CHAPTER 7

27 3 7
                                    


MAAGANG nagising si Andy. Agad siyang naligo sa loob ng bathroom at dali-daling nagbihis pagkatapos. Isang simpleng sleeveless floral dress lang ang kaniyang sinuot na hanggang tuhod lang ang haba, at sinuklay lang niya ang kaniyang hanggang baywang na buhok bago siya lumabas na ng kaniyang kuwarto at bumaba.

Tahimik pa ang buong paligid, lalo na sa loob ng kastilyo. Mabuti na lang ay nakabuhay lahat ng ilaw, kaya kahit papaano ay maliwanag naman at hindi naman nakakatakot, dahil haunted man tingnan sa labas ang kastilyo, pero napakaganda naman ng loob nito.

Pagdating ni Andy ng kusina ay wala pa si Jessica. Kaya naman mag-isa na lang siyang nagluto. Punong-puno naman ang isang freezer ng mga frozen food, at dalawang ref ng mga drinks and snacks. Bukod doon ay marami ring mga naka-stock na iba pang pagkain sa storage room.

Kasalukuyan nang abala si Andy sa pagluluto ng egg omelette nang pumasok na si Jessica. Nakasuot ito ng white maong shorts at pink crop top, labas ang pusod at nakalugay ang medyo kulot na buhok na hanggang balikat ang haba, pulang-pula naman ang labi nito dahil sa lipstick.

Naupo si Jessica at pinagmasdan siya nito habang nakatalikod, tiningnan ang kaniyang suot na floral dress, hanggang napatingin ito sa kaniyang makinis na binti at napasimangot ito.

“Andy,” maarte na nitong pagtawag sa kaniya.

Napalingon naman siya. “Oh, Jessica, narito ka na pala. Ikaw na lang muna ang mag-init ng tubig.”

“No, ayoko. Ikaw na lang ang gumawa, tutal kayang-kaya mo naman. May luto ka na ba riyan? Pahingi naman ako. Nagugutom na kasi ako.”

Tumaas ang kilay ni Andy. “Pareho tayong katulong dito. Magkusa ka na lang tutal may mga kamay ka naman,” irap niyang sagot bago binalik ang tingin sa kaniyang niluluto.

Kumuyom naman ang kamao ni Jessica. “May araw ka rin sa akin, Andy,” mahina na lang nitong bulong at hindi na nag-utos pa. Napilitan na lang itong mag-init ng tubig.

Nang makaluto ay sabay-sabay silang nag-almusal sa loob ng dining room. Tahimik lang silang apat, hanggang sa magsalita si Stanley.

“Andy,” pagtawag nito sa kaniya.

Napaangat naman siya ng tingin dito. “Yes, doc?”

“Balak kong maligo sa batis ngayon; do you want to come with me?”

Natigil naman si Dreco sa paghigop ng kaniyang kape sa narinig at napatingin sa kaibigang psychiatrist.

“Talaga, doc? May batis po malapit dito? Saan banda?” sagot naman ni Andy na parang biglang natuwa.

Ngumiti si Stanley. “Yes, meron batis malapit dito. It’s nice to take a bath there; it’s very cold. So, will you come with me?”

Agad na tumango si Andy. “Opo, doc, sasama po ako!”

“Sasama rin ako,” mabilis na singit ni Dreco.

“Sasama rin ako, sir!” singit din ni Jessica.

Kaya naman ang nangyari ay lumabas na nga sila ng kastilyo matapos mag-almusal. Sa backdoor sila dumaan dahil naroon ang daan patungo sa may batis. Tulak-tulak ni Jessica ang wheelchair ni Dreco at nasa unahan sila, habang si Andy naman at Stanley ay nasa hulihan. Nakasementado naman ang daan pero maliit lang, kasya lang ang isang wheelchair. At sa buong paligid ay puno pa rin ng mga naglalaglagan na mga tuyong dahon.

“Doc, wala bang naglilinis dito?” tanong ni Andy. Curious siya kung bakit hindi man lang nililinis ang buong paligid, eh kung tutuusin ay kaya namang palinisan ng senyora dahil sangkatutak naman ang mga katulong nito at may pera naman para kumuha ng iba na puwedeng maglinis.

The Psychopath In His Throne Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon