang nagluluto ng pagkain para sa tanghalian, at dalawa lang sila sa loob ng kitchen.

"Malay mo, baka hindi pa dinadalaw ng kaniyang sakit. Mas mabuting mag-ingat pa rin tayo at i-lock palagi ang pinto," sagot ni Andy habang naghuhugas ng bigas sa rice cooker.

"Tama ka. Pero para sa akin mabait talaga si Sir Dreco at doc Stanley. Ang guwapo pa nila pareho. Ikaw ba, kanino ka naguwapohan sa kanilang dalawa?"

"Kay doc Stanley," diretsong sagot ni Andy.

"Hmm!" pag-ismid naman ni Jessica. "Para sa akin mas guwapo si Sir Dreco. Oo, guwapo rin naman si doc Stanley, kaso maputi naman. Mas gusto ko kasi sa mga dark handsome. Kaya si Sir Dreco ang pipiliin ko."

"Magkaiba tayo. Mas gusto ko sa makinis, 'yong tipong glass skin."

"Sige, sayo na lang si doc, at akin si sir."

Natawa si Andy. "Ikaw talaga. Buti sana kung magustuhan nila tayo, eh katulong lang naman tayo."

"Paano nila tayo hindi magustuhan, eh tayong dalawa lang naman ang babae rito na makakasama na nila habang buhay," muling sagot ni Jessica at napahagikhik pa.

Napailing na lang si Andy. Mas matanda lang sa kaniya si Jessica ng tatlong taon, 20-year-old na ito, at siya naman ay 17 pa lang. Pero may pagkamadaldal ito kapag silang dalawa lang at may kalandian din.

"Ano kaya kung akitin natin sila?" suhestiyon pa nito sa kaniya.

"Ha? No way! I can't do that, Jessica!"

The Psychopath In His Throne Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon